Chapter 6: Saviour

9 1 3
                                    

Hadleys' POV

"Nak, pwede mo ba akong bilhan ng kulang na ingredients ko sa lulutoin ko? It's at the kabilang kanto lang naman" inutosan ako ni mom. I have no other chouce so sumunod nalang ako. Im at the room lang naman at nag b-browse sa social media so ok lang.

Lumabas na ako at nagpunta sa kabilang kanto. Well mom was adjusting na at parang taga dito na talaga siya. You know a simple life. Binili ko na ang mga sinabi ni mom and about to go sa bahay pero hindi ko na alam ang daan pabalik sa amin. Damn it! Hindi nga pala ako lumalabas except kung pupunta ako sa school.

Nag lakad-lakad nalang ako baka naman seswertehen ako at makikita ko yung house namin. Kahit saan na ata ako na pad-pad nang feeling ko talaga may sumusunod sakin. Tiningnan ko yung likod ko pero wala namang tao. I continued walking nalang baka naman feel ko lang.

Liliko sana ako nang may bumulong sakin. "Labas mo wallet mo kung ayaw mong mamatay" ang husky ng voice pero parang may pag-babanta. I raised my both hands na parang sumusuko. I'm so nervous right now. Oh my god.

"Oh my god kuya. Please wag naman pong ganyan. I dont have any money po, I swear. Inutusan lang po ako ng momy ko oh, look!" winagayway ko pa yung kabilang hands ko that was holding my pinagbili. I notice na tumawa siya so tiningnan ko sya sa peripheral view ko, ang familiar ng mukha niya.

Tumalikod ako para harapin at tiningnan siya. I was shocked nung nakilala ko sino. Si Mark lang pala, tumatawa pa ang sira. Bw*sit muntik na akong atakihin sa puso. Hinampas ko siya sa braso.

"Bwesit ka alam mo yun?, Malapit akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mong gago ka" I crossed both my arms sa chest ko dahil na iirita talaga ako ha. May binulong siya pero di ko narinig. Malamang binulong ih tss.

"Bakit kaba kasi nandito? Delikado ang parte na'to sa baryo natin"

"Bakit mo alam? Taga dito ka? Delikado ka pala" binulog ko yung last na sinabi ko.

"Narinig ko yun. Hindi dito bahay namin, nakita lang kita nung bumili ka sa tindahan ni aling bebang."

"Sinusundan mo ba ako?" Kasi alam niyang bumili ako ih.

"Engot, hindi kita sinundan. Nabasa ko kasi sa itsura mo kanina na hindi mo alam saan pupunta kaya sinundan kita noong sa kabilang kanto ka dumaan hindi sa kanto niyo" tumawa pa siya ha, kapal.

"So dapat naba kitang pasalamatan dahil muntik akong atakihin ha?" I sarcastically said. I rolled my eyes.

"You're welcome" yumuko siya para matapatan niya height ko, tumawa pa siya, lang hiya. "Tara hatid na kita sa bahay mo, baka saan ka nanaman mapadpad".

Nanlaki ang mata ko. Alam niya taga saan ako?. Baka naman, kasi bali-balita yung paglapit namin dito ih. Hindi nalang ako sumagot at umuna na sa pag-lalakad.

"Hindi diyan yung daan dito" Sigaw niya. Ok, napahiya ako nun. Bumalik nalang ako at dumaan sa kabila.

Nasa tapat ng bahay na kami at may sinabi pa siya. "Igagala kita dito, bilisan mo bawi ko na rin sayo, hintayin kita dito". Hindi nalang ako sumagot at pumasok na sa bahay binigay ko na kay mama ang inutos niya at nagtanong pa siya kung bakit daw ang tagal ko. Sinabi ko nalang na maraming bumili sa tindahan.

Pumasok ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. 'Ano ba hadley, bakit na ganyan?'. Tanong ko sa sarili ko. Bigla kasing bumilis tibok ng puso ko nang sabihin niyang igagala niya ako. 'Pupunta ba ako? Bakit naman hindi? Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano bumabawi nga lang diba?'.

Hindi ko na namalayan na nag-aayos na pala ako at bumaba sa bahay. Nag ikot-ikot lang kami at narating namin ang park. Madami paring tao kasi hapon na, may playground para sa bata, mga, what do you call this? Street foods daw ito ih. Hindi pa ako nakatikim kasi nito. May mga nag-lalagay ng sapin sa grasses, parang nag pipicnic sila ih.

Can't Hurry LoveWhere stories live. Discover now