Alaric Carson
•••
I'm here in front of my computer doing nothing... literally nothing. May school project sana akong kailangan tapusin kaya lang hindi ko alam kung paano ako magsisimula. May ilang weeks nalang ako para tapusin yung research ko tungkol sa Non-verbal communication. Ang panget ng napunta saking topic, nawalan na rin ako ng choice dahil yun nalang yung natira para sakin. Ang higpit pa naman ng prof ko at bawal daw ang magkakaparehong research topics. Ang arte.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang inis, hindi ko alam kung paano ko ba 'to sisimulan. Where should I start? How can I start?
Ang dami ding requirements ni prof, dahil daw Psychology students kami kailangan yung research namin can reach the hearts of the panel. Paano ko naman marereach yung mga puso nila sa Non-verbal communication na yan? Nakakainis talaga!
Instead of typing something napagdesisyunan ko nalang na buksan yung email ko sa futuristic.com. It's a website made for people to send letters and receive it in the exact date they want that people to receive it. Parang yung sa Starting Over Again lang. I didn't know that a person can actually do something like this, I mean I heard na yung creator ng website na 'to is talagang binase yung paggawa nito sa movie na Starting Over Again, nainspire daw siya and this is actually her first website. Yup, babae yung creator ng website and she created this website to write something for her boyfriend... para makarating daw yung letters niya sakaniya, and she was only 15 when she did this wesbite. Spell, A-M-A-Z-I-N-G guys.
I opened my email, hoping that someone would actually message me. Pagbukas ko ng account ko nagulat ako sa dami ng messages na nasa inbox ko. Agad kong binuksan yung inbox ko to check kung sino yung nagmessage sakin. It all came from an anonymous sender with the username, Sol.
I tried to think, remembering kung sino ang mga taong nakasalamuha ko na may pangalang Sol. On my circle of friends, walang may pangalan na Sol samin. It sounded like a girl's name, but it can also be a guy. We don't know- I don't know.
Out of curiosity, I opened the first letter. It was meant to be sent today, as in today. Kumunot ang noo ko, tiningnan ko yung letter nang maigi bago ito binasa.
A,
You should receive this letter on July 3, 2019, exactly three years from now.
This is my first letter to you, A. I don't want to mention your name, I'm thinking na baka may bago ka ng girlfriend right now kaya nakakahiya. Ayokong mag-away kayo ng dahil sa letter na 'to.
I'm gonna write for you everyday. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na hindi kita ina-update sa mga nangyayari sakin. I still want to keep you updated... kahit 'yon nalang ibigay mo sakin.
Alam kong hindi mo na ako kayang mahalin ulit.. I know that by this time, naka move on ka na... na baka may bago ka na.. I already accepted that fact... so please just let me do this.. para sa ikakapayapa ng puso ko.
I also want to say sorry.. I'm sorry for everything... Pasensiya ka na kung hindi ko pa kayang kalimutan ka.. I can't unlove you, A... I will never will.
You're the only person I have... kaya ngayon.. ngayong wala ka na... hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.. kung makakaya ko ba... Ang sakit sobra.. sobrang kumikirot yung puso ko pag naaalala kita..
Nasira yung buhay ko dahil gusto kitang hanapin ulit... magmakaawa ulit sayo... pero ngayon.. siguro mas mabuti kung tatanggapin ko nalang... kahit mahirap, A.. tatanggapin ko.. para sayo.
I love you so much, A. I really do and I still do.
This is my first letter to you, A.
Sincerely yours,
Sol.Who the hell is A? Siguro kaya sa akin na wrong send 'to dahil magkapareho kami ng first letter sa pangalan. Probably his username was also, ac, pucha naman kasi bakit ang simple minded ko masyado.
Pero... this Sol girl is stupid. Habulin ba naman daw yung taong ayaw na sakaniya.
I don't really know this Sol girl, wala pa naman akong nagiging girlfriend sa tanang buhay ko.. nakakahiya man, NGSB ako. May mga tao pa talagang kagaya ko 'no, sadyang wala lang talaga akong trip sa mga ganun.
Isinarado ko muna yung letter at yung site bago ako nag-inat. Bukas ko nalang aalalahanin 'to, ididiretso ko nalang ng report para walang problema. Nakakahiya naman siguro kung babasahin ko pa yun ibang mga letters, that's invasion of privacy at nakakacringe yung letter.
I never experienced that kind of love kaya I can't understand what she feels, but I know for sure, that she's... in pain. Kahit na ang tanga niya...
Alam kong nasasaktan siya ng sobra.
You can already feel it by just reading her letter.
Her 100 letters to A.
***
futuristic.com is not a real website guys! gawa-gawa ko lang 'yon.
YOU ARE READING
Hundred Letters To You
RomanceAlaric Carson is just a simple guy, he lives a simple life- estudyante sa umaga at isang part timer sa gabi. He lives a really boring life, yung cycle ng buhay niya paulit-ulit nalang, and he doesn't have any friends- well, he has some but he doesn'...