Kabanata 6: Hindi Inaasahan

14 0 0
                                    

Sinagot ko ang tawag ni Angelica. “Hello?”

“Nathan, pumunta ka muna dito sa bahay namin, emergency lang  please!”

Nagdalawang isip ako kung pupunta pero, kahit na labag sa kalooban ko, agad kong kinuha ang bag ko at umalis na sa kwarto ko. “Oo papunta na ako jan, ano bang nangyari?” tugon ko sa kanya. “Yung lolo ko, inatake sa puso.” Wala nang tanong-tanong nag-abang na ako ng jeep sa kanto.

Nang makarating ako sa bahay nila. Kinatok ko ng buong lakas ang pinto nila. Nag-aalala ako kung anong nangyari sa loob ng bahay nila. Bumukas ang pinto. “Tuloy ka.” Ang sabi ni Angelica sa akin. Naguluhan ako, nalito ako, tinanong ko si Angelica. “Anong emergency?” Nag-aalala kong itinanong sa kanya. “Nathan, tulungan mo ako buhatin natin si lolo.” Sabi niya at inakay niya sa kaliwa ang lolo niya. Inakay ko naman sa kanan ang lolo niya at sabay kaming pumunta sa isang ospital.

Habang nagbabantay kaming dalawa ni Angelica sa lolo niya ay tumingin siya sa akin. “Nathan, sorry kung napigilan ko ang pagsagot sa’yo ni Weddy.” Nasorpresa ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na kilala niya si Weddy. “Weddy?, kilala mo si Weddy?” tanong ko sa kanya.

“Bestfriends kami, katunayan niyan ako nga ang nagset-up sa inyong dalawa eh.”

Nagulantang ako sa sinabi niya at hindi na ako nakapag-react. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at naghihintay ng mga susunod niyan sasabihin sa akin.

“Naalala mo pa ba yung time na binigyan kita ng letter? Yung ako dapat ang makikipagkita sa iyo sa library? Pumunta ako nun, kasama ko si Weddy. Sakto kasi noon, naghahanap siya ng magtuturo sa kanya sa Trigo kaya sinabi ko na magaling ka sa trigo at magpaturo siya sa iyo. Pinapunta ko na siya sa table kung saan nakaupo ka at pinanood ko kayong dalawa habang nagrereview. Ang sweet niyo nga eh. Naalala mo din ba yung pumunta ka sa dormitory niya? Tumatawag ka pa nga sa phone niya eh, ako ang nag-abot sa kanya ng phone. Naka-earphones kasi siya habang gumagawa ng plate eh ako yung nkarinig na may tumatawag sa phone niya, kaya binigay ko sa kanya. Naalala mo ba…”

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang niyakap. “Salamat, salamat Angelica. Hindi mo lang alam kung gano ako kasaya nang makilala ko si Weddy.” Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. “Wala yun, ayaw ko kasi na nalulungkot ka. Naguilty nga ako eh nung nagbreak tayo. ‘Di pa kasi talaga ako ready sa isang commitment kaya ‘di ko na pinatagal ang relasyon natin. Tinanggal ko na ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at huminga ng malalim.

“Pano yan? ‘di na ako nakapunta sa library, kailangan ko pumunta doon.” Nangangamba kong sinabi sa kanya. “Sige pumunta ka na doon, ako na ang bahala dito.” 6:30 palang, maabutan mo pa siya. 

“Sige, thank you Angelica. Aalis na ako!” Ngumiti ako sa kanya at dali-daling umalis papunta sa school.

A/N: 

MATUTUWA KA BA KUNG ANG EX MO ANG

NAGSET-UP NG BAGO MONG LOVE LIFE?

GUYS MALAPIT NA MATAPOS HAHA SANA NAGUSTUHAN NYO :)

KUNG SAKALI, PLEASE VOTE UP

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon