Letter 3

13 1 0
                                    

Alaric Carson

•••

(Please, listen to this while reading this chapter hehe)


A,

Today, I went to visit our favorite place. Remember the park? The park that we really love to go to? I visited that park, sa sobrang pagkamiss ko sayo pinuntahan ko 'yon.

Sa totoo lang, A ang dami ng nagagalit sakin... ilang beses na nga nila akong sinasabihan ng tanga at bobo eh... pero wala naman akong pakialam sa sasabihin nila...sayo lang ako may pakialam hindi sakanila.

Oo nga pala, dumaan si kuya na nagtitindi ng ice candy dito sa park- syempre, bumili ako, tinanong ka nga niya sakin eh, bakit daw hindi kita kasama, hindi ko alam yung isasagot ko kaya ngumiti nalang ako, yung mga bata rin rito tinatanong kung nasaan ka, kahit sila miss na miss ka na... parang ako lang.

Bumalik ka na kasi... please, please lang... bumalik ka na. Balikan mo na ako.

Yes, I know that I already told you na tatanggapin ko nalang yung pagkawala mo sakin... pero sa salita lang pala madali 'yon.. ang hirap palang gawin... ang hirap tanggapin na wala ka na. ang hirap tanggapin nung katotohanang iniwanan mo na ako... na nakipaghiwalay ka na sakin.

Bakit ba natin kinailangang humantong sa ganito? Masaya naman tayo diba? Mahal naman kita at alam ko namang mahal mo ko pero... siguro minsan... hindi nga sapat yung mahal lang natin ang isa't isa. Baka ako na nga lang yung masaya sating dalawa... na baka napipilitan ka nalang na pakisamahan ako at matagal mo na talagang gustong kumalas sa relasyon nating dalawa...

Ang sakit isipin, A... natatakot ako... iniisip ko kung minahal mo ba talaga ako... iniisip ko kung naging masaya k aba talaga sakin o baka napilitan ka nga lang na pakisamahan ako dahil sa mga magulang natin...

Okay lang, A... dapat una palang hindi na ako pumayag sa gusto nila mama... pero gusto din kasi talaga kita, A... kaya nung nagkaroon ng pagkakataon... I grabbed the chance.. not knowing na baka ayaw mo... ang selfish ko sa part na 'yon.

Ako rin ang may kasalanan kung bakit nasasaktan ako ng ganito ngayon... minahal kasi kita ng sobra... ibinigay ko sayo yung lahat... wala akong tinira para sa sarili ko... kaya heto ako... umiiyak... nasasaktan... nadudurog... duguan....

Wala akong laban sayo, A... iba yung naging epekto mo sakin... iba yung dala mong sakit... iba yung dinala mong hirap sakin...

Para akong pumasok sa isang giyera na... wala akong dalang sandata... ang tanging meron lang ako... yung mga pangakong binitawan mo na... hindi mo ko hahayaan na mag-isa... akala ko tototohanin mo... kaya wala akong sandata na dinala para maipaglaban yung sarili ko mula sa sakit na dulot mo...

Tangina... umiiyak na naman ako, A... umiiyak na naman ako...

Kelan kaya darating yung gabi na... makakatulog ako ng payapa... nang hindi umiiyak... nang hindi nasasaktan...

Gusto na kitang kalimutan... pero tangina... sobrang hirap pala... ganito pala yung pakiramdam pag minahal mo yung isang tao ng sobra... mahihirapan ka pala talagang makabangon ulit...

Dapat nakinig ako sayo noon... nung sinabi mo na wag kong ibigay lahat sayo... sana nakinig ako sayo noon... para hindi ako nahihirapan ngayon...

Hundred Letters To YouWhere stories live. Discover now