Day 6

10 1 0
                                        


Lisha's P.O.V.

"Lisha!!!!! Lisha!!!!"

Nagising ako dahil sa nakakarinding boses ni Kerah, kahit pa nasa labas siya ng kwarto ko ay pakiramdam ko parin ay malapit lang siya sa tenga ko dahil sa boses niya..

"Lisha!!!! Piste!! Gigising ka o gigising ka!"

Dali-dali akong tumayo at dahan-dahang binuksan ang pinto at sinilip si Kerah dun.

"Hays!!!! Bakit ba ang tagal mong gumising!!", nakapamewang na aniya at nag peace sign lang ako.

"Nasa baba na si Shaun, bilisan mo."

Nanlalaki ang mata kong lumabas ng kwarto at bumaba pero bumagsak ang balikat ko nang makita na wala maski anino niya. Nakasimangot na hinarap ko si Kerah na nagpipigil na nang tawa.

"Sige na. Mag-ayos ka na.", saad niya at tinulak pa ako papasok sa kwarto ko.

Nilock ko pa yun at pupunta na sana sa banyo pero....

"Anak ng....", halos napamura ako dahil sa gulat ng tumambad sa harapan ko si Shaun, ramdam na ramdam ko ang hininga niya dahil sa sobrang lapit namin. Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nag t-toothbrush kaya lumayo ako sa kanya...

"A-anong ginagawa-- Ah. B-bakit nandito-- Hindi. Ah. Kanina--"

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

"S-shaun...."

"I miss you."

Natigilan ako sa sinabi niya. I didn't expect that. Wala sa sariling napangiti ako at kasabay nun ang pagkalas niya sa'kin.

"Sorry, ginulat kita.", napakamot sa ulo na aniya kaya natawa ako.

"Okay lang. Atleast nandito ka.", saad ko na ikinangiti niya..

"Wait lang. Maliligo muna ako.", saad ko at nakangiting tumango naman siya.

Dali-dali akong naligo, ewan kong ligo pa ba kung tawagin yun dahil sa pagmamadali ko. Ayaw na ayaw ko siyang paghintayin kasi baka mainip siya at pasukin niya ako dito sa banyo at-- Err. Nevermind.

Nag toothbrush ako bago lumabas at naabutan ko siya na nakasandal sa pader nang kwarto ko. Umupo siya sa kama at sinenyasan niya akong maupo sa tabi niya kaya umupo rin ako habang pinapatuyo ang buhok ko.

Nabigla ako nang kinuha niya ang towel at siya ang nagpatuyo sa buhok ko.

"Saan mo gustong pumunta?", tanong niya kaya napaisip ako.

Sabado ngayon. Saan naman kaya masarap puntahan?

"Wala akong maisip.", saad ko.

"Ako nalang kasi ang palaging iniisip mo kaya wala ka nang maisip na lugar.", nagmamayabang na aniya na bahagyang ikinatawa ko.

"Haha. Ang yabang mo eh noh?", sarkastikong saad ko.

"Bakit? Hindi ba?", tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko.

"Hindi naman talaga."

Inis niya akong hinarap kaya pigil ang tawa ko.

Ang cute niya. NYAHAHAHA!!!

"Sabihin mo mismo sa mata ko yung sinabi mo kanina."

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong mahirap yun pero gusto ko siyang asarin kaya pumayag ako.

"Hindi ikaw ang palaging iniisip ko.", halos mautal na ani ko.

Kitang-kita ko ang pagsama ng tingin niya kaya natawa ako.

ALMOST 7 DAYS TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon