Letter 6

9 1 0
                                    

Alaric Carson 

***


"Good morning, pre!" bati ni Reynold sakin pagpasok ko sa loob ng classroom.

"Good morning din." bati ko sakaniya pabalik bago ako naupo sa upuan na nasa tabi niya. Sa buong klase namin, si Reynold lang naman talaga yung medyo kilala ko at matatawag ko na "kaibigan".

"Mukhang puyat ka ah."

Tama naman siya sa sinabi niya, puyat nga ako but I didn't know that it was so obvious. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip about my thesis. I'm still worried na baka wala akong magawa but on the other hand, I can see a ray of hope dahil nga kagabi after kong basahin yung letter ni Sol, I automatically had an idea kung paano ko ito gagawin but still - I don't know where to start.

"Oo pre, medyo puyat nga."

"Babae siguro iniisip mo 'no." pang-aasar sakin ni Reynold. Sinamaan ko siya ng tingin, alam naman niyang wala akong interes sa mga babae pero medyo tama siya dahil baabe nga naman si Sol at isa siya sa mga iniisip ko kagabi.

"Gago ka." ang tangi kong nasabi.

"Joke lang naman. Ay oo nga pala, kamusta yung paghahanap mo dun sa Sol?" biglang tanong sakin ni Reybold. Medyo nabigla ako dahil naalala pa pala niya yung tungkol dun.

"Wala pa rin pre eh."

"Bat di mo kaya I-chat yung mismong account niya. Diba pwede naman 'yon?"

Automatikong nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Reynold. Holy- bat di ko kaagad naisip 'yon? Tama nga naman siya, pwede kong I-chat si Sol mismo. All this time nasa harap ko na yung sagot pero hindi ko pa rin nakita. Kung ahas 'yon, matagal na akong natuklaw 'non.

Kukunin ko na sana yung laptop ko pero narinig ko ang pagbukas ng pintuan namin. Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko yung prof namin for thesis. Hindi naman siya dapat yung teacher namin ngayon ah, bakit siya nandito?

"Okay, class! I just need a few minutes, may gusto lang akong sabihin sainyo." my prof started, "Tomorrow, I need all of you to pass some of your ideas regarding your thesis in a 1/4 sheet of paper. Hindi ako tatanggap ng late passers. 8 am sharp I need it on my table." he said, all of us just nodded and replied, "Okay sir," after that lumabas na siya ng room namin.

Napangiwi ako dahil sa narinig. I haven't even started yet tas may kailangan na kaagad ipasa bukas. I need to do it immediately or else babagsak talaga ako sa subject na 'yon. Major ko pa man din 'yon. Huminga ako nang malalim. Dumating na rin yung prof namin sa first subject kaya inalis ko muna 'yon sa isipan ko and decided to just focus sa klase ko.

Maraming diniscuss si prof, normal college life, marami rin siyang pinasulat kaya medyo kumirot ang kamay ko. Paglabas ni prof agad akong nag-unat at hinilot-hilot ko ang kamay ko. Free time since wala daw yung prof namin sa next subject.

"Ano pre, dito ka lang?" tanong sakin ni Reynold habang isnisukbit ang backpack niya sa kaniyang balikat.

"Oo pre, dito lang ako."

"Sige, mauna na ako sayo." he tapped me on my shoulders, tumango lang ako as my reply.

Kinuha ko ang laptop ko sa loob ng bag ko at inilagay 'yon sa lamesa ko. Reynold was right, pwede kong I-message si Sol mismo and tell her na nawrong send siya. I'm so stupid dahil hindi ko kaagad naisip 'yon.

I opened my laptop and search for futuristic.com, wala na akong sinayanag pang oras at binuksan ko kaagad ang messages. I clicked her username at nagulat ako dahil I can't go to her profile. She deactivated her account, what the hell?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hundred Letters To YouWhere stories live. Discover now