Chapter Ten

7 0 0
                                    

"No Way! Bakit si Kuya pa ang magiging kapartner ko? Jeez! Ngayon pa lang kinikilabutan na ako Ady!" kanina pang reklamo ni Andrea sa akin.

Kahit ako hindi ako makapaniwala, ngayon lang sya nag audition sa mga ganito.

"We need to do something Ady! Kailangan na talaga nating bumalik sa dati." suhestiyon ni Andrea sa akin.

"Pupuntahan natin si Lola mamaya, baka pwede na syang makausap." sabi ko at napatango na lang si Andrea.

May practice agad sila Andrea mamaya pagkatapos ng klase sa gaganapin na Play. Kaya ako na lang mag-isa ang pupunta kay Lola sa Hospital.

Naabutan ko ang kasambahay ni Lola na nagbabantay dito, sinabi ko na lang na pinapapunta ako ni Ady. Kahit ako naman iyon. Nagpaalam saglit si Nanay Bening, kasambahay ni Lola na kukuha lang ilang mga damit sa bahay.

Nagising si Lola ng bandang hapon, nagulat pa sya nong una kung sino at ano ang ginagawa ko doon.

"Ako po si Andrea, kaibigan po ako ni Ady." nakangiti kong pakilala sa kanya. Hindi sya nagsalita pero titig na titig sya sa akin. "Bakit ho?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba yan Ady, apo?" Tanong nya na nagpagulat sa akin. Nakikilala ako ni Lola? Pero paano?

"Alam nyo po Lola?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Ginamit mo na ang coin hindi ba?" tanong nito sa akin at tumango naman ako. "La, papaano po ba kami babalik sa dati?" tanong ko naman sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba sa hiniling mo?" takang tanong nya.

"Hindi po ito ang gusto ko, gusto ko po maging maganda pero sa sarili ko namang katawan." Paliwanag ko sa kanya. "May paraan po ba para bumalik kami sa dati?" dagdag ko pa.

"Meron.."

Nakauwi na ako ngayon sa bahay at masiglang ibinalita ko kay Andrea ang sinabi ni Lola.

Kailangan lang daw naming mag wish sa isang falling star.

"Meron.."

"Ano po iyon 'La?"

"Mag wish ka ulit." sabi nya. Oo nga noh! Bakit hindi namin naisip yon, sa wish nag umpisa kung bakit kami naging ganito. Wish din ang paraan para bumalik kami sa dati.

"Eh, may coin pa bo ba kayo Lola?" excited na tanong ko.

"Wala na apo eh, yun na ang huli."

Bigla akong nanlumo sa sinabi nya, paano kami hihiling ulit kung wala na ang coin.

"Pero hindi lang naman ang coin ang pwedeng gamitin para mag wish apo."

Takang tanong ko sa kanya.

"po?"

Bigla na lamang syang tumingin sa may bintana..

at nakita ko doon ang maraming butuin.

Bituin! Kailangan naming magwish sa isang shooting star!

Ilang gabi na ang lumilipas at umabot na ng isang buwan, gabi gabi kaming nag aabang ng shooting star pero wala pa din. Sa kasamaang palad ay bukas na ang Play nila Andrea.

Shooting star! Asan kana ba?

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon