"Jiya" tawag sa akin ni Ate Kiara, agad akong lumapit "Here," inilahad niya sa akin ang kulay kremang sobre "Be there okay? imbitado din Ate mo, don't worry" nakangiti niyang sabi at"Naku Ate Kiara! salamat po" masaya kong sabi kay Ate Kiara, tinanguan at nginitian niya lang ako bago talikuran
Ang ganda ng card! galante talaga 'tong si Ate Kiara! pag naging close pa kami neto lalo gawin ko 'tong ninang, joke hahahaha
Agad akong nagfocus sa trabaho ko, nakatoka ako ngayon sa kitchen, ako ngayon ang taga hugas ng mga pinagkapehan
"Jiya pinapatawag ka ni Maam Kiara" sabi ng isang staff
"Ha? bakit daw" tanong ko at nagkibit balikat lang siya, lumabas na ako kaagad matapos magpunas ng kamay
Nagulat ako nang makita kung sino ang kasama ni Ate Kiara at ng Ate ko. Yun yung nabugbog kahapon na si, si... Kye! at yung kaibigan niyang si Chino!
"Ano nanamang kasalanan nagawa mo" bulong sa akin ni Ate ng makalapit ako
"Malay ko?" bulong ko pabalik.Natahimik kami ng tumikhim si Kye
"Ah, this is Chino, my brother, and this is Kye, His friend" pakilala ni Ate Kiara sa dalawang lalaking nakilala ko kahapon
"Ay Ate Kiara, kilala kona po sila hehe" nakangiting sabi ko
"I want to report that girl" turo sa akin ni Kye habang kausap ang kaibigan
Ako daw? ha? bakit? niligtas na namin kahapon tapos ganyan iaasta niya? baliw ba siya? nababaliw na siya
"Bakit po Sir Kye?" kinakabahang sabi ni Ate
"Ate, wala akong ginagawang masama diyan, iniligtas pa nga namin siya kahapon" sabi ko at tumingin kay Kye ng masama, doon ko lang nakita ang ibang pasa niya sa mukha
"Oo nga bro, ano ba kasing ginawa niya sayo? e niligtas kana nga niya kahapon" naiilang na sabi nung Chino
"Oo nga!" sabat ko
"Yun naman pala Kye, ano bang problema?" mahinahong tanong ni Ate Kiara. Nanahimik siya habang masama ang tingin sakin, nginingiwian ko lang siya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa dibdib
"She told me that i'm... panget" sabi ni Kye at umiwas ng tingin
"seryoso ka?" natatawa kong tanong, pati sila Ate at Ate Kiara halos nagpipigil ng tawa, pati yung Chino napaiwas din ng tingin at nagpipigil tumawa
"What we will do, then?" tanong ni Ate Kiara nang matigil sa pagtawa
"I want her to say sorry" nakaiwas pa ding sabi ni Kye
"kwits lang tayo, hoy! iniligtas ka kaya namin" agad kong sabi
"Namin? really? e iniinis mo nga lang ako habang hirap na hirap na ako kagabi"
"Inis? sure ka? mabuti nga kinakausap kita kagabi, para malaman ko kung buhay kapa"
"Wow, salamat ha" sarkastikong sabi niya "Salamat sa pagtunganga"
"Wala akong kasalanan, kaya di ako magsosorry" inis ko ng sabi
"Mag-sorry kana, sige na" pamimilit sa akin ni Ate
"E bakit nga ako magsosorry? wala nga akong ginagawang masama?"
"Sige na, ako na ang humihingi ng sorry Sir Kye, sorry kung ano man 'yon" sinserong sabi ni Ate kaya napairap na lang ako
"I'm sorry Ate Kiara, punta na po ako sa kitchen" baling ko kay Ate Kiara
"See? you know how naman pala, mag sorry ka nalang sa akin" inis na sabi nung Kye, kaya hindi ako papatalo, mas pinakita kong mas naiinis ako sa kanya!
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari