Letter 2

16 1 0
                                    

Alaric Carson

•••

I tried to report the letters. I called the hotline where they said that we can report spam letters o yung mga nawrong send na letters but they only told me that they would get back to me, meaning walang akong nareceive na concrete answer, but I think I'll just wait for their answer.

Napagdesisyunan ko nalang na tumayo para maligo, dahil ang unang subject ko ngayon ay yung masungit kong prof... bwisit. Dumiretso na ako sa banyo dahil ayokong malate dun, malilintikan nanaman ako dun. Nakailang late na rin ako dun ayoko namang madrop out.

Mabilis lang akong kumilos at nagbihis bago ako umalis ng apartment na tinitirihan ko. I live in a small apartment, I don't have any parents- well I have, pero may sari-sarili na silang pamilya. I insisted na ako nalang ang bubuhay sa sarili ko, ayoko lang na may masabi yung mga asawa nila at yung mga bago nilang anak.

Sumakay ako ng jeep papunta sa school ko- isang sakay lang naman yung university ko na pinag-aaralan, that's one of those pros na meron yung apartment ko maliban sa mura at maganda ang interiror.

Masyado bang nakakabawas sa pagkalalaki if I admit that I'm into interior designs. Hindi ako architect or engineer or any designers pero bata palang ako, mahilig na ako sa mga interior designs.

Pagbaba ko ng jeep dumiretso kaagad ako kung nasaan yung room ko. May konting mga bumabati sakin- nginingitian ko lang sila dahil hindi ko naman sila masyadong kilala. KIlala ko siguro sa itsura pero hindi sa pangalan- one or two times ko palang siguro sila nakikita.

Pumasok ako sa loob ng room at may mga tao na dun, naupo ako sa may bandang dulo- I'm not anti-social, hindi lang siguro ako sanay na makisalamuha sa mga tao, I've been alone my whole life. Sad.

"What's up, pre!" bati ni Reynold sakin, isa siguro si Reynold sa mga taong kinakausap ko talaga, apat na classes meron kaming dalawa na magkasama kaya siya yung pinaka inaasahan ko sa lahat.

"Yo..." bati ko sakaniya pabalik. Naupo siya tabi ko.

"Nasimulan mo na ba yung thesis natin, Al?" tanong niya sakin. Nasapo ko ang noo ko. Naaalala ko na naman yang pesteng thesis na yab, hindi ko pa rin nasisismulan.

"Hindi pa pre."

"Nako ka, simulan mo nay an, mayayari ka nyan kay tanda eh."

Tumango-tango ako, tama naman si Reynold, kailangan ko ng simulan yung thesis, mayayari talaga ako dun sa matandang prof namin pag hindi ko pa nasimulan.

Nakatitig lang ako sa laptop ko... naalala ko na naman yung letter. Kanino kaya galing 'yon? Sino kaya si Sol? Lumingon ako sa pwesto ni Reynold, naalala ko na may account rin siya sa futuristic.com baka kilala niya kung sino yung Sol na 'yon.

"Pre, may tanong ako." sambit ko, lumingon naman sakin si Reynold at tumango.

"Sige pre, ano 'yon?"

"May account ka sa futuristic.com diba?" tanong ko sakaniya. Tumango naman siya, "May kilala ka bang may username na Sol?"

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. Alam ko namang nagtataka siya dahil first time kong magtanong sakaniya ng tungkol sa babae, kagaya nga ng sinabi ko, wala naman akong hilig sa mga jowa jowa na yan.

"Wala pare, bakit mo naman natanong?"

"Nawrong send siya sakin..." I contemplated, hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Reynold yung tungkol sa letters but I guess, wag nalang.. invasion of privacy na nga yung ginagawa ko tapos ipapaalam ko pa sa iba.

Hundred Letters To YouWhere stories live. Discover now