Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa computer shop nadatnan kona agad yung tatlo na busy maglaro, agad akong lumapit para batukan sila"'Wag kang magulo" sabi ni Ben habang nakafocus pa din sa screen
"3 hours nga Joris" sabi ko sa taga bantay ng shop at inabot ang 50 pesos sa kanya
Umupo na ako sa tabi ni Ben at nagumpisa ng maglaro, nang matapos sila sa game nila ay isinali na nila ako ako sa laro. Unang game ay puro panalo, nang maglaro kami ng pang last ay mukhang matatalo pa
"Putcha! bakit-- ay-- ay--" pagiingay ni Ramil
"Talo pa!" sigaw ko
Agad namang silang nag-ingay dahil nga olats kami, sa una lang talaga ipapatikim yung pagkapanalo e! kainis!
"Tambay tayo sa inyo Jiya" sabi ni Miguel habang papalabas kami sa computer shop
"Aalis kami mamaya, teka anong oras na?" sabi ko at agad inilabas ang cellphone ko para tignan ang oras, 4:37 PM "Hala! bilisan na natin, may pupuntahan pa kaming party ni ate e"
"Wow! may pa-party na si inday" sabi ni Ramil
"Saang party?" tanong ni Ben
"Birthday nung kaibigan ni Ate, si Ate Kiara, yung anak nung may ari ng pinapasukan namin sa coffee shop" sabi ko
"Hatid namin kayo?" tanong ni Miguel
"Oo naman syempre"
"Yun oh, makikita na ulit natin siyang maging tao" tatawa tawang asar ni Ramil
"Ang kapal mo ha, so mukhang kang tao niyan?" sabi ko sabay turo sa kanya
"Hoy masakit ha!" sabi niya sabay hawak sa dibdib niya, at umaktong nasasaktan
Nang makarating kami sa bahay ay agad silang naupo sa sofa namin at nagumpisang ilabas ang mga cellphone, malamang, maglalaro nanaman. Feel at home na feel at home ang mga kumag
"Ate! 'te!" sigaw ko habang papaakyat sa kwarto
"Naliligo ako, maligo kana din, para pagkatapos ko mag-ayos, ikaw naman ang aayusan ko" sigaw niya nang buksan ko ang pinto ng kwarto niya, agad ko din 'yon sinara para makapunta na sa kwarto ko at maligo
Nang matapos ako maligo ay bumaba na muna ako para magmeryenda kasama sila Ramil, busy pa din sila sa paglalaro
"Jiya!" tawag ni ate sa akin habang pababa "Oh? nandito pala kayo, hiramin ko muna si Jiya, aayusan ko lang" sabi ni ate nang makita ang mga tropa ko sa sofa
"Sige 'te Rema, para magmukha na siyang tao" asar ni Ben, inambaan ko naman siya, kaya puro tawanan lang sila
Inakay na ako ni Ate pataas para ayusan, pagkapasok namin sa kwarto ay bumungad na sa akin ang dalawang dress sleeveless, yun pa lang ang nakikita ko pero parang hindi na ako mapakali, dahil di ako komportable sa ganon. Navy blue daw ang kulay ng dress ko, at baby pink naman ang kulay ng dress ni ate
Nagumpisa na si Ate na make-up-an ako, katulad nung JS prom namin ay ilang na ilang pa din ako sa make-up, puro liptint lang kasi ang ginagamit ko araw araw. Todo pikit naman ako nang lagyan niya ako ng mascara, para naman akong maiiyak nang umpisahan niyang i-curl ang pilikmata ko, nilagyan niya na ako ng lipstick, sinabi kong liptint nalang pero sabi niya ay hindi daw bagay
Pagkatapos kong maayusan sa mukha ay pinagbihis niya na ako, nang hindi ko maintindihan ang pinapasuot niya sa akin na dress ay nagpatulong na ako isuot 'yon
"Ayan, mukha ka ng tao" sabi ni ate, maaasar na sana ako pero nakita ko sa itsura niyang humahanga siya sa akin ngayon
"Maganda naba lalo?" tanong ko kay ate at umikot pa
"Aba oo, walang pangit sa lahi natin" sabi niya at iniligpit na ang mga make-up niya at nagbihis na rin siya
Naalala ko tuloy si Kye, dahil lang sa sinabihan ko siyang pangit, gusto niya akong i-report? pambihirang lalaki 'yon, OA!
"Bumaba kana Jiya!" sigaw ni Ate, nauna siyang bumaba sa akin dahil nag-cr pa ako, baka mamaya dun pa ako sa party mag-cr e
"Eto na" sigaw ko at kinuha ang binigay sa akin ni ate na purse at ipinasok doon ang wallet at cellphone ko
Pagbaba ko palang, naramdaman kong walang naimik sa baba kaya binilisan ko ang pagbaba, ganon na lang ang gulat ko ng makita silang nakangangang nakatitig sa akin, pati si kuya, nakauwi na din, si ate naman ay nakangiti at umakto pang naiiyak sa tuwa
"O-oh? bakit ganyan itsura niyo?" tanong ko pero walang sumagot "Ganda ko no?" sabi ko at inilagay ang likod ng palad ko sa baba ko
"Ako ang nag-ayos diyan" proud na sabi ni ate
"Hoy!" sabi ko at ipinitik ang daliri sa harap ng apat na lalaking tulala sa harap ko
"Nagugutom na ako" sabi ni kuya Jer nang matauhan at dumeretso sa lamesa
"Ate ihahatid daw nila tayo" baling ko kay ate
"Ha? e sabi ni Kiara, dun daw tayo susunduin sa coffee shop, doon niyo nalang kami ihatid" sabi ni ate at binalingan yung tatlong nakaiwas na ng tingin at halatang naa-awkwardan
"Hoy! anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila
"A-ah oo, nandito na mga motor namin" sagot ni Ben
"Ano?" nakangiwing tanong ko
"Oo, kinuha na namin kanina mga motor namin" pagkaklaro ni Ramil
"Lutang 'yang mga 'yan kasi nagagandahan sa 'yo" nangaasar na tinig ni ate
Tinignan ko sila at tinignan ng may nangaasar na tingin, pero umiwas agad sila ng tingin. Nakakatuwa naman, ibig sabihin may iginanda pa ako ngayong gabi, ngayong gabi lang Jiya ha, 'wag abusada
Tinawanan ko lang sila at inilingan, niyaya kona din sila palabas at nagpaalam na kay Kuya Jer, binilinan niya pa kami na 'wag masyadong gabihin. Inutusan niya na din sila Ben, Ramil, at Miguel na sunduin kami pag pauwi na
. . .
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari