Kabanata 3: Friendly Date Lang

29 1 0
                                    

Kinaumagahan sa classroom habang wala pa ang prof. ay nakaupo kami at nagkausap-usap na naman kami nila Jc at Renz. "O, pre kamusta yung meet up ninyo ni Angelica?" seryosong tanong ni Renz sa akin. "Pre, wag mo na tanungin, sigurado ako pinamukha lang ni Angelica na hindi sila bagay! Hahaha" ang siraulong dagdag ni Jc. "Mga pre, hindi kami nagkita ni Angelica, 'di niya ako pinuntahan sa library. 'Di niya ako sinipot." Sagot ko naman sa kanilang dalawa. "Sabi na eh, baka naman nakalimutan na niya na ime-meet ka niya?" sabi naman ni Jc at hinalungkat niya ang bag ko at kinuha ang notebook ko sa Trigonometry at kumopya ng assignment. "Pre! Uso naman magpaalam diba?" pabiro na pasigaw kong sinabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin at tumuloy parin sa pagkopya ng assignment. "So, anong ginawa mo kahapon sa library? Umuwi ka na nung wala siya dun?" Tanong ni Renz. "Hindi, naghintay pa ako dun hanggang 3:45 pm pero wala eh 'di siya dumating. Pero pre! May dumating na babae, nagpaturo siya sa akin sa Trigo! Ang pangalan niya ay Weddy Anne Ramirez, BSCE taga Engineering 143. (note: Kaming tatlo ay taga Engineering 142, pare-pareho kaming mga BSCE)" sagot ko sa tanong ni Renz sa akin. "O talaga? Nice one! Pagkatapos ng tutorial session nyo, anong ginawa nyo?" panibagong tanong nanaman ni Renz. "Wala, kumain lang kami sa Mcdo. Para daw makabawi siya. Haha pero naubusan na pala siya ng pera kaya sa huli, ako din yung nanlibre sa kanya."

"Pare, i-describe mo nga si Weddy." Utos ni Jc habang nagsusulat ng assignment. "Singkit siya, maputi, nakasalamin, mahaba ang buhok, at medyo maliit, hanggang ilalim ng tenga ko siya." Biglang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko galing sa loob ng bag ko. "Pre, si Weddy yan no? lagi kayong magkatext no?" Sabi ni Renz habang sinisilip ang phone ko na nilalayo ko sa kanya. Pagtingin ko sa inbox, hindi pala si Weddy, isang unknown number ang nagtext. "Uy Nathan, sorry kahapon 'di ako nakapunta sa library. Busy kasi ako sa group project." Napagtanto ko na si Angelica ang nagtext. "Pre 'wag mo na replyan yan, sinasabi ko sayo" sumabat si Renz na binabasa pala ang text ko. Nilayo ko ang phone ko sa mukha niya at nagreply ako na "Ok lang, ano ba kasi ang sasabihin mo? Sa text mo nalang sabihin." Nagbabakasakali na baka makikipagbalikan pa siya kaya naghintay ako sa reply niya pero 'di na siya nagreply.

Dumating na ang prof. namin at sa exact time na 7:30 am hindi katulad ng prof. kahapon na namuti na ang mga mata naming mga estudyante niya kakahintay sa kanya. Lecture na namin sa trigonometry kaya enjoy ako, kahit ang mga iba naming mga kaklase ay kinasusuklaman ang subject na ito. Lumipas ang araw at uwian na sa last subject ko. Mga 4:00 na ng hapon iyon. Sabay-sabay kaming tatlo nila Renz at Jc na naglakad pauwi hanggang sa nakarating kami sa kanto na kung saan maghihiwa-hiwalay na kaming tatlo. "Osige pre bukas nalang ulit" sambit ni Renz bago siya tumawid. "Sige pre ingat ka" sagot ko naman. "Sige pre ingat din kayo" sagot din ni Jc. Naglakad na kami sa magkakaibang direksyon.

Nang makarating ako sa dorm, 'di pa nakakauwi si Richard. Inilapag ko ang bag ko sa study table, hinubad ang sapatos, tinanggal ang ID at nilagay sa drawer, at humiga ako sa kama ko na relax na relax. Naalala ko na naman si Weddy, gusto kong kamustahin kung anong nakuha niya sa quiz nila sa trigonometry. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Tatawagan ko n asana siya nang biglang mag-ring ang phone ko. TUMATAWAG SIYA!  Dali-dali kong sinagot ang tawag niya. "Hi! Kamusta ang quiz mo sa trigo?" pambungad ko agad sa kanya.

"Pumasa ako! Thank you nga pala hehe" sagot niya sa akin. "Nice! Syempre ako nagturo sa iyo eh." Umandar na naman ang kayabangan ko. Habang kausap ko siya, parang gusto ko siyang ayain lumabas. Gusto ko siyang makilala nang husto. Gusto ko siyang kaibiganin. Kaya 'di ko na pinalampas ang pagkakataon at tinanong ko siya. "Pwede ka bang lumabas ngayon? Tara i-celebrate natin yung pagka-pasa mo haha!" Wala na akong pake kung ire-reject niya ako o hindi, ang mahalaga tinanong ko siya. "Sige ba! San tayo?" Yes! Parang nasa heaven na ako nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Abot-tenga ang ngiti ko at sumagot ako ng "Tara doon tayo sa cubao doon sa may araneta. Sagot ko na hehe". "Okay, kita nalang tayo sa LRT Legarda station mamayang 6 o'clock." Sabi niya sa akin na may nakakaayang tono. "Sige kitakits nalang mamaya, bye!" at nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako excited, eh friendly date lang naman ito. Pero kung iisipin ko, siguro siya na nga. Baka siya ang pinadala ng Diyos para gamutin ang puso kong sugatan dahil kay Angelica.

5:45 pm na at ready na akong umalis sa dorm. Nakaporma na ako ng itim na skinny jeans, orange nat-shirt, at ang sapatos ko ay itim na chuck taylor na may putting sintas. Nakapagpabango na ako, wax sa buhok, at good to go na ako. "dug, dug, dug, dug" may kumatok sa pinto, dumating na si Richard na galing sa school niya. "Pre, gwapo ah, sinong ka-date?" pambungad niya sa akin nang buksan ko ang pinto. Sabi ko naman sa kanya "Magkikita kami ni Weddy, Yung kasama ko kagabi. Nakwento ko na siya sa'yo eh." "Ah.... Osige pre ingat ka nalang." Sagot ni Richard sa akin. Kinuha ko na ang extra kong susi, panyo, at wallet sabay umalis na ako sa dorm.

5:55 pm na ako nakarating sa LRT Legarda station. Sakto! Maaga pa ako ng 5 minutes. Wala pa siya dito, pagdating niya maiisip niya na punctual ako. Dagdag pogi points din yun. Medyo nauuhaw na rin ako kaya pumunta ako sa isang stall para bumili ng buko juice. Nabigla ako nang makita ko si Weddy na bumibili ng buko juice kaya 'di na ako tumuloy bumili. "O, Nathan! Halika na?" tanong ni Weddy nang makita niya ako na tumalikod. "Si-sige haha! Tara na." sagot ko naman na may bahid ng kahihiyan. Sumakay na kami sa LRT at after ng ilang minutes, nakarating na kami sa cubao. Kumain kami sa Mang Inasal, dumaan kami ng Dairy Queen para sa dessert. Pagkatapos ay nanoood kami ng banda na nagpe-perform ng live sa may food court. Sulit lahat ng ginastos ko kasi Masaya naman ako kapag kasama ko siya. Sumakay na ulit kami ng tren pabalik sa Legarda station at medyo kaunti na ang mga tao, na sobrang bihira lang mangyari kasi Friday ngayon. Umupo kami sa isang bakanteng upuan. "Nathan, napagod ako haha" sabi niya sa akin at biglang sumandal sa balikat ko. 'Di na ako nakapagsalita at hinayaan ko nalang siyang sumandal sa akin. Ramdam ko na may something na sa amin kaya naman gumawa na ako ng move ko. Unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa kamay niya at nang sobrang lapit na, nagdalawang isip ako kung hahawakan ko ba ang kamay niya o hindi.natatakot ako na baka ma-turn off siya at layuan ako. Sabi ko sa isip ko, "Sana 'wag niya akong i-reject." At tuluyan ko nang hinawakan ang kamay niya. 'di niya inilayo ang kamay niya at hinawakan din niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Ngayon magkaholding hands kami sa tren. At ito ang pinaka da-best na moment na nangyari sa buhay ko matapos ang break-up naming ni Angelica.

Nakabalik na kami sa Legarda station at doon na rin kami maghihiwalay ng daanan kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa. "Thank you Nathan, ang saya ko ngayon." Sabi ni Weddy. "Wala yun, thank you din Weddy, ako din kasi napasaya mo." Sagot ko sa kanya na medyo nahihiya pa. "O'sige, next time ulit. Bye!" paalam ni Weddy at dahan-dahan siyang naglakad palayo sa akin. "Wait! Ihahatid na kita." Sagot ko sa kanya. "Talaga? Haha osige" sabi niya at bigla siyang ngumiti. Sabay kaming naglakad papunta sa dormitory niya. Magkahawak pa ang mga kamay naming habang naglalakad sa kalsada. Tila kami na pero ang katunayan niyan ay hindi pa. Huminto kami sa paglalakad. Nasa tapat na pala namin ang dorm niya, hindi ko man lang napansin. "Sige thank you ulit, sana maulit ito" nginitian niya ako habang papasok sa pinto ng kanyang dormitory. "Sige next time, bye!" sagot ko naman na nakangiti at kumakaway sa kanya. Sumara ang pintuan at naglakad na ako pauwi ng mag-isa.

A/N:

KAPAG MAY SUMANDAL BA SA'YO, 

GIGISINGIN MO BA SIYA? 

AKO OO, HAHA MAMAYA LUMAMPAS NA SIYA SA

PUPUNTAHAN NIYA.

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon