Day 4

4 2 0
                                        

Papalapit na nang palalapit ang Day 7 guys, malapit na rin matapos. Hihihi, hindi po talaga ako mahilig sumulat nang mahahabang story kaya ito po yung ginawa ko.. Pero gagawa rin naman po ako nang mahahabang story, hihihi soon, kung hindi po ako tatamarin. Medyo tamad po kasi si author haha.. Ugh! Basta, ayaw ko nang ulitin!! Haha.

Anyway, eto na po ang Day 4!!

HAPPY READING!!

queenjixie love y'all

**

Shaun's P.O.V.

"Shaun! Hijo! Shaun!"

Hmmm...

"Shaun! Gumising ka na Hijo!"

Narinig ko ang boses ni Manang habang niyuyugyog ako pero hindi ko parin minumulat ang mga mata ko..

Pumasok ulit sa isip ko ang usapan namin ni Lisha.

Ang swerte ni Justine

Tss. Bakit ba nangingialam ako?!

"Huy Shaun! Gigising ka o tatadyakan kita?!"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil narinig ko naman ang maingay na bibig ni Ate.

Tss. Napakaingay! Peste!

Bumangon ako at umupo sa kama ko at tiningnan nang diretso si Ate. Taas-kilay niya naman akong tiningnan.

"What!? Manang called you almost 10 times, at hindi ka man lang bumangon.. What are you doing Shaun!? Sa pagkakatanda ko hindi ka naman nagpapagising kahit sino man sa'min sa bahay na to!! And now!?", sarkastikong saad niya pero galit ang tono, at hindi pa talaga nakontento, bumunganga pa talaga.

"Ano?! You want me to wake you up!? Tss. Baka rin gusto mo, tadyakan kita?! O buhusan nang malamig na malamig na tubig nang mahimasmasan ka?!"

Bwiset!!! Ano bang nangyari dito?!!

"Look Shaun! Napapagod na kami kagigising sayo then look at you!", saad niya pa at dinuro ang katawan ko.. "You look like, you don't care! What the hell--"

"Enough!"

"See?! At ikaw pa ngayon ang mayganang magalit--"

"What's wrong with you?! Inaano ba kita para ganyan ka ka- 'OA' mag-react?! I'm just tired kagabi kaya natagalan ako sa paggising, tapos makapag-react ka! Parang ang laki na nang kasalanan ko?!"

Hindi siya sumagot pero taas parin ang kilay niya na nakatingin sa mga mata ko.

"Lumabas na kayo. Maliligo ako.", walang ganang sagot ko at lumabas na si Ate habang nakakrus ang kamay na iniwan ang kwarto ko..

"A-ahh S-Shaun Hijo. Pagpasensyahan mo na muna ang ate m-mo ha, wala l-lang talaga sa mood yan simula pagkagising niya.", napapahiyang saad ni Manang kaya liningon ko siya at pilit na nginitian siya.

"It's okay Manang. Nasanay na ako. And besides, it's not your fault."

"Salamat Hijo. O sya, baba na muna ako para makaligo ka na.."

"Yes po. Thank you.."

Nginitian lang niya ako at tuluyan nang umalis..

Tumayo naman ako at dumiretso na sa bathroom para maligo.

Tss. Ang aga-aga, ang init nang ulo

Bakit nga ba ngayon pa lang ako nagising?

Matapos kung maligo ay nagbihis na ako, hindi ako naka-uniform. Hindi naman uso sa University namin ang uniform, tss. Hindi ako comfortable mag-uniform. Actually, ako ang nag-suggest sa stockholders na hindi na gumawa nang uniform for the University, like me, hindi rin sila kumportable ang mga students na mag-uniform kaya ko naisuggest yun and luckily, nag-agree naman sila.

ALMOST 7 DAYS TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon