I woke up with a big smile plastered all over my face.
Even my sisters are wondering what is happening to me. Nginitian ko nalang sila at di nalang pinansin pa ang pagsusungit nila sa akin.
"You're crazy." Komento ni ate Roxette bago pumasok sa kotse. Di ko nalang sya pinansin at nag umpisa ng magpedal sa bike.
Pagkatapos kong ipark ang bike ko ay masaya kong tinahak ang daan papunta sa building namin. Sa sobrang saya ko ay di ko na napansin pa ang mga estudyanteng nangungutya sa akin.
"Oh Miss Mess Abela. Napag-isipan mo na ba yung pinakiusapan ko sayo?" Bati sa akin ni Miss Agoncillo.
"Pinag-iisipan ko pa po Miss. But I will tell you as soon as possible po kapag nakapagdesisyon na ako." Masayang sagot ko sa kanya. She smiled for a while at tinignan ako ng mapanuring tingin.
"You look so happy today. Anong meron? May inspiration ka na ngayon no?" Usisa nya at inasar ako. Natawa nalang ako at umiling.
"Wala po. Maganda lang po talaga ang tulog ko kagabi."
Di nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kilig.
"Hmmmm. Di ako naniniwala. Anyways, just go to the club if you're already decided okay? May klase pa ako. Una na ako." Paalam nya at nauna ng umalis.
Tuluyan na nga akong pumasok sa room at tahimik na umupo sa arranged seat ko.
I am patiently waiting for our professor when I hear my phone beep. Di ko pala nasilent to.
I took out my phone and open the message. Si Gabriel pala.
From: Gabriel
Message: Yung blue berry chesse cake ko ah.Napailing na tumawa ako at nagreply.
To: Gabriel
Message: Yes boss. Ito na nga e, dala ko na PO.I replied as I give emphasize to the word PO. Ang takaw talaga ng lalaking yun. Feeling ko malulugi ako dahil sa lakas lumamon ng lalaking yun. Buti nalang at nagpresinta syang sya ang sasagot sa lunch namin.
Di na sya nagreply. Nag-umpisa na siguro ang klase nila kaya nilapag ko nalang ang cellphone ko sa desk ko.
Ilang sandali lang ay nagbeep na naman ang phone ko kaya kinuha ko to.
From: Unknown
Message: Meet me up after class - LokiHmmm? Kailan lang sya nagkaroon ng number ko? At saan naman kami magkikita?
Di na ako nagreply dahil biglang pumasok ang professor namin. Pinasok ko nalang ang phone ko sa bag at nagfocus sa discussion.
"Ito lang?" Reklamo ni Gabriel nung inabot ko sa kanya ang maliit na tupper wear na may lamang order nya na blue berry cheesecake. Pinagtaasan ko sya ng kilay sa tinuran nya. Minsan talaga sarap kutusan ng lalaking to.
"Isupalpal ko kaya sayo yan? Makareklamo to." Naiinis na sambit ko sa kanya at pinandilatan sya ng mata. Sa kanya lang talaga ako ganito, nagiging brutal at sadista ako kapag itong lalaking to ang kasama ko. Sobrang mareklamo, mayabang, at demanding kasi. Tapos ang hilig pa sa gulo.
Pero kahit ganun sya, isa sya sa pinakamahalagang tao para sa akin. He is my very first bestfriend. Matino naman sya minsan. Iba rin kapag nagseryoso to kasi tatatak talaga sa isipan ko ang mga sinasabi nya. Kaya kahit minsan panay ang order nya ng kung ano ano sakin okay lang. Tiklop naman angas nya kapag ako na nagseryoso. Baluktot kaya buntot nyan kapag ako na ang naiinis.
Kaya ayan sya ngayon, nakanguso habang sinusubo ang blue berry chessecake na gawa ko sa kanya. Parang bata talaga to minsan.
"Nagtanong lang naman ako e." Sabi nya pa na para bang kinokonsensya nya ako.
BINABASA MO ANG
Messing with Mess
RomantizmMess Abela is a third year college lass who is lack of friends. She is an introvert. She is the president of glee club but she never perform in front of everybody. She hates popularity, fame, riot, nuisance, scandals, and such. She always chooses to...