Sorry po, ngayon lang po ako nakapag-update.. Medyo busy po kasi..
Sana po maintindihan niyo..Mas mahaba po tong part na to compared po sa previous part nitong story pero worth it naman po..
Happy reading guys..
queenjixie love y"all
**
"Ako na yung o-order", cold na saad ni Shaun sabay tayo at umalis na.. Hindi lang man hinintay ang sagot ko. Tss.
Naiwan ako mag-isa sa table namin. Nandito kami ngayon sa pizza restaurant nang University.. Oo! May Pizza Restaurant ang Monteverde pero para lang rin cafe ang laki at lawak nito. Mas maganda nga lang dito dahil sa classic design. May glass wall kaya makikita ang labas nitong Restaurant, tsaka may mini chandelier sa gitna at may golden brown na lights sa bawat corner nitong restaurant... Golden Brown ang theme color dito kaya mas maganda dito kapag gabi na kasi mas mapapansin ang lights nito...
Wala pa masyadong students ngayon kasi kadalasan sa cafe or canteen sila tumatambay at 7:15 pa lang kasi so kunti lang ang nandito..
"Here"
"Oh my god!"
Halos mapatayo ako sa gulat nang biglang dumating si Shaun at dala-dala yung inorder niya para sa min..
"Uhmm.. Sorry kung nagulat kita.", saad niya at umupo sa tapat ko..
Nag-order siya ng isang buong pizza, dalawang sundaee, dalawang slice ng cake at dalawang soda..
I'm sure, mabubusog ako neto.. Hihihi!
"Sorry..", pag-open ko nang usapan habang kumakain nang pizza at hindi nakatingin sa kanya...
Tumigil naman si Shaun sa pagkain niya nang pizza at tumingin ng diretso sa'kin kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Cold parin yung expression niya kaya medyo kinalibutan ako.. Hindi kasi ako sanay na ganito siya.
"Bakit? For what?", cold na saad niya habang nakatingin parin sa'kin kaya napayuko naman ako..
"Kasi.. uhmm.. N-nasigawan ko kayo kanina..", nakakahiyang saad ko..
Bigla niya namang ginulo yung buhok ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa'kin. Ngumiti naman ako kasi bumalik na siya sa dati..
"Nagulat ako sayo kanina ah.. Unexpected yun sa mga katulad mo na pagalitan 'kami ni Red nang ganun. Kinalibutan tuloy ako", saad niya kaya natawa kami pareho..
"Hindi ko rin alam.. I think, adrenaline rush yata yun."
"Adrenaline rush?"
"Nag-panic kasi ako nung sinigawan ka ni Red kaya napasigaw ako ng ganun.."
Natawa naman siya sa sinabi ko...
May nakakatawa ba? Tss. Kainis.
Naalala ko naman bigla yung pinagtatalunan nila ni Red kanina.
Si Andrea! Siguro naman, okay na na magtanong ako sa kanya ngayon noh? Sana nga, okay lang.. Curious kasi talaga ako..
"Ahh s-sino si A-Andrea?"
I know.. Nakakairita na ako pero curious lang talaga ako eh. Bakit? Masama ba maging curious. Hindi na kasi kaya nang utak ko na magtago nang ganito karaming tanong..
Inangat naman ni Shaun ang ulo niya at bumalik na naman sa pagiging cold at seryoso ang expression niya...
"She's m-my first.....f-first love.."
Nabigla ako sa sinabi niya... First love? May first love na pala siya?
"Ahh.. Where is she right now?", curious na tanong ko..
BINABASA MO ANG
ALMOST 7 DAYS TOGETHER
أدب المراهقينTime is important. Love will prove it! Cover by: shaniceken