Friday ng hapon tumawag sa akin si Andrea, inatake daw sa puso ang Lola ko at naconfine daw ito sa Hospital.
Kinaumagahan pumunta ako don mag-isa. Nauna na kasi sila Andrea, sinama sya ni Mama papunta dun.
Andito na ako sa labas ng kwarto ni Lola, tinext ko kaagad si Andrea na nasa labas na ako. Baka pag pumasok ako bigla magtaka sila kung anong ginagawa ko dito.
"Okay na daw ang kalagayan ng Lola mo, rinig kong sabi nung Doctor." Balita sa akin ni Andrea, nakaupo lang kami sa isa sa mga bleachers dito sa Hospital.
Napahinga naman ako ng malalim, akala ko may masamang nangyari kay Lola.
"Sabi din ng Doctor bawal ma stress ang Lola mo", napatingin naman ako sa kanya "huwag na kaya muna nating tanungin ang Lola mo, baka makasama sa kalusugan nya." Dagdag pa nito, nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Tama naman sya, baka ma stress si Lola pag tinanong namin kung pano kami babalik sa dati, saka na lang siguro pag tuluyan na syang gumaling.
Sabay na kaming bumyahe ni Andrea pauwi, nagpaalam sya kay Mama. Gusto ko nga sanang pumasok at kamustahin si Lola kaso baka magtaka sya kung sino ako, saka na lang siguro. Babalik pa naman ako dito eh.
Habang nasa byahe kami ni Andrea biglang tumunog ang cellphone ko, napansin ko namang napagawi sa deriksyon ko si Andrea.
Kinuha ko sa bag ang cellphone at nakita kong may nagtext.
You have one new message.
"May nagtext." Pinakita ko kay Andrea ang cellphone at kung sino ang nagtext, biglang nanlaki ang mga mata ni Andrea at hinablot bigla ang cellphone.
"Oh my God! Ady!" Sigaw ni Andrea sa akin kahit magkatabi lang kami, anyare?
"Nagtext si Marco!" Gulat pa ding saad nya sa akin. So kung nagtext si Marco anong meron? Tsaka sino ba si Marco?
"Sino ba si Marco?" takang tanong ko sa kanya.
"Ang ultimate crush ko ever since! My childhood sweetheart, my gosh! Nasa Pilipinas na pala sya, and gusto nyang makipagkita sa akin!" Hindi mawala sa mga labi ni Andrea ang ngiti, kahit ako nga napangiti din eh.
Pero biglang napawi ang kanyang mga ngiti na ipinagtaka ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Ikaw pala ang makikita nya, hindi ako." Malungkot sa saad ko sa kanya.
Bigla ko namang naalala ang sitwasyon namin, ibig sabihin ako ang makikipagkita dyan sa ultimate crush ni Andrea?
"Ano ka ba, ikaw pa din naman 'to ah. Alam ko na, isasama na lang kita sa pagkikita namin ng ultimate crush mo." Nakangiti kong saad sa kanya.
"Parang third wheel ganun?"
"Pwede ko namang isama si Azi eh." nakangiti ko pang suhestyon sa kanya yon.
"Excuse me? Magiging ka date ko ang Kuya ko? No way!" reklamo pa nito.
"Eh ayoko namang makipagkita sa ultimate crush mo nang mag mag-isa."
Napaisip naman sya ng malalim.
"Argh! Iniisip ko pa lang na makadate ang kuya ko kinikilabutan ako!"
Kinabukasan linggo, nagpasama ako kay Andrea na bumalik sa hospital kung saan nakaconfine ang Lola ko. Gusto ko kasi syang makita. Hindi ko naman pwedeng puntahan sya don ng hindi kasama si Andrea.
Walang tao sa kwarto pagkadating namin, maliban syempre kay Lola na nakahiga sa hospital bed at madaming aparatong nakakabit.
Medyo nangangayayat pala si Lola, kumakain kaya ito tatlong beses sa isang araw? Isang kasambahay lang ang kasama ni Lola sa bahay nya, gusto nga ni Mama na don na lang sa amin sya tumira pero umayaw sya dahil hindi nya kayang iwang ang bahay kung saan ang mga alaala ng yumao kong Lolo.
Hindi ako masyadong close sa Lola ko, pero hindi din ako mailap sa kanya.
Tumambay muna kami ni Andrea sa isang cafe. "Alam pala ng Kuya mo na uuwi yong Marco mo." Sabi ko sa kanya at naalala ko naman ang sinabi nya kagabi.
Papaakyat na sana ako sa kwarto ni Andrea ng tawagin ako ni Azi.
"Andrea.."
Lumingon ako sa gawi nya, hindi na ako nagsalita dahil baka mautal na naman ako. Pigil na pigil nga akong ngumiti baka kasi magmukha na akong tanga. Ngumingiti sa wala.
"Dumating na pala si Marco, magkikita daw kayo?" tanong neto.
So kilala pala nito si Marco. Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba sya kung gusto nyang sumama. Gosh! Ady! Bawal kang kiligin.
"Hmm.." Tumango lang ako sa kanya.
Nagtaka naman ito sa naging sagot ko, bigla na lang akong nagpaalam at sinabi kong inaantok na ako.
"Nagtanong ba sya? Ano sinabi mo?" curious na tanong ni Andrea.
"Tumango lang ako at pumunta na sa kwarto mo. Hindi ko kayang nasa paligid si Azi, Andrea! Kinikilig ako!" napatakip pa ako sa aking mga mata at nakita ko pang napa rolled eyes naman si Andrea, teka may napansin lang ako.
"San eyeglass ko?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Syempre tinago ko, di ako kumportable kaya nagpabili akong contact lense sa Mama mo. Gulat na gulat nga sya eh." sabi pa nya sabay sipsip sa inorder nitong kape.
"All my life I've been using glasses! For sure nagtataka yun. Ilang beses na kaya nya akong tinanong kung gusto ko ba daw ng contact lense."
"Alam mo may napansin ako.." bitin pang sabi nya kaya inabangan ko ang idudugtong nya.
"Maganda ka naman kung nag-aayos ka lang eh."
BINABASA MO ANG
Switched
Short StoryPaano kung magkapalit kayo ng kaluluwa ng taong sikat sa school nyo?