"Oh? Red day arrived?"I looked at Kian who's currently grinning at me and gave him a glare. Tumikhim siya at siniko ng bahagya si Akisha.
"Pupunta ka ba mamaya, Kaye? Mukhang pangit ang pakiramdam mo ngayon."mahinang sabi ni Kisha.
"Hindi lang pakiramdam ang pangit, pati mukha, ang pangit! Parang constipated-- ayy, ang ganda ng panahon ngayon, 'no?"Kian suddenly changed his words when I looked at him, irritatedly.
Ngumisi si Akisha sa gilid at pinigilan ang tumawa gamit ang pagkagat ng labi. Humiga ako sa damo at tinakpan ang mata gamit ng braso para hindi ako aatakihin ng migraine.
We are currently here in the hospital's wide ground in front. Pinatong ko ang ulo ko sa aking isang braso at walang pakialam sa suot ngayon.
Nakasuot pa kasi ako ng scrub suit namin. Actually, it's my free time before my next shift so I have a time to think about the party tonight.
"Nakapag-move on ka na ba talaga, Kaye?"biglang tanong ni Akisha sa gilid.
I looked at her with my raised eyebrows and heaved a deep breath.
I already asked myself about that but I cannot answer. Ang alam ko lang ay nakamove-on na ako dahil iyon ang kailangan. I need to move on, especially right now that he has Doctora Diane. Hindi ko kayang maging third party.
"Yeah. Why would you ask such question, Aki? It's obvious."ani ko, nakatingin sa itaas.
I saw how the clouds moved from right to left. I saw how the birds fly with their wings in the sky and it relaxed me just by looking at them. It somehow made me rest from all the works that pile in my schedule.
Niyakap ni Aki ang kaniyang mga binti at pinatong ang baba sa tuhod. Si Kian naman ay binaluktot ang isang paa habang ang isa ay tuwid sa bermuda at saka niya niyakap ang kaniyang isang binti na naka baluktot.
"Oo, obvious. Obvious na obvious na mahal mo pa siya. You didn't move on like what you said... at all."ani Aki at ngumisi.
Umirap ako. Why is she insisting?!
"Hindi na nga. I already moved forward from the past, especially the consequences that happened between Ace and I. Stop insisting and just trust my words, you know."ani ko at umirap ulit.
Hindi naman talaga mawawala ng basta basta ang pagmamahal ko sa kaniya. Masasabi ko nalang talaga ay nakamove-on na ako sa lahat ng mga nangyayari at wala akong balak na balikan iyon. Hell no!
Akisha and Kian stayed silent until the last drip of our free time. Dumiretso ako sa opisina ko at kinuha ang mga gamit bago naground sa mga ward.
"Do you feel anything weird with your stomach?"I asked the last patient I will visit.
Isa itong batang babae at nagkaroon ng ulcer sa tiyan. I pitied her because she experienced that kind of pain in an early age.
"Wala naman po, doc. I felt fine these past few days,po."aniya na nakangiti.
Ngumiti ako at hinimas ang buhok niyang manipis.
"Kain ka ng marami, okay? Eat healthy foods especially vegetables and fruits, okay? Sabihin mo sa Mama mo na bumili ng maraming ganoon para malusog ka at makakalabas ka na dito."nakangiti kong ani 'tsaka hinimas ulit ang buhok niya.
Tumango siya kasabay ng pagpihit ng door knob.
"Good noon, baby-- Oh! Doctora Velasco!"ani Doctora Diane at saka kumaway. Ngumiti ako at tinignan kung sino ang nasa likod niya.
Napanis ang ngiti ko nang pumasok si Ace na may dalang prutas. Tumikhim ako at binalingan ang bata na nag-aabang sa amin.
"Baby girl, I will leave you here with them, okay? Wait for your Mom and also eat in time. Tapos ka naman na kumain, diba?"I asked the girl and smiled sweetly.
YOU ARE READING
Luck with you, Ace (Villamor Cousins Series #2)
RomantikBeing the only Maria in their family, Kaye has to study hard without failing her love-ones. She's been studying hard for her father to appreciate her as well, not just her older brother. She studied hard but all she got from her father wasn't expect...