**
Haysss. Ang aga ko masyado ngayon.
6:00 palang nang umaga tapos as usual, 8:00 am pa yung first class ko.. Tss.. May two hours pa ko.Ano naman ang gagawin ko dito?
Haysss. Nakakatamad!
Naglakad-lakad nalang ako dito sa campus. Tutal maaga pa naman ngayon, so wala pa masyadong students dito...
Sa paglalakad ko, nakasalubong ko sila Red. Hindi parin mawala-wala yung takot ko sa kanila. Mga 5 meters lang yung layo ko sa kanya pero umandar na naman yung kaba ko dahil nagtama yung paningin naming dalawa... Ang sama nang tingin niya sa'kin.. Feeling ko, anong oras ay kaya niya akong patayin..
Pero mas nakaka-agaw nang atensyon yung mga pasa niya sa mukha.. Sa pagkakatanda ko, wala pa to kahapon nung nagkita kami.. Ang daming pasa niya, halos puno na ang mukha niya ng pasa.. Pero, sa'n niya kaya galing yun?
Hmm..... Wait! Baka......
Ahh...Hindi hindi.. Impossible..
Bakit niya naman susuntukin si Red?Baka.... Dahil sa'kin?
No! Wag ka ngang assuming Lisha..
Baka may pinag-awayan lang sila... Haysss... Ewan ko...Nabigla ako dahil kaharap ko na pala si Red ngayon.. Isang metro nalang yung layo namin sa isa't isa pero ang nakakatakot, ay sobrang galit yung reaksyon niya sa'kin at sinamaan pa ako nang tingin..
Kinakabahan na talaga ako. Na todo to the highest level na. Hinahabol ko na ang hininga ko habang nakatitig pa rin sa kanya... Na estatwa na ako sa kinatatayuan ko ngayon... Nag freeze ang buong sistema ko at hindi ko magawang tumakbo o umalis sa harapan niya...
Lumapit siya nang lumapit dahilan para mapa-atras ako... Galit parin ang emosyon niya. Ewan ko ba, wala naman yata akong natatandaan na matinding kasalanan sa kanya. Tss.Tapos ganun na lang yung galit niya sa'kin..
Tinulak niya ang isang balikat ko kaya napayuko akong napaatras sa pagtulak niya..
Itutulak niya ulit sana ako pero.....
"STAY AWAY FROM MY GIRLFRIEND OR ELSE, I'LL KILL YOU."
Pamilyar na boses ang narinig ko. Agad ko namang nilingon yun at nakita ko si Shaun na nakapamulsa na nakaharap sa'min..
Kinilabutan ako sa sinabi niya... Ano daw? Girlfriend? Kill? Sino ba talaga ako para magbanta siya ng ibang tao?
Humarap naman si Red kay Shaun at kitang- kita ko ang tensyon na namumuo sa kanila...
"hala, si Red at Shaun yan ah"
"oonga..Akala ko ba, titigil na sila sa pag-aaway pero anyare"
"tss.baka pinag-awayan nila ang weirdong yan.."
"eww... napakayabang"
Yan na naman ang bulungan ng mga students dito, karamihan sa kanila ay mga babae..
Wala ba talaga silang magawa sa buhay at nakikialam nalang.Tss.
Binaling ko naman ang atensyon ko kay Red at Shaun na hanggang ngayon ay may namumuo paring tensyon...
"So ano! Shaun? Girlfriend mo yang weirdong yan? Wow! 2 years pa lang yung nakalipas bago nawala si Andrea, may ipapalit ka na agad?! Tss."

BINABASA MO ANG
ALMOST 7 DAYS TOGETHER
Teen FictionTime is important. Love will prove it! Cover by: shaniceken