DAY 1

60 4 1
                                        

Yay! Day 1 is here!
Sana po magustuhan niyo.

**

Lisha's P.O.V

Nandito ako ngayon sa university na pinapasukan ko, ang Monteverde University...Wala akong masyadong kaibigan dito or should I say, wala talaga akong kaibigan dito, for some reason...Basta malalaman niyo rin yun...

Ahh, ako pala si Lisha Ann San Jose, masasabi ko sa sarili ko na 'I am an introvert person', ayaw ko nang kaibigan na makakasama ko palagi, mas gusto kong mapag-isa sa buhay.Sanay na rin kasi naman ako nun eh, wala rin kasi yung mga magulang dito.Yung mama ko, nandun na sa heaven.Yung papa ko naman, may iba na ring pamilya.Wala na rin kaming communication ng papa ko.

Atsaka --

Naputol yung pagmumuni- muni ko nang may nakabangga akong grupo ng mga lalaki.

Feeling ko mga gangster sila...Tapos nakabangga ko yung parang lider nila nang juice na dala dala ko kanina...

Hay naku! Patay!

" What the hell did you do jerk! Alam mo ba kung gaano kamahal tong suot ko ha!?!", galit na sigaw niya sa'kin...

Nakatingin naman lahat nang students sa amin...Ghad! Nakakahiya...

Hindi ko naman sinasadya ah.Naglalakad lang naman ako dito, kung tutuosin sila naman talaga yung nakabangga sa akin eh....Hayss..

"Ahh, pasensya na..Hindi ko sinasadya." saad ko habang nakayuko parin...

Wala akong ibang choice..I just need to apologize para wala nang gulo...

"Pasensya!? Mababalik ba nang pasensya mo ang ginawa mo sa'kin?! Ha!?", hiyaw niya sa'kin and yeah, nakayuko parin ako...

Hay naku! Nakakatakot siya..Even he had the good looks pero ang sungit niya naman....

"Huyyy nakikinig ka ba?!", sigaw niya ulit sa'kin...

Nakayuko parin ako sa harapan niya..

"Haysss! You jerk! ", sigaw niya at sasampalin na sana ako pero nagulat ako nang may dumating at sumalo sa kamay nung gangster na yun...

Nagulat naman lahat nang students sa pagdating niya...

" hala, bakit nandito siya?"

"girlfriend niya ba ang weirdong yan"

" eww!"

Yan lang ang narinig kung bulungan nang mga students na nakatingin sa'min..Ewan ko ba kung bulongan pa ba yun, eh rinig na rinig ko naman...Basta, bahala sila..

Napabaling naman ang atensyon ko sa lalaking nagligtas sa'kin at napatingala sa tangkad niya....Na hanggang ngayon ay hawak-hawak parin ang kamay ng gangster na yun..

Gwapo.

Cute.

Messy hair.

Brown hair.

Matangkad.

Medyo maputi na ewan.

And...

Gwapo ulit.hehe.

Narinig ko namang na may sinabi yung kaibigan nang gangster na yun sa kanya..

"Huyy Red, tara na!"

So, Red pala ang pangalan nung gangster na yun.Tsk.Hindi bagay sa kanya..Dapat black, ang itim kasi nang budhi nang lalaking toh.Tsk.

Napansin ko naman na humigpit nang humigpit ang pagkakahawak nung lalaki kay Red..Pero wala pa ring reaksyon si Red..Aba, ang tapang naman nang mokong na toh..

ALMOST 7 DAYS TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon