Chapter Three

12 0 0
                                    

Tok! Tok!

"Andrea, gising na baka mahuli tayo."

Nananaginip ata ako, dahil naririnig ko ang boses ni Azi.

"Hmmm.."

"Andrea, pag di ka pa bumangon dyan ako magpapaligo sayo!"

Napamulat agad ako ng aking mga mata at isang pink na kisame ang aking nakita. Wait, Pink? Sa pagkakaalam ko Neon Blue ang kulay ng aking kwarto.

Bigla akong napalingon sa pintuan ng bumukas ito at nakita ni si Azi..

Si Azi?

Anong ginagawa ni Azi dito?

"Gising kana pala, di ka man lang sumagot. Maligo kana at nakahanda na ang agahan, Andrea."

Andrea

Andrea

Napalingon naman ako sa kabuoan ng kwarto at napagtanto ko na wala ako sa sarili kong kwarto at tiningnan ko si Azi. Kung nandito si Azi, ibig sabihin..

Nasa bahay ako ng mga Buenacosta?

"Ano nga ulit ang tawag mo sa akin?" Tanong ko sa kanya, nagtaka naman ito at parang inisipan akong baliw. Mababaliw talaga ako dito pag nakumpirma kong wala ako ngayon sa katawan ko.

"Bangag ka ba Andrea? Maligo ka na, kung ano naman tinatanong mo." Sabi nito sabay labas sa kwarto ko.

Oh no.

Napatingin naman ako sa mga kamay ko, ang lambot!

Napahawak naman ako sa mukha ko, ang kinis!

Dali dali akong pumunta sa bathroom at humarap sa salamin.

No way!

Grabe ang laki pala talaga ng bahay nila Andrea!

Tapos na akong maligo at ngayon ay nakabihis na ako ng uniform, bagay talaga sa kanya ang uniform namin. Ang ganda ng katawan nya eh.

Kanina habang naliligo ako, iniisip ko kung bakit at papaano ako napunta sa sitwasyon kong ito. Papaanong nasa katawan ako ni Andrea? Nasaan ang totoong Andrea?

Wait, kung nandito ako sa katawan nya. Siguradong nanduon sya sa katawan ko!

Nandito ako ngayon sa kotse ni Azi.. err tatawagin ko ba syang Kuya? Never ko pa naman pinangarap na maging Kuya sya.

Bumaba na sya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Ang gentleman talaga.

Naglalakad na ako papunta sa room ko. Sanay akong napapatingin ang mga estudyante sa akin sabay tawanan na animo'y may katatawanan. Pero iba ngayon, nakatingin sila pero ngumingiti.

Pumasok na ako sa classroom, at napansin kong tumahimik ang mga kaklase ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila.

"Diba Section A ka, Andrea?" Tanong ni Sam, ang isa sa mga maldita kong kaklase.

Section A?

Ops! Wrong room pala. Hindi pala ako si Ady ngayon. Shocks!

Dali dali naman akong lumabas ng room at pumunta sa room nila Andrea.

Mamaya kakausapin ko si Andrea, baka may alam sya kung ano ang nangyayare.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon