Kabanata 1: Pupunta Ba Ako?

79 2 0
  • Dedicated kay Nathan Nepomuceno
                                    

9 o’clock na ng gabi at kahit malamig na ang hangin, nakatambay parin ako sa labas ng dormitory ko. Iniisip ko kung bakit ang unfair, kung bakit biglaan, at kung bakit

‘di na niya ako mahal.

Napalingon ako sa likod ko ng may narinig akong boses. Nakita ko si Richard na may dalang gitara at palapit sa kinauupuan ko. “O, Nathan nandito ka pala! Tara jamming tayo.”  Sabi sa akin ni Richard habang palapit sa akin. “Sige ba, anong tutugtugin natin?” Sagot ko sa kanya pero medyo malungkot ang tono ko. Napansin ni Richard ang kalungkutan ko kaya inilapag niya ang gitara, umupo sa tabi ko at inakbayan ako gamit ang kanang kamay niya. “Ok lang yan pre, marami pang babae sa mundo hindi lang si Angelica.” Sabi niya habang nakaakbay sa akin. Inalis ko ang kamay niya at tumayo ako. Sabi ko sa kanya, “Pre! Ok lang ako, naka-move on na ako”. Nagulat si Richard sa ginawa ko at natawa. “Hahaha, pre wag mo na ideny. Halata namang siya parin eh. 3 months na noong magbreak kayo, pero siya parin ang iniisip mo.” Sumagot ako, “Alam mo pre sobra talaga akong nasaktan sa ginawa niya! Biruin mo, biglaan lang. ‘Di ko man lang naramdaman na magbebreak kami!” Huminga ako ng malalim at sinabi ko “hay, ayoko na nga! Tara na bumalik na tayo sa kwarto natin. Inaantok na ako pre.” Tumayo na rin si Richard sa pagkakaupo at kinuha ang gitara. Sabay kaming naglakad pabalik sa kwarto naming dalawa.

“Brrrrttt…. Brrrrtt…Brrrrt” Nagising ako sa vibration ng alarm ng phone ko. Ayoko pang bumangon pero 6 am na, kailangan ko nang kumilos. Umupo ako at nag-inat ng mga kamay. Bumaba ako mula sa top deck ng double deck na kama namin. Nakita ko si Richard sa bottom deck na mahimbing pa ang tulog. Ah, siguro wala siyang pasok ngayon kaya ‘di pa siya nagigising. Hinablot ko ang tuwalya, kinuha ko ang mga gamit kong panligo at naligo na.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong ko si Angelica na papuntang library.”Uy! kamusta? Long time no see.” Sabi sa akin ni Angelica ng nakangiti. “Ok lang naman, sige una na ako baka ma-late ako.” Sagot ko sa kanya ng nakakunot ang noo ko at kumaripas sa paglakad. Nang makarating ako sa classroom, binati ako ng mga kaibigan ko “oy! Nathan, dito ka sa tabi namin.” Binati ko din sila “Renz! Jc! kamusta? Sige jan ako sa gitna niyo”. Wala pa ang prof. kaya nagkwentuhan muna kami nila Renz at Jc sa classroom. Natapos nalang ang oras ng klase pero walang dumating na prof. kahit substitute wala din. Kaya lumabas na kami sa classroom para pumunta sa susunod naming klase. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Angelica na siya lang mag-isa. “Uy Nathan, may ibibigay nga pala ako sa iyo.” Sabi ni Angelica sa akin at iniabot ang isang pink na envelop sa akin. Ayoko sanang tanggapin kasi medyo bitter pa ako sa kanya pero mahirap man aminin, may katiting parin na pagtingin ako sa kanya. Marahan kong kinuha ang pink na envelop at ngumiti sa kanya. “Osya, may klase pa ako. Basahin mo yan ha!” Umalis na siya at naiwan kaming tatlo na nakatayo sa hallway. “Pre, anong nginingiti-ngiti mo dyan? Tandaan mo may iba nang gusto si Angelica. Isama mo na din na naging ex mo siya.” Sabi ni Renz sa akin sabay batok sa ulo ko. “Aray ko naman, ilang beses ko bang uulit-ulitin na naka-move on na ako? Mga pre, tanggap ko na. Hindi siya ang para sa akin.” Sagot ko naman habang kinakamot ko ang ulo ko na binatukan ni Renz. Sa lakas ng pagkakabatok niya, nagkabukol ata ako. “Nathan, buksan mo na yung love letter tignan natin kung anong sabi ni Angelica” sabi ni Jc na may nakakalokong ngiti. “Anong ‘Love Letter’ ? Hindi to love letter! Letter lang ito, Letter lang!” Pabiro na pasigaw kong sinabi kay Jc. Binuksan ko ang Pink envelop at kinuha ko ang violet na papel na nasa loob nito. Shet, ang bango ng papel, nag-spray ata si Angelica ng perfume sa papel na ito. Binuklat ko ang papel na nakatupi. Nagdikit-dikit ang mga ulo naming tatlo para basahin ang letter:

Dear Nathan,

Alam kong babasahin ninyong tatlo itong letter kahit anong sabihin ko na dapat ikaw lang ang magbasa nito.

Meron akong gustong sabihin sayo, pumunta ka library mamayang 3:00 pm. Dapat ikaw lang at wala kang ibang kasama. Gusto ko lang linawin ang lahat. Kapag ‘di ka pumunta, ‘di ko na alam ugh!. Basta please pumunta ka.

                                                                                                                                                           Your Friend,

                                                                                                                                                             Angelica

Matapos namin basahin ang letter, hindi kami makapagsalita. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot basta ang alam ko ayoko na. Ayoko na magmahal ulit. Kung makikipagbalikan siya sa akin, bahala na siya sa buhay niya. Pero, paano kapag importante talaga ang sasabhin niya? Paano kung kailangan ko talagang makipagkita mamaya sa kanya? Ano bang gagawin ko? Huminga nalang ako ng malalim at tumingin kay Renz, pagtapos tumingin din ako kay Jc. Naghihintay ako ng mga “words of wisdom” nila pero wala. Wala din silang masabi.

“krriiiiingggg!!” tumunog na ang bell. Time na pala! “Pre! Time na, bilisan natin!” sabi ni Jc. “Oo pre! Alam namin, tara Nathan takbuhin na natin papuntang classroom!” Sabi ni Renz na tila nagpapanic na. Tumakbo na kami para makaabot sa klase na nasa kabilang ibayo pa ng school namin. Hawak-hawak ko parin ang letter habang tumatakbo kami.

 AUTHOR'S NOTE: 

KUNG IKAW SI NATHAN, 

ANONG GAGAWIN MO? 

PUPUNTA KA BA?

PLEASE VOTE AND EXPRESS YOUR OPINIONS NA DIN HAHA SALAMAT! :D

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon