Alaric Carson
***
(A song reference for this chapter)
Nandito ako ngayon sa school ko at naghihintay ng prof. Mas pinili ko nalang na magstay sa loob ng classroom kesa makisalamuha sa ibang mga estudyante, ganito lang ginagawa ko pag may free time ako- madalas mag-isa at walang kasama.
Sanay naman na ako eh kaya ayos lang sakin, kaya ko naman yung sarili ko.
I decided to open my laptop, kanina pa ako nakatitig sa screen, nagdadalawang-isip kasi ako kung imemessage ko ba yung unang tao na may username na AC. Tinanggal ko na nga pala sa choices yung mga babae na may username na AC para mas madali kong mahanap si A.
In the end, I decided to message the first guy. Wala namang mawawala sakin tutal wala naman akong profile picture.
Hi bro! May tanong lang sana ako. May kilala ka bang Sol? Salamat pare. Reply ka sana ASAP.
Ngayon ang kailangan ko nalang gawin hintayin yung reply niya. I decided to read the next letter while I'm waiting for his reply.
A,
Sobrang tanga ko na talaga... I texted you, again. I actually don't know how many times I texted you dahil dindelete ko kaagad.. nasasaktan kasi ako pag nakikita kong hindi ka nagrereply.
Gusto ko lang sana na iupdate ka sa kung anong nangyayari ngayon sa buhay ko.
For the nth time, I'm sorry... again and again... I'm sorry.
A guy chatted me earlier, he told me about you... I didn't know him but he told me na classmate ka raw niya noon. This guy... he told me about you.. being with another girl... Yeah... he told me he saw you... with another girl. Nagtaka raw siya kung bakit iba yung kasama mo at hindi... ako. Hindi ko siya nireplyan kasi ayoko namang i-open sa iba kung anong nangyari sa ating dalawa.
Ayaw kitang ipahiya.
Nakakahiya na kasi 'tong ginagawa ko, ano ba naman yan hahaha.
But seriously talking, A... kung may bago ka ng girlfriend.. sana totoong maging masaya kana sa kaniya... alam ko kasi na hindi ka naging masaya sakin.. sana mahalin mo siya nang sobra, yung higit pa sa pagmamahal na binigay mo sakin noon.
A, hindi pa rin ako susuko... hihintayin pa rin kita hanggang sa marealize mo na ako pa rin yung mahal mo...
Pero, sa ngayon... magiging masaya na muna ako para sayo... sa ngayon magiging masaya na muna ako para sainyo..
Syempre hindi madali 'yon, A.. pero wala naman akong magagawa diba? Ni ayaw mo nga akong makausap o makita man lang.. ilang beses na ba akong nagtext sayo at humingi ng closure pero hanggang ngayon, A... hindi mo pa rin binibigay 'yon sakin.
Hindi naman magiging ganito kasakit yung break up natin para sakin kung nagpaliwanag ka man lang... nagsabi ka man lang kung bakit gusto mo ng makipaghiwalay sakin pero...
Hindi eh.
Bigla ka nalang nawala, A... paggising ko isang araw... wala ka na. Hindi mo nga nagawang makipaghiwalay sakin ng personal... dinaan mo ko sa notes, A.
YOU ARE READING
Hundred Letters To You
RomanceAlaric Carson is just a simple guy, he lives a simple life- estudyante sa umaga at isang part timer sa gabi. He lives a really boring life, yung cycle ng buhay niya paulit-ulit nalang, and he doesn't have any friends- well, he has some but he doesn'...