Nililipad ng hangin ang ibang hibla ng buhok ko. Nandito ako ngayon sa soccer field ng school namin, dito sa ilalim ng puno ang gustong gusto ko na pwesto. Tahimik. Mahangin. Walang isturbo. Walang Bully.
Restricted kasi ang soccer field eh, pero dahil kaibigan ko naman ang guard dito ay pinapayagan nya akong tumambay basta daw hindi ako makikita ng kahit na sinong school staff.
Ayoko kasing tumambay sa cafeteria, mabubully lang ako dun. Ayoko din sa library, di naman ako mahilig sa libro.
Oo, binubully ako dito dahil sa hitsura ko. Ang laki lang talaga ng problema nila sa mukha ko. Siguro nung nagpasabog ng kagandahan si Lord, ang sarap siguro ng tulog ko.
Maganda naman sina Mama at Ate Jesel, pogi din si Papa at Kuya Alex. Ampon ata ako. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko nasabi na ampon ako. Sige idedescribe ko ang sarili ko, marami akong pimples sa mukha na halos sila na ata ang nakatira dito. Near sighted ako kaya kailangan kong magsuot ng eyeglass na bigay ng lola ko, kaya hindi ako nagpapabili ng bago. Sira sira ang ngipin ko kaya pinalagyan ako ng braces ni Mama. May buhok ako na abot hanggang bewang pero laging nakapusod, di kasi ako mahilig magsuklay maya pinupusod ko na lang. Hinihingi ko ang mga pinagliitan ni kuya ng damit kaya sobrang laki naman pag ako ang nagsusuot, gusto ko kasi yung malalaking tshirt eh.
Naiimagine nyo na ba ang pagmumukha ko? Kung hindi pa, basahin nyo ulit yong description ko sa sarili ko.
Narinig ko na ang bell hudyat na tapos na ang Lunch break. Tumayo na ako sa pagkakaupo at umalis na don bago pa ako maabutan ng mga players na magpapractice.
Nakayuko lang ako habang naglalakd sa corridor. Ayokong mapansin nila ako at ibully.
"Tabi!"
Bigla na lang akong nabangga ng kung sino kaya ending napaupo ako sa sahig. Sino ba naman 'tong Ponchong Pilato ang bumangga sa akin? Napatingin naman ako sa tuhod ko at may nakita akong gasgas.
"Okay ka lang miss?"
Narinig kong sabi ng kung sino at nung inaangat ko ang aking tingin ay napahinto ako.
Si Azi!
Azi Jae Buenacosta. Ang nag-iisang inspirasyon kong pumasok sa school! Isang Captain Basketball player at ang pinaka gwapo sa paningin ko.
"Ah.. Miss?" Napakurap ako ulit at pinisil ko pa ang pisngi ko. Sana hindi ako nananaginip.
"A-aray." Masakit, totoo nga pala.
Inilahad ni Azi ang kanyang kamay kaya di na ako nagpakipot pa at tinanggap ko ito.
Pagkatapos nya akong tulungan makatayo ay ngumiti muna ito bago naglakad paalis. Waah! Hindi ako maghuhugas ng kamay forever! First time nyang hinawakan ang mga kamay ko!
Kinagabihan. Sabay sabay kaming kumain ng Dinner. Kahit busy si Papa sa Company namin ay umuuwi pa rin ito para sabay kaming lahat kumain.
"How's school Ady?" Tanong ni Papa sakin habang patuloy pa din kumain. "Ayos naman Pa." sagot ko kaagad sa kanya.
"Ikaw Jesel, di ka naman nahihirapan dyan sa pag momodelling mo?" Baling ni Papa kay Ate Jesel, isa nga palang Model si Ate Jesel.
"Nope, I'm fine Pa." Nakangiti namang sagot ni Ate Jesel. Minsan naiinggit din ako kay Ate Jesel, kasi sya may confident sa sarili. Kaya nyang dalhin ang sarili nya. Maganda sya.
Alas Dyes na ng gabi at hindi pa din ako makatulog, bumangon ako sa pagkakahiga. Napadungaw ako sa bintana ko at tiningnan ang kalangitan. Ang peaceful tignan ng langit ngayon, madaming butuin na kumikinang.
Sa aking pagmamasid ay may nakita akong shooting star.
"Sana gumanda din ako katulad ni Ate.."
BINABASA MO ANG
Switched
Short StoryPaano kung magkapalit kayo ng kaluluwa ng taong sikat sa school nyo?