Kabanata 7: Ang Bus

31 1 3
                                    

Nakarating ako sa school nang bandang 7:00 na ng gabi. Malamang wala na siya doon at nainip na kakahintay sa akin. Ngunit kahit na ganoon ang pinakamalapit sa katotohanan na mangyari, nagbakasakali parin ako na pumunta sa library. Malay mo, naroon pa siya, hinihintay ako. Mabilis ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan pa ako sa pagod at nang makarating ako sa library, agad akong pumunta sa table kung saan una kaming nagkita. Parang nakidlatan ang puso ko nang hindi ko makita si Weddy doon. Kahit na inaasahan ko nang hindi ko na siya makikita doon ay nagulat pa rin ako. Akala ko maghihintay siya para sa akin. Akala ko sasagutin na niya ako. Naisip ko na tawagan nalang siya at magsorry sa kanya pagkauwi ko sa dormitory ko. Biglang may kumalabit sa likod ko. Nang lumingon ako, si Weddy pala.

“Nathan, nagtext sa akin si Angelica na baka 6:30 ka na makakarating dito kaya umuwi muna ako sa dorm ko para magpalit ng damit. Sorry kung pinag-antay kita.” Sabi ni Weddy na nakayuko. Ngumiti ako, at tumugon ako sa kanya. “Okay lang, kakarating ko lang din naman.” Hinila niya ako papunta sa table na kung saan una kaming nagkita at umupo.

“Nathan, Sasagutin na kita. Gusto kong malaman mo na..”

“Malaman na?”

“Gusto kong malaman mo na Mahal kita, as friends nga lang.”

Bumilis ang tibok ng puso ko, nanginginig na ang mga tuhod at mga kamay ko. Parang may tinik na bumara sa lalamunan ko. Gusto kong umiyak, pero hindi dapat. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. Unti-unti naring nagkakaron ng sipon ang ilong ko. Ang tanging nasabi ko nalang sa kanya ay.

“B-ba-ba-bakit?”

 

“Hahahaha! Joke lang eto naman oo, syempre mahal na mahal na mahal kita. Gusto ko lang makita reaction mo kapag na-friendzone kita.”

Pinunasan ko ang mga mata ko at siningot ko ang sipon sa ilong ko. Niyakap ko siya nang buong higpit at sinabi ko. “Loko-loko ka talaga! Makakabawi din ako sa’yo. I love you Weddy.”

“I love you too Nathan.”

Napangiti ako at mas lalo pang humigpit ang yakap ko sa kanya. Lumipas ang ilang Segundo, nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na nasa library nga pala kami. Agad kong ibinaba ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Nagtitinginan na sa amin ang mga tao at matutunaw na kaming dalawa sa sobrang kahihiyan. Ngumiti na lang kaming dalawa at dahan-dahang naglakad paalis sa library.

Nang makaalis na kaming dalawa sa school. Inihatid ko siya sa dormitory niya. “Pano ba yan? Official na tayo.” Sabi ko sa kanya sabay kindat. “Gustong-gusto mo naman? Ikaw talaga.” Sabay siko ni Weddy sa akin. Huminto kami sa paglalakad, nasa tapat na kami ng dormitory ni Weddy.

“May nakakalimutan ka ata?” sabi ko kay Weddy na may nakakalokong ngiti.

“Ano nanaman bay un?” Tanong ni Weddy.

“Yung goodnight kiss ko, kahit sa cheeks lang.”

“Sige na nga, sa cheeks lang ha!” Tugon ni Weddy sa kahilingan ko.

Inilapit ko ang mga labi ko sa cheeks ni Weddy. Dahan-dahan, ipinikit ko na ang aking mga mata. Bumilis ang takbo ng puso ko, ramdam ko ang lakas ng bawat pintig ng puso ko habang inilalapit ko ang labi ko sa kanya. Nang lumapat na ang mga labi ko, naramdaman ko ang malambot na, wait, hindi pisngi ito, idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko na mga labi ni Weddy ang hinalikan ko. Nakapitkit si Weddy  habang magkadikit ang mga labi namin. Hinawakan ko ang mga pisngi ni Weddy at pumikit narin. Napatalon kami sa sobrang gulat at nagkahiwalay ang aming mga labi nang may bus na huminto sa harapan namin at bumusina ng malakas.

“Hoy! Sa gitna pa ng kalsada kayo naglalandian! Tumabi nga kayo.” Galit na galit na isinigaw ng mamang kundoktor. Dali-dali naman kaming tumabi at ang bus ay umandar na papalayo sa amin. Nagtawanan kaming dalawa at pumasok na si Weddy sa loob ng dormitory niya.

“Bye! Ingat ka Nathan, I love you!”

“Goodnight Weddy! I love you too”

At tuluyan nang sumara ang pintuan ng dorm ni Weddy. Nakangiti akong naglakad pabalik sa dormitory ko habang iniisip ang lahat ng nangyari ngayong araw. Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

-Wakas-

A/N:

THANK YOU SA PAGBASA! SANA NAGUSTUHAN MO.

KUNG GUSTO MO MAGREQUEST NG ISUSULAT KO, 

MESSAGE MO LANG AKO SA INBOX :D OPEN AKO SA

ROMANCE, COMEDY, ACTION, AT MYSTERY! :D 

UNTIL NEXT TIME! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon