Mess' POV
ISANG malakas na kalabog ang nagpagising sa akin. Napakusot pa ako ng mata at tumingin sa oras. Alas-otso na pala. Sino kaya yun? Malabong may dumaan pa dito ng ganitong oras dahil tanging mga kumuha ng night class ang natitira dito sa school. Wala ngang dumadaan dito pag maliwanag dahil natatakot sila, pano nalang pag gabi?
Niyakap ko lalo ang sarili ko at hinaploshaplos ang balikat ko upang mabawasan ang lamig. Di ko nalang pinansin yung kalabog baka pusa lang yun na nahulog. Tumayo nalang ako dahil nangalay na ang pwet at paa ko. Feeling ko magkakastiffneck na rin ako nito.
Napapitlag ako at binalutan ng napakalamig na pakiramdam ang buong katawan ko ng may isang kalabog na naman akong narinig. Isa na nasundan ng dalawa hanggang sa sunod sunod na kalabog. Sa sobrang takot ko ay niyakap ko ng mahigpit ang sarili ko at sumiksik malapit sa toilet bowl.
Hindi pa ba sila tapos sa pananakit sa akin?
Kulang pa ba na ikulong nila ako ng labin-dalawang oras sa madilim na CR na to?
Kulang pa ba na kunin nila ang mga damit ko?
Kulang pa ba ang pagtrato nila sa akin bilang isang basura? Isang patapon at walang silbi sa school na to?
Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa sulok. Natatakot na ako. At lalo akong nawalan ng pag-asa. Kahit minsan hindi ako naging masaya. Kailan nga ba ako huling tumawa? Di ko na matandaan. Dahil puro sakit at pighati nalang ang nararanasan ko sa buhay.
Pagkatapos ng isang napakalakas na kalabog ay isang napakalas na kalabog na naman ang narinig ko. This time, sa mismong pinto na ng cubicle na to.
"Miss Mess Abella? Are you there?" Sigaw ng isang lalaki sa labas. Lalaki? Bakit lalaki? May balak pa ba silang kunin ang virginity ko bago ako patayin? Oo, hindi ako takot mamatay pero ayokong marape no.
"Miss Mess Abella. Si Miss Agoncillo to. Please answer us. Are you there?" Sigaw naman ng isang babae.
Si Miss Agoncillo? Bigla akong nabuhayan ng loob kaya agad akong tumayo at kinalampag ang pinto.
"N-nandito po ako." Sagot ko sa kanila habang kinakalampag ang pinto.
"Oh my God. Manong sirain nyo po ang lock dito sa pinto. Sino ba naglagay ng padlock dito?" Miss Agoncillo.
Tahimik na nagbitaw ako ng pasasalamat sa Diyos dahil may dumating din para mapalabas ako dito. Akala ko dito na ako mamamatay.
Bumukas na nga ng tuluyan ang pinto at nakita ko ang dalawang bulto ng lalaki at isang bulto ng babae.
"Oh my. Who did this to you?" Nag-alalang tanong sa akin ni Miss Agoncillo at agad akong niyakap. "Mr. Oliveros, give her your jacket. Bilis." Sabi nya sa isang lalaki. Oliveros? Si Loki kaya to? Pinakatitigan ko ang lalaki pero ang labo talaga ng paningin ko.
Kumalas na sa akin si Miss Agoncillo. Kukunin nya na sana ang jacket sa kung sinumang Oliveros na ito pero di nya na nagawa dahil yung lalaki na ang kusang lumapit sa akin at walang pasubaling sinuot sa akin ang jacket na umabot hanggang sa tuhod ko.
"Loki Vester Oliveros! Why did you do that?!" Pagsaway ni Miss Agoncillo kay Loki. Omo. Si Loki nga! Ang crush ko. Bakit sya nandito sa school ganung kanina pa tapos ang klase? Di kaya nag-alala din sya sa akin?
Napayuko nalang ako sa sobrang hiya. Parang kanina lang kinakabahan ako dahil sa sobrang takot pero ngayon kinakabahan na ako dahil sa presensya ni Loki na katabi ko ngayon. Pasimple ko pa syang inamoy. Shocks. Mas mabango pala sya sa malapitan.
"Come here Mess. Mabuti pang sumabay ka nalang sa akin." Pag-aya sa akin ni Miss Agoncillo. Lalapit na sana ako sa kanya ngunit bigla nalang akong hinila ni Loki at inakbayan. Feeling ko namumula na naman ang buong mukha ko sa sobrang kilig.

BINABASA MO ANG
Messing with Mess
RomanceMess Abela is a third year college lass who is lack of friends. She is an introvert. She is the president of glee club but she never perform in front of everybody. She hates popularity, fame, riot, nuisance, scandals, and such. She always chooses to...