Kabanata 4: Liligawan Ko Na Siya

49 0 0
                                    

Pagkatunog ng alarm ko, Dumilat agad ang mga mata ko at ngumiti. Bumangon ako sa kama with matching dance moves pa! Kinuha ko ang mga gamit ko na panligo at hinablot ang tuwalya na nakasampay. Maliligo na sana si Richard pero pinigilan ko siya. “Oops! Teka, araw ko ngayon, ako muna ang mauunang maliligo” Sabi ko sa kanya. Nalito si Richard sa sinabi ko at napakamot nalang ng ulo. Pumasok na ako sa banyo at naligo na ako. Pagkatapos maligo, nagbihis na ako ng uniform, nagwax ng buhok, nag-trim ng kuko, nagpabango, at pumunta na ako sa School. “Pre! Wag kang umalis” sabi ni Richard, pero ‘di ko siya pinansin kaya tuloy lang ako sa paglakad. Nang makarating ako sa school, nakita ko ang calendar. SABADO PALA NGAYON! Wala akong klase tuwing sabado kaya bumalik ako sa dorm. “Pre! Making ka rin sa akin minsan, hahaha! Yan tuloy. Kaya nagtaka ako sayo kanina, pinigilan mo pa ako tumae sa banyo para lang maligo ka, at yung alarm na narinig mo kanina ay busina lang ng bus sa labas ng dorm! Ano ba yan pati ako nagulantang sa iyo. May pasayaw-sayaw ka pang nalalaman jan. Next time tingnan mo muna ang oras at date bago ka mambulabog ng tao.” Medyo natatawa na sinabi niya sa akin. “Hahaha, sorry natanga lang” Medyo nahihiyang sinagot ko sa sinabi ni Richard.

Dumating ang 7:00 ng gabi at naghapunan kami ni Richard sa Karinderya. Nang matapos kaming kumain, nagkwentuhan muna kami ng sandali. “Pre, kamusta ang date ninyo ni weddy kahapon?” biglang naitanong ni Richard. “Ayo slang, pumunta kami sa Cubao tapos kumain kami sa Mang Inasal at Dairy Queen.” Sagot ko naman sa tanong niya. “So, kelan mo siyang balak ligawan?” Napaisip ako sa tinanong niya. Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Yung pagsandal niya sa balikat ko at pagholding hands namin. Ramdam ko na rin na may feelings siya para sa akin kaya parang inulit ko sa sarili ko ang tanong ni Richard. “Kelan ko nga ba siya liligawan?” yan na lang ang naisambit ko sa tanong ni Richard. Tumayo ako at tumingin kay Richard. “Halika pre samahan mo ako.” Sinabi ko sa kanya ng buong puso sabay hinila ko siya palabas ng karinderya. “Teka pre, saan tayo pupunta?” nagtatakang itinanong ni Richard.”Liligawan ko na si Weddy.”

Dumating kami sa harap ng dorm ni Weddy ng 8:00 ng gabi.Hindi ko alam kung anong room number ni Weddy kaya tinawagan ko nalang siya. Nagri-ring ang phone niya pero ‘di siya sumasagot. Baka busy? O umalis at naiwan ang phone? O baka naman tulog na. Pero matiyaga ko paring pinapa-ring ang phone niya kahit 5 minutes na ang nakalipas simula nung tumawag ako sa kanya. “Pre bukas nalang kaya? Gabi na eh baka tulog na iyon.” Sabi ni Richard sa akin na parang nawawalan na siya ng gana. “Hindi pre! Wait, last na call ko na ito, pag ‘di parin siya sumagot, sige uuwi na tayo.” Determinado kong sagot sa kanya. Tinawagan ko siya sa huling pagkakataon. Namamawis na ako sa kaba habang naririnig ko ang ring ng phone niya. Sumagot ka please, please, please. Tuloy pa rin sa pag-ring ang phone ni Weddy. Natatakot na ako na baka tulog na nga siya, ayoko nang ipagpabukas pa itong sasabihin ko sa kanya.

 “Hello, Nathan?”

Napabulong ako ng ‘yes’ sa isip ko nang sumagot si Weddy sa tawag ko. “Weddy, baba ka sandali dito.” Medyo excited na tono ang pagkakasabi ko sa kanya. “Okay, pababa na ako.” Sagot ni Weddy na parang malambing ang tono. “Pre! Sumagot si Weddy. Hahaha ano ka ngayon!” pabiro kong sinabi kay Richard. “Oo na pre, nice one! Sige sabihin mo na liligawan mo siya at nang makauwi na tayo.” Sagot niya sa akin na parang uwing-uwi na. Dumating si Weddy at pinapasok kaming dalawa sa loob ng lobby. “O, Nathan, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Weddy. Naisip ko na ang isasagot ko. Isasagot ko sana na may sasabihin ako pero naisip ko na gasgas na ang linyang yon at mahahalata niya na type ko siya kaya ito na nalang ang nasabi ko. “Ah, Weddy may ipapakita sana ako sayo.” Hinila ko siya papunta sa labas at naiwan si Richard sa lobby. “Nakikita mo ba ang mga bituin? Ang ganda nila no? Alam mo ba, mas maganda ka pa sa kanila.” Bigla ko nalang nasabi kay Weddy. “Sus! Nambola ka pa. Ano ba kasi yung ‘ipapakita’ mo?” sagot naman ni Weddy.

“Weddy, I love you.”

Niyakap kaming dalawa ng katahimikan nang sabihin ko sa kanya ang mga salitang iyan. Nabigla ko ata siya. Hindi rin iyan ang plano kong sabihin. Plano ko talaga magtanong kung pwedeng manligaw pero wala eh. Nasabi ko na, go with the flow nalang. Nabasag ang katahimikan nang sabihin din ni Weddy na

“I love you too Nathan.”

Halos sumabog na ako sa sobrang tuwa nang marinig ko ang mga sinabi niya. Bumilis ang pintig ng puso ko. Namamawis ako ng malamig. Abot langit ang ngiti ko. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. “Hep, hep, hep, pero hindi pa tayo official Nathan! Tumigil ka nga diyan.” Sabay tulak sa akin palayo. “Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Kailangan ligawan mo muna ako.” Sabi niya sa akin na may halong panlalambing. “Challenge Accepted!” naisigaw ko at tila parang napatingin ang mga taong naglalakad sa paligid. “Huy! Hinaan mo nga ang boses mo.” Sagot ni Weddy. “Sorry haha mahirap kasing itago ang ligaya!” Pabiro kong sinagot sa kanya. “Kitakits na lang ulit next time! May ginagawa pa ako sa taas Ingat na lang kayo sa daan.” Sabi ni Weddy. Mukhang nagmamadali siya kaya umalis na rin agad kaming dalawa ni Richard.

“O pre? Anong nangyari? Pumayag ba siyang ligawan mo?” Tanong ni Richard sa akin. “Pre, MAHAL NIYA DIN AKO!!!!” Pasigaw kong nasabi sa kanya. Siguro sobrang tuwa ko na din kasi ‘di ko na makontrol ang sinasabi ko. “O? easy ka lang haha nabubulabog ang mga bahay ditto dahil sayo eh.” Sabi ni Richard na parang nahihiya sa pagsigaw ko. At sa moment na iyon, doon ko na-realize na ngayong gabi, ako ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Pinakamasaya, mas masaya pa kay Jollibee. Feeling ko Bida ako ngayong gabi. Sana ganito nalang araw-araw.

A/N: 

IKAW, ANO ANG STYLE MO SA PANLILIGAW? 

KATULAD BA KAY NATHAN?

SHARE MO NAMAN! 

VOTE LANG SAPAT NA

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon