Chapter 6

2K 18 1
                                    


Dax's POV

This is it! Nakaimpake na lahat ng kailangan ko. Sure akong madaming din magta-travel ngayong week dahil mahaba-habang araw ang walang pasok dahil sembreak na.

Isang maleta lang ang dadalhin ko. Hindi ako nagdala ng maraming damit dahil balak kong sa korea na mamili ng mga bagong damit.

Nagpapalit narin ako kahapon ng mga dollar money para hindi ko na poproblemahin ang pagpapalit ng peso money to dollar sa korea.

Ngayong hapon ang flight namin. Hindi na ako nagdala ng kotse at nagpahatid nalang ako sa driver ni papa sa airport.

Nagkita-kita kami nila Huxley, Fabian, Levimack at Orson sa starbucks.

Pagdating ko doon ay sandali lang kami nag stay. Inayos muna kasi ni Orson ang itinerary dahil nakalimutan daw niyang gawin kahapon. Siya narin ang nag ayos ng tutuluyan naming hotel doon. Kinasa na niya lahat para wala na kaming problema.

"Come on, male-late na tayo sa flight natin, let's go!" aya ni Huxley na tila excited na excited.

"Ito na nga, tapos na!" asik ni Orson at saka niya binatukan si Huxley.

"Make sure na maganda 'yang hotel na nakita mo!" paninigurado pa ni Fabian. Maarte kasi ang isang 'yan pagdating sa mga hotel. Ayaw niya ng maliit, malibag, mahina wifi at higit sa lahat yung maalikabok dahil may hika siya.

"Pipili ba ako ng ganoong kamahal kung hindi 'yun malinis at maganda?" sagot ni Orson habang nilalagay na niya sa luggage scanner ang maleta niya.

"Good!" maikling sagot ni Fabian at siya naman nag naglagay ng maleta niya sa luggage scanner.

Wala namang naging problema sa mga dala namin lalo na sa mga papel, passport, ticket and everything kaya papasok na kami ngayon sa eroplano.

Inabot nang kulang kulang apat na oras ang biyahe namin bago kami nakarating sa south korea. Pagdating sa IIA or Incheon international airport ay nag rent kami ng pocket wifi para wala kaming problem sa pagse-search ng mga pupuntahan namin. Syempre, si Orsan ang may task doon kaya problema na niya 'yun.

"Mag taxi na tayo, pagod na ako sa biyahe," angal ni Fabian. Napaka arte talaga.

"Anubayan! Try natin sumakay ng train para ma enjoy naman natin," suggest ni Orson na siya rin gusto ko.

"Oo nga, try natin," sang ayon ni Huxley.

"Gusto ko rin," sagot naman ni Levimack.

"Fine!" saad ni Fabian at saka umirap sa amin.

Napapailing nalang ako. Sumakay kami sa train at okay naman. Parang lrt at mrt lang sa pinas.

Bumaba kami sa station kung saan malapit ang hotel na tutuluyan namin.

Ang ending, nag taxi parin kami dahil medyo malayo pa ang hotel namin.

Sa shine hotel kami huminto dahil 'yun ang nakuha ni Orson. Naka booked narin kami kaya wala nang problema.

"Nice!" bungad ni Fabian pagpasok namin sa hotel na'yun.

Gutom kami kaya naglapag muna kami ng mga gamit sa room namin at saka kami naghanap ng makakain sa labas.

Nakakita kami ng korean barbecue buffet. Sakto, ganyang kainan ang trip namin.

At dahil mag uumaga narin. Pagbalik namin sa hotel na tinuluyan namin ay umorder kami ng maiinom namin para makatulog kami ng mabilis.

Room for 5 person ang kinuha namin para sama-sama na kami. Maganda naman yung hotel at room namin kaya natuwa narin si Fabian.

Pagka-deliver ng crew doon ng mga alak na inorder namin ay agad na kaming nag umpisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Super PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon