01

8 0 0
                                    

"Anak ka ng! gumising kana nga diyan Jiya, malelate na tayo" sigaw ng ate kong bungangera

Tinignan ko ang cellphone ko, tama siya, ilang minuto nalang ay malelate na kami. Agad akong nagasikaso ng sarili ko para makapasok na sa trabaho

"Pasensiya kana Kiara, ke-bago bago nitong kapatid ko, late nanaman" sabi ni ate habang nag-pupunas ako ng mga bagong hugas na baso

"Okay lang yun ano kaba" sagot ni Ate Kiara, buti pa ang kaibigan nitong si ate ay napakabait

Tahimik lang kami habang nagtatrabaho, after kong maghugas ng mga baso at platito ay ako na ang nagseserve ng mga order ng costumer

"Ang tagal mo naman!" inis na sabi ni Ramil ng maka-pasok kami

"Ang dami pang inutos ni Ate e, bwisit nga e, haggard nalang ako lagi" inis kong sabi habang nagsusuklay

"Hoy haggard ka naman talaga lagi" tatawa-tawa namang sabi ni Benedict, nakitawa na rin si Miguel at Ramil

Kotongan ko kaya sila? tas bugbugin kona din?

"Aray!" sabay sabay nilang sabi nang kotongan ko sila isa isa, buti nga

Hindi na rin sila nakaganti dahil dumating na ang teacher namin na masungit, at nagiwan nanaman ng homework, kaya tawag namin sa kanya 'Maam homework'

"Saan tayo tatambay?" tanong ni Ramil

"Hoy may trabaho pa ako mamaya" sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng school

7 AM to 10 AM at 7 PM to 9:30 PM ang pasok ko sa coffee shop

"Ay oo nga pala, shit tao na tong tropa natin" sabi ni Ramil

"Tanga, kailangan ko magipon, alam mo naman?" sabi ko sa kanila

"Tara kain muna tayo dun" turo ni Miguel sa palagi naming kinakainan ng streetfoods

"Putcha, iba na talaga ang may pangarap no?" sabi ni Benedict

"Nakakahiya kaya sa nanay ko, kawawa naman siya dun sa abroad" malungkot kong sabi habang kumakain ng isaw

"Sabagay, kahit ako nahihiya na din sa tatay ko" sagot ni Miguel

Tinapos namin ang pag kain habang nagkekwentuhan, at nagaasaran, hindi matatapos ang araw namin nang walang naaasar, at ngayon araw ay ako ang naasar

"Hi Ate Maya" bati ko sa isang staff sa coffee shop

"Hello, pwede bang ikaw nalang ang mag-over time mamaya?" bungad sakin ni Ate Maya, kung minamalas ka nga naman

"Grabe ka Ate Maya ha, joke! oo naman no" agad kong sabi kahit labag sa loob ko

"Ayun buti naman, may sakit kasi yung kasama kong mago-over time mamaya e" sabi niya at nagumpisa ng magtrabaho

Tinignan ko ang cellphone ko at 9:34 PM na, dapat sana pauwi na ako, e kaso mamaya pa akong 11 dito. Nandito ako sa kitchen room, ako ang naka-toka na maghugas

"Jiya! Jiya!" tawag sa akin ng isang staff

"Oh bakit?"

"Ikaw nga ang magbigay nitong order dun sa lalaking umiiyak, nakakatakot kasi siya kausap kanina" natatakot niyang sabi

"Sus takot ka don? mukha namang bading, akin na, ako magbibigay"

"Salamat"

Yun lang? nako if ever takutin ako nito, baka magsuntukan kami

"Sir, goodevening, your order sir" nakangiti kong sabi habang nilalapag ang order niya sa mesa at palihim siyang pinapakiramdam

Magang-maga ang mata niya, nakatulala lang siya kung saan, kaya ipinitik ko ang daliri ko pero di siya natinag, kaya kinalabit ko na lang siya

"Excuse me?" nakakunot noo niyang sabi

"Here's your coffee sir"

"I know, hindi ba pwedeng ipatong mo na lang diyan?"

"Ay sir, parang ang bastos ko naman po kung basta ko nalang ilalagay ang order niyo nang hindi sa inyo pinapaalam" kalmado kong sabi at nginitian pa siya

"Tss, naririnig kita, ayoko lang talagang may kaharap na tao"

"Arte naman sir, magiging okay din kayo, don't worry" sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis pero mukhang mas lalo lang siyang nainis

"You know what? pag hindi ka pa umalis sa harap ko, ipapatanggal kita sa trabaho" sabi niya at umiwas nanaman ng tingin

"Talaga sir? sa inyo po ba ito? we? di halata ha?" pang-aasar ko, sarap lang niya asarin, mas masarap pa siya asarin kesa sa mga tropa ko

"Damn it!" inis niyang sabi pero di ako nagpatinag at mas lalo pa siyang nginitian

"Sige kayo sir, papangit kayo lalo" sabi ko at tumalikod na

"So, i'm ugly?" napahinto ako sa paglalakad ng magtanong siya

"Hmm, wait..." sabi ko at itinabingi pa ang ulo na parang pinagaaralan siya, ikrinoss niya ang kanyang kamay sa dibdib at sumandal sa upuan na parang naghihintay ng sagot ko "Gwapo ka naman sir... pangit nga lang" sabi ko at itinago ang tawa dahil halos mapatayo siya sa inis

Actually gwapo naman siya, parang may tililing nga lang, kasi nang lingunin ko siya ulit, nagsasalita na siya mag-isa

Hay... sarap mangasar, namiss ko tuloy mga gunggong kong mga tropa

                         

. . .

STUCK ON YOUWhere stories live. Discover now