Three

2 0 0
                                    

It's been a month.

Sa loob ng isang buwan ay si Gabriel ang lagi kong kasama. Dahil sa nangyari nung gabing yun ay nagkaroon ako ng instant boy bestfriend. Ang sarap pala sa feeling na may kaibigan kang mapagsasabihan mo ng kwento mo.

Nandito ako sa cafeteria ngayon, hinihintay ko si Gabriel. Napag-usapan kasi namin na sabay kaming kakain ngayon. Mga limang minuto na nga akong nandito pero wala parin ang mokong na yun.

"Ang galing talaga nung sophomore na si Jane. I can't believe na ganun sya kagaling sa kama sa kabila ng mahinhin nyang kilos. I want to bed her again one of this day hahaha." Rinig kong sabi dun sa table nila Loki kaya nabaling ang tingin ko dun just to know kung sinong nagsabi nun. Si Luhan pala. Nakathumbs up sa kanya si Mikee habang tinapik tapik naman ni Lawrence at Buzzley ang balikat nito. Tsk. Why do people love encouraging someone who did something wrong? Kaya di tumitino kasi may sumusulsol e. Napailing nalang ako at nabaling ang tingin kay Loki.

He looks intently into my eyes kaya bigla akong nailang. Simula nung gabing iniwan nya ako ay di na ako nag-effort pa na magpapansin sa kanya. No cookies and no love letters na din simula nung napagdesisyonan ko ng tigilan na ang kahibangan sa kanya. Salamat kay Gabriel dahil kahit papaano nakakalimutan ko ang ginawa ng barkada ni Loki at ng iba pang estudyante sakin. And speaking of Gabriel, sa wakas dumating na din sya.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nya pag-upo na pag-upo nya. "Mga five minutes lang." Sagot ko sa kanya. Napatitig ako sa jacket nya kasi parang familiar sakin. Napansin nya ata kaya ngumiti sya sakin. "Bagay ba sakin? Pumogi ako lalo no?" Tanong nya at nagtaas baba pa ang kilay. Haays nasanay na rin talaga ako sa kayabangan nito minsan. Well, totoo naman yung mga pinagmamayabang nya. Exaggerated nga lang yung iba.

"Oo bagay sayo. San mo ba nabili yan?" Tanong ko pabalik na ikinakunot naman ng noo nya. "Anong nabili? Ito yung suot mo nung nakita kitang nakabulagta ka sa kalsada, inalbur ko lang. Tsk ulyanin ka talaga. Nasan na yung lunch natin?" Sagot nya.

Parang wala sa wisyo kong inabot ang lunchbox dahil sa sinabi nya. Ibig sabihin ang jacket na suot ni Gabriel ngayon ay kay Loki. Nakalimutan ko na kasi yun. Kaya pala familiar sakin. Patay. Nandito si Loki at kita nyang suot ni Gabriel ang jacket nya. Baka bigla nyang sugurin si Gabriel tapos mag-aaway sila dito sa cafeteria then vivideohan sila ng mga journalist namin dito tapos kinabukasan headline na ng school newspaper namin ang dalawa sa pamagat na Football captain Loki Vester Oliveros and Campus Bad Boy Gabriel Banzon turn into a fight over one jacket. Haaays ang lame naman ng reason.

"Natulala ka dyan? May nambully na naman ba sayo?" Nag alala nyang tanong kaya mabilis akong umiling.

"Wala. Wala. May naalala lang ako." Sagot ko. Tumango sya at kumalma bago binuksan ang lunchbox.

Napabuga nalang ako ng hininga. Di na siguro papansinin pa ni Loki ang jacket nya kasi naalala ko wala na syang pakialam dito. Sumulyap ako sa pwesto ni Loki pero sinamaan lang ako ng tingin nito. Luh, anong ginawa ko?

"Say aaah." Utos sa akin ni Gabriel. I give him a confusing look. "Anong trip mo?" Tanong ko.

"Gusto kitang subuan kaya say aah na." Sagot nya at inutusan ako ulit. Napatingin pa ako sa paligid just to check how people look at us right now. Nakita ko yung iba na umirap sakin, yung iba naman ay inismiran ako, at yung iba ay pinagtaasan ako ng kilay. Nailang tuloy ako lalo dahil sa mga tingin nila. Haays ano bang nakain nitong lalaking to at trip akong subuan?

"Say aaah na bilis." Pangungulit nya kaya sinubo ko nalang agad yung pinapasubo nya. "See? Ang sarap ng luto mo diba?" Tanong nya sakin kaya tumango nalang ako at nagthumbs up. Di nya narin pinansin pa ang bulong-bulongan ng mga estudyante dito sa cafeteria at nagpatuloy nalang sa pagkain kaya ganun narin ang ginawa ko.

Messing with MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon