Chapter 7: The Truth

16 1 0
                                    

Marks' POV

Sunday ngayon at pupunta ako sa bahay nila Aira yung bestfriend ko. May ipapabigay kasi si mama sa mama niya at ako ang inutosan. Magbestfriend din kasi ang mama niya at mama ko kaya since birth, close na talaga kami ni Aira. Siya yung tipong maingay pero kapag na bad trip parang pipi halos hindi nag-sasalita.

Malapit lang din naman ang bahay nila sa amin kaya linakad ko nalang. Paniguradong magagabihan ako nito dahil sa kadaldalan niya. Hindi din kasi siya kumakausap sa hindi niya close. Bigla kong naalala si Hadley. Kasi kapag kasama kami hindi siya kumakausap sa akin, baka nahihiya. Pero sinundan ko talaga siya kahapon sa mall. Hindi ako mapakali kapag hindi siya kasama at yan ang bumabagabag sakin araw-araw kung bakit ako ganiyan.

"Hoi, siraulo" sigaw ni Aira, ang ingay talaga. Tapos kay Hadley naman, brokenhead. Ano ba?

"Oo eto, bigay mo sa mama mo 'yan" binigay ko sa kaniya yung pinabigay ni mama. Wag niyo nang alamin.chos.

"Ano ito?" Sinilip pa niya, chismosa talaga.

"Bigay mo nalang kasi wag ka nang magtanong" kinamot ko pa ang ulo dahil hindi ko talaga gusto kumausap parang nasasayangan ako sa laway ko kaya tahimik ako. 'Pero kapag kasama ko si Hadley ako pa yung kumakausap tss'.

"Nako ikaw Mark ah', sabihin mo nalang kasing ibibigay mo ito kay mama dahil gusto mo iapprove ang panliligaw mo sakin" tukso pa niya sakin, assuming neto eh.

"Hindi ako magkakagusto sayo!"

Bigla nalang siyang natahimik nung sinabi ko yun, ano problema neto?

"Pasok ka muna laro tayo ml" ngumiti pa siya pero halatang pilit, tss.

Pumasok na ako at nagmano sa mama niya. Kinamusta niya lang ako at hindi na nagsalita. Alam niyang tipid ako magsalita at pranka, pero loko-loko naman.

Sa buong hapon naglalaro lang kami ni Aira ng ML. Nakakapanibago dahil kapag nag-lalaro kami ang ingay neto at malakas mang-trashtalk pero ngayon ang tahimik niya. Akala ko pa naman natatagalan ako sa kadaldalan niya, sa ML lang pala, tss.

Kumain muna ako dahil pinakain ako, umupo ako dahil pinaupo ako, umuwi din ako dahil gusto ko na umuwi. Chos.

Malapit na ako sa bahay namin nang naka-rinig ako ng mahinang pag-hikbi. Sinundan ko iyon at nagulat ako nang nakita si Hadley na umiiyak at may tao sa likod niya at may hawak na kutsilyo na nilagay sa tagiliran niya. Pumunta ako sa likod ng magnanakaw, madilim kaya hindi niya ako makikita. Sinuntok ko siya sa mukha ng malakas dahilan para masubsob siya sa lupa.

Linapitan ko si Hadley na ngayon ay hindi parin nakapaniwala sa nangyari sa kaniya. Damn, nag-aalala ako.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tanong ko sa kaniya, tiningnan ko bahagya ang balikat at mukha niya pati na ang tagiliran na tinutukan ng kutsilyo kanina. Mabuti nalang at wala naman siyang natamong sugat.

Nabigla ako nang bigla niya akong niyakap at sinubsob ang sarili niya sa dibdib ko na umiiyak ng matindi. Nandito lang ako para sayo.

"Nandito na ako, hindi ko hahayaan na mapapahamak ka. Hinding-hindi. Mag-bilang ka lang ng sampo at dadating ako pag kailangan mo ako" aniko, hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi pero alam kong gusto ko siyang iligtas kapag nasa pahamak siya.

Hadleys' POV

I'm at my room right now and its already 12 in the evening, pero im still sitting at my kama and umiiyak. Hindi pa rin ako nakapaniwala na nangyari sakin yun, nakakatrauma.

Hinatid ako ni Mark sa gate namin dahil nagaalala daw siya sa akin. Wala na akong magawa kundi tumango dahil natatakot parin ako baka sundan ako ng magnanakaw. Tumakbo ang magnanakaw nung nakita niya si Mark. Kataka taka din kung bakit ganon nalang ang reaksyon niya.

Can't Hurry LoveWhere stories live. Discover now