Chapter 7: What's Happening?

5.9K 121 12
                                    


Miggy's POV

"Sir, this one is a chemical change" sabi ng isa kong estudyante na parang nanlalandi

"You may think that everything is caused by Chemical changes. But try to appreciate it again. Not every process involves a Chemical Transformation" I explained

Tinitingnan ko naman ang experiment na ginagawa ni Jarry. She picked up a small piece of zinc with crucible tongs and heated it over the Bunsen burner.

"Let me do it'' alok ni Lester

"Ok." While holding it. The Zinc beginning to changed, he placed the residue into the beaker of water. Then the Zinc melt.

"According to Hunter S. Thompsom When the going gets weird, the weird turn pro" he said while staring at Jarry. Parang may ibig pa yata itong ipakahulugan. Naningkit ang mga mata ko.

"And what do you call that changes happened, Mr. Yu?" singit ko.

"It was a chemical change, Sir" he answered

"Ang galing talaga ng Lester ko"

"How about you, Jarry?"

"It's a Physical change"
Napatingin naman sa kanya si Lester. Magkaiba sila ng sagot

"Bat ganun ang sagot niya?"

"Nagsasalita siguro ng tulog. Haha"

"And why is that so?"I asked

"Huh! She can't answer it"

"Yeah, right!"

"Generally, Chemical changes involve the release or absorption of heat..." she answered "A color change, the formation of a precipitate, by the combination of two solutions or a change in chemical or physical properties. But this experiment is a physical change because no heat is given off or absorbed, the color of material rarely changes, no precipitates are formed, and the chemical properties of the resulting compound are the same as those of the reagent" napangiti ako.

Napatunganga ang mga estudyante sa kanya. Titig na titig naman si Lester. Inaasahan ko na rin na makakasagot siya.

Nakikita ng iba na lagi siyang tulog sa klase. Halos hindi siya nagpaparticipate PERO lahat ng quizzes at Exam na binibigay ko ay almost perfect. Hindi nila alam ang bagay na yun, dahil hindi ako mahilig mag anounce kung sino ang nakakuha ng mataas na marka. Yun din ang dahilan kung bakit hinahayaan ko na rin siya matulog sa klase ko.

"Very well said, Ms. Cheng!"

Lans's POV

"Ano bang pinaplano ng tukmol na yun?" Sabi ni Jasper habang pinagmamasdan namin si Lester na Kumakain kasama si Jarry Cheng dito sa loob ng Cafeteria.

"Hanggang ngayon ay naiinggit parin siya kay Zark. Kaya, sinasamantala niya ang pagiging magkakaklase nila ni Ms. Bal?"

"Anong Bal na sinasabi mo?" takang tanong ni Jasper

"BAsketball gaL" sagot ko

"Huh! Let them be"sagot ni Zark, saka tumayo at umalis. Sigurado akong apektado si Zark sa ginagawa ni Lester.

Matagal ng magkaibigan sina Lester at Zark pero nagkaroon sila ng iringan dati dahil sa isang babae.

Nitong mga nakaraang araw ay nagbago si Zark. Naging mas dedicated siya sa basketball. Lagi siyang Energetic at pursigido. Kaya may hinala kami na ang babaeng yun ang dahilan.

Kaya eto, gusto naming mapalapit kay Ms. Bal para na din mailapit namin siya kay Zark para tuloy tuloy na ang pagiging inspirado nito. Pero, eto namang si Lester, Nilalayo niya si Ms. Bal sa amin. Sinabi niya pang girlfriend na niya ito.

My Wife Is My StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon