Day 5:

1 2 0
                                    

**

"Lisha! Lisha!", nagising ang diwa ko nang marinig ang sigaw ni Kerah sa'kin mula sa labas ng kwarto ko.

"Hmmm", ungol ko.

Gusto ko pang matulog. Tss.

"Haysss.. Bakit ba kase nilolock mo ang pinto nitong kwarto mo, ang hirap mo tuloy gisingin.", reklamo pa ni Kerah at si di inaasahan ay napangiti ako.

Bumalik na siya sa dati.

Hindi na siya cold.

Hindi na siya masungit.

"Bumaba ka na ah, may bisita tayo..", sigaw niya pa at dinig ko naman ang mga yabag dahil paglayo niya.

Bisita? Sino naman kaya yun?

Tumayo ako at nag stretching. Don ko lang naalala ang paghalik ni Shaun sa'kin. Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko.

Napakatamis.

May respeto.

At.......

Nakakabaliw.

Ayyyy!!!! Ewan ko!!!!

Kinuha ko ang towel at dumiretso na sa cr para maligo. Hindi ako nagmamadali, hindi rin naman mabagal.

Pagkatapos kung maligo. Nagbihis na ako nang uniform ko. Sinuklayan ko pa ang maikli kong buhok matapos patuyuin yun.

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako.

"Hi Lisha."

Natigilan ako sa pamilyar na boses na yun ng babae.

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Zyrah nakangiti na sa'kin. Napangiti naman ako dahil sa presensya niya.

"Zyrah!!!! Miss na miss na kita...", saad ko at tumakbo papalapit sa kanya at yinakap siya..

"HAHAHAHA miss na miss rin kita Lisha HAHAHAHA", tawa niya at tinapik ang likod ko at kusa naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya..

"Haysss.. Ang ganda mo na..", saad ko pa at natawa lang siya.

"HAHAHAHA. Matagal na..", natatawang usal niya kaya nakitawa na rin ako.

"Tss. Gandang- ganda sa sarili.", pabulong na saad niya pero rinig na rinig namin.

"Sabihin mo nga ulit Kerah.", mataray na saad niya.

"Wala ate. Ang ganda mo.. Tss.", sarkastikong saad ni Kerah at pumunta na sa dining table namin.

"Nakakainis talaga ang kapatid kong yun, hindi niya talaga matanggap na mas maganda parin ako sa kanya. Tss. Tara na nga, may dinala akong maraming pagkain at lahat yun ay paborito mo.", excited na aniya at lumiwanag naman ang mukha ko..

"Tara?", nakangiting saad ko at maglalakad na sana papunta sa dining table pero.....

"Pwede ko bang malaman ang mga paborito mo?"

Natigilan ako sa pamilyar na boses na yun. Dahan dahan ko siyang nilingon at nagtama ang paningin namin ni.....

SHAUN??!!!!

Nakangiting kumaway siya sa'kin mula sa labas ng pinto pero nanatiling gulat ang reaksyon ko...

"Tss. Hindi mo ba ako papapasukin?", nakangusong saad niya dahilan para matinag ako.

Bumalik sa normal ang reaksyon ko at umayos sa pagkakatayo.

Haysss... Hindi ko inaasahan yun ah.

ALMOST 7 DAYS TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon