Kabanata 5: Isang Tawag

16 0 0
                                    

Monday, pasukan na naman. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong mahal ka ng mahal mo. Paulit-ulit na nagpe-playback yung boses ni Weddy sa utak ko. “I love you too Nathan.” Para lang akong tanga na nakangiti habang naglalakad papunta sa classroom. Pero wala akong pake, ang mahalaga Masaya ako.

“Nathan, pre, okay ka lang?” sabi ng isang boses sa likuran ko. Lumingon ako para tingnan siya. Kaklase ko pala na nakatayo sa labas ng pinto ng classroom namin. Lumampas na pala ako sa classroom, ‘di ko man lang namalayan. Naglalakbay kasi ang isipan ko habang naglalakad. “Ay, hehe kamusta Bryan? Pupunta muna ako sa Cr.” Tuloy akong lumakad para ‘di mapahiya kahit hindi naman talaga ako dapat pupunta sa Cr. Habang naglalakad, may dalawang lalaking umakbay sa akin. Akala ko mga bully, yun pala sina Renz at Jc. Tuloy parin ako sa paglalakad at sinabayan na nila ako. Nang makarating kami sa Cr, may sinabi ako sa kanilang dalawa. “Mga pre, liligawan ko na si Weddy.” May determinasyon kong sinabi sa kanila. “Ang bilis pre ha! Last week mo lang nakilala si Weddy tapos liligawan mo na agad?” pabirong tugon ni Jc sa akin. “Hindi bale, tutulungan ka namin ni Jc sa panliligaw mo.” Sabi ni Renz at siniko niya si Jc. “Aasahan ko yan, basta sasabihan ko lang kayo pag kailangan ko na ang tulong ninyo.” Ang masayang tugon ko sa kanila.

Natapos ang first class naming tatlo nina Jc at Renz, at naisipan namin na pumunta sa classroom ni Weddy. Bumili ako ng Chocolate at gumawa din ng letter para sa kanya. Nang makarating kami sa may pinto ng classroom ni Weddy, “Pre katukin mo na!” sambit sa akin ni Jc. “Oo eto na!” tugon ko naman sa kanya. Itinaas ko na ang kamao ko para kumatok pero inatake ako ng hiya. Naisip ko na baka tuksuhin si Weddy ng mga kaklase niya kapag nagpakita ako na may dalang chocolate at love letter. “Jc, hawakan mo muna ‘tong chocolate at letter.” Kinuha naman agad ni Jc ang mga hawak ko at kumatok na ako sa pinto. Binuksan ng Prof. ang pintuan, “Ano pong kailangan?” pangiting sinabi ng prof. Gumaan ang loob ko nang makita ko ang ngiti niya at sinabi ko na “Andyan po ba si Weddy?”. Napaisip siya sa sinabi ko pero mukhang kilala niya si Weddy. “Ah si Ms. Ramirez ba? Miss Ramirez! May naghahanap sa iyo dito.” Sabi ng prof. nang lumingon siya sa klase niya para tawagin si Weddy.

“Yieeeeee!!” hiyaw ng buong klase nang tawagin si Weddy. Nahiya na ako pero kailangan ko ng confidence. “Ano po yun?” nakangiting itinanong ni Weddy nang makalapit siya sa may pintuan. “Para sa iyo nga pala” at iniabot ko na ang chocolate at love letter na kinuha ko sa kamay ni Jc. “Thank you!” tugon ni Weddy sa akin. ‘Di na kinaya ni Renz ang kahihiyan kaya hinila na niya kaming dalawa ni Jc palayo sa classroom na iyon at umuwi na. Natawa naman sa amin si Weddy habang hinihila kami ni Renz. Wala na ako sa sarili ko nang hinila na ako ni Renz. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay ‘sana napasaya ko si Weddy’.

Simula noon, araw-araw ko nang pinupuntahan si Weddy sa classroom nila at araw-araw ko din siyang binibigyan ng love letter at chocolates. Siyempre kasama ko din sila Jc at Renz kapag pumupunta na ako sa classroom nila. Tuwing gabi naman, lagi ko siyang tinatawagan para kamustahin at makipagkwentuhan. Lumipas ang tatlong  linggo na ganito ang mga pangyayari.

Isang gabi habang magkausap kami sa phone, tinanong ko si Weddy, “Weddy, kalian mo ba ako sasagutin? Kasi excited na ako maka-holding hands ka ulit eh!” Pabiro kong tanong sa kanya. Hindi ko inaasahan na siseryosohin niya pala ang tanong ko. “Uhh… Next week! Pagkatapos ng prelims natin. Sasabihin ko sa’yo ang sagot ko.”

“Talaga? Excited na ako!”

Pagkatapos ng pag-uusap naming yon, hindi na ulit kami muling nakapag-usap. Busy na kaming dalawa mag-review para sa darating na Prelims. Puro math pa naman ang mga exam namin ngayon kaya todo aral din ako. Buti nalang anjan si Weddy, Ganado akong itaas ang mga grade ko para ma-impress siya sa akin. Ilang gabi akong walang tulog ma-master ko lang ang mga subject namin. Dumating ang araw ng prelims namin at feeling ko makakaya kong taasan pa ang mga grade ko. Nagtext ako kay Weddy ng “Goodluck! Kaya mo yan.” Para ‘di siya kabahan sa exam. Nagreply naman siya sa akin ng “Ikaw din, galingan mo ha!” Napangiti ako nang binasa ko ang text niya. Lalo ako naging determinadong mag-exam. Lumipas ang tatlong araw na prelims namin. Pakiramdam ko matataas ang mga grades ko. Naalala ko ang sinabi ni Weddy na pagkatapos ng prelim ay sasagutin na niya ako. Excited kong kinuha ang phone ko sa bag para tawagan siya nang biglang mag-ring din ang phone ko. Tumatawag si Weddy.

“Hello Weddy?”

“Nathan, Pumunta ka mamayang 6:00 pm sa library, doon sa table na tinuruan mo ako.”

“Okay, sige kita tayo mamaya.” Sagot ko sa kanya na may bahid ng excitement. Tumingin ako sa relo ko, nakita ko na 5:30 na ng hapon. May oras pa para magprepare ako.

“Brrrrrttt….Brrrrttttt….Brrrtttt”

Nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Tumatawag sa akin si Angelica.

 A/N: 

KUNG IKAW SI NATHAN,

SASAGUTIN MO BA ANG TAWAG NI ANGELICA?

VOTE UP PLEASE PARANG AWA NYO NA HAHA

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon