"Wow..." manghang manha kong sabi nang makapasok kami sa gate nila Ate Kiara
"Mas maganda pa ang bahay ay este mansyon nila sa probinsiya" pagmamalaki ni Ate, sabagay nakapunta na kasi siya dun
"Wow..." hindi na nga ata ako matitigil sa paghanga
Ang mga maids at guards ay nakatayo sa magkabilang gilid ng malaking pinto or entrance
"Ate? mukha ba tayong magnanakaw?" bulong ko kay Ate nang tanungin ng dalawang babae ang pangalan namin
"Ganon lang talaga pag may party party na ganito, marami na kasing lokoloko ngayon, baka mamaya kasi may makapasok na hindi naman invited" bulong din sa akin ni ate
"Ah..." halos wala na akong masabi nang tuluyan na kaming makapasok sa loob
May mga table na matataas, at lamesang katamtaman. May dalawang mahabang lamesa sa magkabilang gilid, nakalagay don ang mga pagkain na mukhang masasarap!. Ang stage ay nasa gitna ng magkabilang hagdanan, ang ganda!! palasyo ata 'to e
"Hi... Hello... Uy! Hahahaha... sure" etong Ate ko, kada may madaanan na kakilala hindi matigil ang pakipag besohan, plastikan ba 'to? charot. Friendly talaga 'tong Ate ko
At ayun na nga ang Ate ko, naagaw na ng mga kakilala, iniwan na ako ditong nakatayo, sinenyasan niya lang ako na dumeretso na at humanap ng table namin, napili ko ang table na nasa dulo para tago. Panay ang masid ko lang sa paligid ko, mga englishero, englishera. Puro lang sila bulungan at daldalan dahil ang lakad music
"Happy birthday Ate Kiara!" maligaya kong bati kay Ate Kiara ng makalapit siya, agad naman kaming nagyakapan
"Thanks! you're so pretty" sabi niya at pinagmasdan niya ako, agad naman akong nahiya, e pinuri ako ng sobrang gandang babae
"Thank you po, ang ganda ganda niyo din po, sorry wala akong gifts hehe, wala pang sahod e" napapahiya kong sabi, at napakamot pa sa ulo
"No worries, saka na pag mayaman kana, nagugutom kana ba?" nakangiti niyang sabi, umiling na lang ako at nagbeso pa kami bago siya tumalikod sa akin, ang bait niya talaga
Agad naman siyang bumaling sa iba pa, pinagmasdan ko siya, ang ganda niya e. Nakasuot siya ng maroon dress, bahagyang kita ang dibdib, at kita rin ang balat niya sa likod, kumbaga backless. Nakatali ang buhok niyang may kulot sa ibaba. Ang ganda ganda niya
"Gutom kana ba?" tanong sa akin ni Ate nang makabalik siya sa table, parang kabute 'tong babaitang 'to, pawala wala
"Hindi pa naman, kainan naba?" tanong ko sa kanya
"Hindi pa, kakanta kami doon, kakanta ka din ha"
"Ano? hoy 'wag ka nga diyang epal" agad na tanggi ko
"Si Kiara may request, pagbigyan mo na"
"Ate naman, ayoko noh"
"Wala kana ngang regalo diyan" agad naman akong napaisip sa sinabi niya, oo nga pala wala akong regalo, pero pano yun? sabi niya pag mayaman na daw ako, saka ako magregalo, aysh ano ba yan!
"Sige na nga..." nakakunot noo kong sabi
"Kaya magisip isip ka na ng kakantahin mo ha, punta na ako dun" paalam niya sa akin
Dito lang ata ako biglang kinabahan at nahiya ng todo, pag pinapakanta naman ako sa school wala akong hiya, pero dito? ngayon?. Tinignan ko ang paligid, nakakahiya talaga
Agad kong nilabas ang cellphone ko para magchat sa group chat namin
Jiya: kakanta ako guys :'(
Benedict: Oh? bakit malungkot?
Miguel: bakit sad face?
Jiya: nakakahiya dito, ang yayaman ng mga tao dito e
Miguel: pakita mo talent naten!
Agad ko tuloy naalala 'tong si Miguel, magaling din kasi 'tong kumanta si Miguel, siya lagi ang ka-jamming ko
Benedict: Picture ka nga Jiya
Pinicturan ko ang paligid, pati ang mga pagkain sa gilid, pati sila ate Rema na nasa stage, kumakanta, pati ako, nagselfie
Jiya: sent a photo.
Ramil: Ang ganda natin sis ah
Miguel: ganda talaga oh
Benedict: ganda naman ng tropa namin :(
Jiya: shh, ako lang to
Agad ko ng in-off ang phone ko para mapakinggan sila ate sa harap, mala anghel talaga 'tong boses ng Ate ko. Para sakin, sakto lang ang boses ko. Bigla nanaman tuloy akong nahiya
Nang mapansin ko ang katabi ng upuan ako ay agad kong sinilip yun, nacurious kasi ako kung monoblock ba ang upuan na 'yon, pag may okasyon kasi sa lugar namin, monoblock ang upuan, pinapatungan lang ng tela
"Ay akala ko monoblock..." bulong ko nang makitang bakal ang upuan na yun
"Really huh?" agad akong nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harap ko, mukhang narinig ang sinabi ko
"Hi Kye, goodevening" masayang bati ko sa kanya at umayos ng upo "Goodevening din Chino" bati ko sa kaibigan niyang nakaupo na sa tabi ko habang nakangiti sa akin
"Hi goodevening din, nasan na mga kaibigan mo?" tanong sa akin ni Chino
"Wala, hindi naman sila invited"
"Dapat pala in-invite mo na sila para makapagpasalamat na din sa pagliligtas niyo kay Kye"
"Naku, wala 'yon"
"This is not my birthday, stupid" bulong ni Kye sa gilid, agad ko namang tinapik ng mahina ang balikat niya
"Grabe ka maka-stu--" natigil ako sa pagsasalita ng lumingon siya sa balikat niya at pinagpagan 'yon, napangiwi na lang ako sa inasta niya
"Hayaan mo siya, ganyan talaga siya, sinasabihan ko din naman siya ng mga bad words" sabi ni Chino
"Ang bad pa rin ng Friend mo" mahinang sabi ko kay Chino, natawa kaming pareho
"Jiya? sing for me please" agad akong nagulat nang magsalita si Ate Kiara sa mic
"A-ah..." mahinang sabi ko at napatingin sa paligid, napapikit pa ako nang lahat sila ay naka-tingin sa akin
"Wow, marunong kang kumanta?" tanong ni Chino, tumango lang ako sa kanya, at binalingan ng tingin si Kye, na kasalukuyang nakatingin din sa akin habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa dibdib, napatitig pa ako sa kanya saglit ang gwapo niya pala talaga
"Jiya" muling sabi ni Ate Kiara sa mic at isinesenyas na lumapit na ako don sa stage
"Go jiya!" si Chino
"Thank you" nakapout kong sabi, nahihiya talaga ako, nang balingan ko ulit si Kye, nakangisi na siya, na parang sinasabi niyang hindi ako marunong kumanta
"What?" tanong ni Kye nang mapansing nakatingin ako sa kanya
"Wala"
"Tignan nga natin" panghahamon niya, ah talaga ba, hinahamon niya ako?!
"Manood at makinig ka ng mabuti" sagot ko sa kanya at kinindatan pa siya bago tumayo, ewan ko ba, parang ginanahan ako bigla
ha! makikita mo!
. . .
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari