FIVE SHOT

13 0 0
                                    

TItle: "YOUR JUST A REBOUND"
Genre: REAL LIFE STORY

"Is it ok to be a second choice? Maybe Yes! If he mean it. What about being a second choice while waiting the other one, then leave you after he get what he really want in a first place? Will you give way or not?"

"Hello! I'm Princess. Nice meeting you" magiliw kung pakilala sa kaibigan ni Cjay, my Boyfie, Yes! May boyfriend any problem with that? Joke lang. Hahahahah.

"Hello! I'm Nathan." Natatawang sagot naman nito.

Nasa personality kona yung pagiging friendly and bubbly ko, pag may tumawag sa pangalan ko automatic ng ngingiti ang mga labi kung sasalubong sayo.

"San tayo ngayon Babe?" Tanong ko sa boyfie ko habang nakaupo kami dito sa classroom namin.

Wala kami prof ngayon kaya niyayaya ko siyang lumabas, may 1hour break pa naman kami kasunod ng next subject namin.

"Punta tayo sa inyo?" Patanong niyang sagot kaya napatingin din ako sa kanya.

"Sure ka?" Ok lang naman yun para wala ding masabi sila Papa samin, kilala naman na siya ng parents ko. Nasanay na din ako everytime kasi na niyayaya ko siya, mas gustuhin niya pang tumambay sa bahay kisa sa mall.

Maingay din kasi sa bahay halos araw araw andon yung mga pinsan ko kaya mas ok din sakin yun.

"Sige! Pagkatapos ng time, punta tayo samin" magiliw ko namang sagot dito.

"Ngayon na! Wala namang prof eh."

"Eh!! May pasok pa tayo mamaya. Wag tayong mag cutting pagagalitan lang ako ng parents ko.

"Ok! Maya nalang" wala siyang nagawa ng sabihin ko yun.

Palibhasa kasi nasanay mag cutting ng mga panahong wala pa kami. I'm so happy talaga na nabago ko yung bad side niya.

"Hi Tin '!" magiliw kung bati sa pinsan kong nakikipag biruan sa mga kapatid kong nasa sala.

"Hello! Oh kasama mo pala si Cjay! Hi Cjay!?" Bati niya sa kasama ko.

Pumasok na kami ng tuluyan ni Cjay sa bahay at dere-deretso itong umupo sa katabing silya ng pinsan ko. Sanay na ako kaya di ko nalang sila pinansin at pumasok muna sa kwarto para mag bihis ng pambahay.

Paglabas ko ay naabotan kong nakikipag kulitan na si CJay sa mga pinsan ko pero napapansin ko ang nga nakaw tingin nito kay Tina, pinsan ko na ka age kolang din. Maganda naman ang pinsan ko pero mas naganda ako, hark hark!!

One week ang lumipas matapos naming bumisita sa bahay at di na ulit yun nangyari. Halos di narin kami nagkakasama ni Cjay kahit magkaklasi lang kami, pag tapos sa klase ay detetso uwi agad kami.

Parang kami na hindi, may namumuong mga tanong sa utak ko pero di ko ito nilalabas, alam ko namang wala lang yung mga napapansin ko. Pati yung pinsan ko na halos araw araw kung bumisita ngayon ay bihira nalang minsan nga di pa nagagawi yun na ipinagtataka ko ng lubusan.

"Princess!" Txt sakin ni matt, andito ako sa kwarto pahiga higa lang, walang pasok kaya tambay lang. Araw araw naman kaming nagkikita sa school ni Cjay kaya ok lang din kahit di kami magkasama ngayon.

"Bakit babe?" Reply ko naman sa kanya.

"Labas ka!" Bumangon ako sa mula sa pagkalahiga at tinignan ulit ang reply niya.

"Bakit?" Tanong ko habang nagpapalit ng damit. Labas daw so dapat maayos ako.

"May sasabihin ako. Andito ako sa labas ng bahay niyo!" Pagkabasa ko non ay dali dali akong nag ayos at lumabas ng bahay. Nakita ko siyang nakatayo habang hawak nito yung cellphone niya.

"Babe!" Masiglang tawag ko sa kanya habang palapit ako dito. Niyaya niya akong mag lakad lakad na siyang ipinag walang bahala ko at sumabay nalang din sa lakad niya.

"Ang seryoso naman babe! May sasabihin kaba?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan siya sa pag lalakad. Tumigil siya saglit at tumingin sa mga mata ko.

"Let's break up!" Walang kagatol gatol nitong sabi sa harap ko. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.

"Ano bayan Babe! Pangit talaga ng mga joke mo!" Pilit na tawa kong sagot sa kanya.

"Sorry Princess, pero di kona kayang mag lihim sayo. Ayoko ng patagalin to. May mahal akong iba, at lumapit lang ako sayo para mapalapit sa kanya, di ko namang intensyon na ligawan ka pero dumating nalang bigla. Sorry pero mahal ko siya.!" Tuloy tuloy na sabi nito na parang wala lang sa kanya ang nararamdaman ko. Unti-unting bumuhos ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nito.

"B-bakit? O-ok naman tayo d--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa pangalan ni Cjay kaya napalingon ako. Si Tina pala yung pinsan ko, kala ko kung sino. Binalik ko ang paningin ko kay Cjay pero halos manlambot ako ng sabihin niya ang mga katagang dumurog sa puso ko.

"Love! Let's go!" Sagot ni Cjay sa tumawag sa kanya, tumingin ulit siya "Sorry talaga Princess"

SHOT STORIESWhere stories live. Discover now