Chapter Four

13 0 0
                                    

Recess Time at nandito ako sa labas ng room namin, I mean. Ugh! Papaano ko ba sasabihin, nasa labas ako ng room ko dati. Sa room ni Ady, wait! Ako pa din yun ah! Hayst! Pati ako nalilito na.

Nagtataka ang mga kaklase kong papalabas ng classroom kung anong ginagaw ng isang Andrea Buenacosta dito.

Nagtanong ako sa isang kaklase ko na si Joy, tulad ko binubully din sya. Nerd din kasi sya. Pero di kami friends.

"Pumasok ba si And-- I mean si Ady?" Muntik pa akong magkamali, Ano yon? Hinahanap ko ang sarili ko? Eh yun naman talaga eh. Mukha na akong baliw.

"H-hindi sya p-pumasok." Nauutal pang sabi nya habang nakayuko. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Nagulat pa nga sya dahil ang isang Andrea Buenacosta kinausap sya, nginitian, at pinasalamatan. Pag totoong Andrea 'to puputi na lang ang mga uwak di ka papasalamatan nun.

Kung hindi pumasok si Andrea. Siguradong nasa bahay pa yun.

Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa bahay, nakasalubong ko pa nga si Azi at tinanong kung saan ako pupunta. Sinagot ko na lang na pupuntahan ko yong kaibigan kong may sakit, nagtataka naman ang kanyang mukha sa sinagot ko.

Gusto ko sanang kiligin eh, kasi ang lapit lapit na ni Azi sa akin. Pero nasa katauhan ako ni Andrea, ang awkward naman non pag kikiligin ako sa sarili kong Kuya. Iniimagine ko nga kay Kuya Alex, kinikilabutan ako.

Pumara ako ng taxi at bumaba sa harap ng bahay. Nagdoorbell agad ako. Nakita ko namang lumabas si Mama at bigla akong napatalikod.

Jusko! Ano ba sasabihin ko? Ikaw naman kasi Ady nagpadalos dalos ka, tandaan mo wala ka sa sarili mong katawan.

"Anong kailangan mo, iha?" Narinig ko ang boses ni Mama kaya napaharap ako.

"Nandyan po ba si Ady?" nahihiya ko pang tanong.

"Oo, kaibigan ka ba nya? Hindi sya pumasok eh. Masama ata ang pakiramdam, nagkukulong sa kwarto. Halika pasok ka." Nakangiti nitong saad at binuksan ang gate namin. "Ngayon lang may nagbisita kay Ady, wala kasi akong kilala na kaibigan nya. Nag-aalala tuloy ako sa kanya baka inaapi na sya doon sa school nila." Kung alam mo lang Ma.

"Pwede ko po ba syang puntahan?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito, at maghahanda lang daw sya ng merienda. Nagmamadali naman akong umakyat papunta sa kwarto ko at kumatok.

"Sabi ng gusto kong mapag-isa eh." rinig kong sabi nya mula sa loob.

Lumingon lingon muna ako sa paligid at sinigurado na walang tao bago magsalita.

"Andrea.."

Wala pang isang minuto ay bumukas ang pinto at tumambad sa akin si And-- ang sarili kong mukha.

Hinila ko sya papasok ulit sa kwarto, ni-lock ko muna ito bago ko sya hinarap.

"Ikaw ang gumawa nito no? Mangkukulam ka ba? Bakit nandito ako sa katawan mo?" Deri-deritsong tanong nito.

"Hindi ko alam Andrea, kahit ako nagulat paggising ko nasa ibang katawan ako!" sagot ko sa kanya.

"If I know, gustong gusto mo yan! Ibalik mo ito sa dati!" Naiinis na sabi nya.

"Hinding hindi ko ginusto 'to! Ang hiling ko lang gumanda din ako minsan, pero sa sarili kong katawan hindi sa iba."

Napatulala naman sya, "You wish what?" takang tanong nya.

"Humiling akong maging maganda kahit minsan lang." Mahina kong sabi pero alam kong rinig nya ito.

"Oh My God! Ano? Ganito na lang ba? Hindi na ba 'to mababalik sa dati?" naguguluhan nyang tanong na kahit ako hindi ko alam kung anong gagawin.

Tok tok

"Anak, anong nangyayare. Bakit narinig ko kayong nagsisigawan? Buksan mo 'tong pinto."

Nagkatitigan kami ni Andrea at dahan dahan akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Lumapit kaagad si Mama kay Andrea at niyakap ito, napansin ko namang napatigil si Andrea.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Mama sa kanya. Tumingin muna sa akin si Andrea, "W-wala po, N-namiss lang n-namin ang isa't isa." sagot nya na medyo nauutal pa, ngayon ko lang syang narinig na nauutal. "Akala ko naman kung ano, sige maiwan ko muna kayo. Nagdala ako ng merienda para sa inyo." sabi ni Mama sabay labas nito sa kwarto.

Bigla namang napaupo si Andrea sa kama.

Pano ba kasi nangyare ang lahat ng ito?

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon