Nandito ako sa kwarto ni Andrea, I mean yong totoong Andrea. Naalala ko ulit ang napag-usapan namin sa bahay kanina.
"May paraan ba para bumalik tayo sa dati?" Tanong sa akin ni Andrea.
Napatitig naman ako sa kanya, galit ako sa kanya dati dahil binubully nya ako pero nang makita ko sya ngayon na sobrang frustrated sa sitwasyon namin, nakaramdam tuloy ako ng awa. In the first place ay kasalanan ko ito, nadamay lang sya. Pero kasi di ko naman hiniling na ipagpalit kami ng kaluluwa eh.
"Babalik ako kina Lola sa weekend, tatanungin ko sya kung may paraan ba para mabawi ko yong winish ko." Sabi ko na lang sa kanya.
"Hindi ba magtataka ang Lola mo? Baka nakakalimutan mo na katawan ko ang ginagamit mo ngayon."
Shocks! Oo nga pala, siguradong magtataka si Lola kung pupunta ako don, napatingin naman ako kay Andrea."Isasama kita syempre, Lola mo yon sa ngayon kasi ikaw ako."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko, andito na 'to. Ang kailangan na lang nating gawin ay maghanap ng paraan para bumalik to sa dati. Tsaka ayoko nga sa pagmumukha mo 'noh. Wala ba sa bokabularyo mo ang pag-aayos?" Nanlait pa talaga sya. Di mo na ata mawawala sa kanya ang pagkamaldita nya. "Ingatan mo yang katawan ko ha, pag may nangyare dyan! Naku!" May pagbabanta pang nangyayare.
Ayun nga, dahil Tuesday pa bukas may apat na araw pa kami bago pumunta kina Lola. Sa ngayon, hahanap muna kami ng ibang paraan. Kung ano man yun, hindi pa namin alam.
Kakababa ko lang sa sasakyan namin nang makita ko si Andrea. Napag-usapan namin ang update sa isa't isa, lalo na sa acads.
Lumapit agad ako sa kanya, at sabay kaming naglakad.
"Mamayang uwian, dadaan tayo don sa fountain sa Mall. Kung saan ako nag-wish, baka may pwede tayong magawa dun." Suggest ko sa kanya. Tumango naman sya.
"Andrea, what's the meaning of this?"
Sabay kaming napahinto ni Andrea dahil hinarangan kami nila Abby, friends ni Andrea.
"May pinag-uusapan lang kami." Sagot ni Andrea sa kanila. Ako dito tahimik lang.
"At bakit ikaw ang sumasagot, ikaw ba si Andrea?" malditang saad nito at bumaling sa akin, Ay! Ako nga pala si Andrea ngayon, nakalimutan ko."Andrea?" Nag aabang sya sa isasagot ko.
Ngumiti ako bago sumagot,"May pinag-uusapan lang kami Abby."
Nagulat pa sya sa sinagot ko, eh same lang naman kami ng sinabi ni Andrea ah?
"Nag-iba na ba ang ihip ng hangin ngayon beh? Ba't ngayon naging close mo pa yang pangit na yan?" Duro nya pa kay Andrea. Nako! Nagkakamali ka ng binangga girl, si Andrea yang dinuduro duro mo.
Pero syempre, dahil ako nga si Andrea ngayon. Mag aala-artista ako.
"Mag-ingat ka sa dinuduro duro mo girl." Tumingin naman ako kay Andrea at hinila na sya.
Andito kami sa soccer field ngayon, ang tambayan ko. Sinama ko si Andrea dito, ay mali! Ako pala ang sinama nya kasi nga nasa katawan nya ako.
Kanina ko pa napapansin ang pagtatahimik ni Andrea.
"Ganito pala ang feeling.." Narinig kong mahinang bulong nya. Ang lakas ng pandinig ko, bulong nya lang rinig na rinig ko pa. Tumingin sa ako sa kanya na nagtataka. Bumuntong hininga sya bago nagsalita ulit. "Ganito pala ang feeling na binubully."
Naguilty naman daw ako, kasi kung di kami nagpalit di nya mararanasan ang ganyan.
"Pasensya na pala sa mga nagawa ko sa iyo noon."
Laglag panga ako ng marinig ko sa kanya yon, si Andrea Buenacosta. Humihingi ng pasensya sa akin?
"Wow." Yun na lamang ang nasambit ko, at for the first time nakita ko ang sarili ko na ngumiti.
Ang pangit pa din.
BINABASA MO ANG
Switched
Short StoryPaano kung magkapalit kayo ng kaluluwa ng taong sikat sa school nyo?