Nagising ako sa pagkakatulog nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Naalala kong birthday nga pala ni Huxley ngayon. Nag aagaw na ang liwanag at dilim kaya alam kong galit na sina Orson.
Sinagot ko ang tawag ni Levimack.
"Sorr—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bulyawan niya agad ako.
"Timawa ka! Anong oras na? Hinahanap ka na ni Huxley!" Dinig ko ang ingay sa background niya. Marami nang tao at malakas ang tuntugan kaya nakasigaw siya sa kabilang linya .
"Ito na nga, paalis na ako," sagot ko sa kanya kahit maliligo pa lang ako.
"Gunggong! Hindi mo ako maloloko! Bagong gising palang 'yan boses mo! Kahit kaylan talaga, lagi kang late!"
"Sorry na nga eh!"
"Pakyu! Bilisan mo!" aniya at binabaan na agad ako. Napakagago rin. Well, kasalanan ko rin naman. Bakit nga ba palagi akong late kahit saan. Minsan tuloy nahihiya na ako sa mga tropa ko eh. Mabuti nalang at sanay na sila sa akin.
Naligo na ako at mabilisang gayak ang ginawa ko. Hindi ko naman kailangang mag-ayos pa nang mabuti dahil mukha at katawan pa lang, yummy na! Dinala ko ang sasakyan kong mustang na kulay violet para badboy ang datingan ko mamaya sa bahay ni Huxley.
Habang nagmamaneho ako ay naka-play ang mga song ng favorite kong banda na twenty one pilots.
Malapit lang ang bahay nila Huxley kaya ilang minuto lang ay nakarating na ako sa kanila. Ang daming nakaparada na sasakyan sa labas kaya mukhang hindi ko na maipapasok ang sasakyan ko sa loob nila.
Sa labas ng bahay nila ay nakita kong nag aabang si Orson.
"Tol?!" tawag ko sa kanya kaya sinalubong na niya ako.
"Gago ka! Late ka na naman!" pang aasar niya.
"Nasaan si Huxley? Lasing na ba?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa bahay nila.
"Naku, oo. Kanina pa umiinom 'yun kaya patay ka at pupudpudin ka na naman ng halik nun!"
Kinakabahan ako. Gago si Huxley. Hahalikan talaga ako nun kahit maraming tao. Palagi na niyang ginagawa saakin 'yun kahit saan kapag nalalasing siya. Pero hindi siya bakla. Talagang trip niya lang na asarin ako sa pamamagitan nang paghalik sa akin. Wala namang malisya kaya sinasakyan ko nalang. Alam ko naman na mas badboy sa akin 'yun at linggo linggo atang umiiyot ng babae 'yun. Napakahilig sa babae. Mabuti nga't hindi nahahawa ng sakit sa mga nagagamit niya eh.
Maraming naghalang ng chicks sa paligid. Kapag dumadaan kami ni Orson ay nagtingin sila sa akin. May ilan pang nagbubulungan dahil medyo sariwa pa sa kanila ang video scandal ko. Marami nang nakakakilala sa akin kaya kilala na akong daks sa kahit na saan. Laki raw eh hahaha!
Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko kaya hindi naiiwasan na tinatawag akong "Mr. Super Pervert!" sanay na ako kaya tinatawanan ko nalang.
"Paisa mamaya," buska ng isang babaeng lasing na kaya kinindatan ko nalang.
"Ang peymus!" asar ni Orson kaya binatukan ko siya.
"Gago! Isa ka pa eh!"
Nakarating kami sa likod ng bahay nila kung saan nadoon ang swimming pool. Basa na si Huxley nang makita ko siya. Itsura palang niya ay halatang lasing na lasing na siya.
Kinabahan ako nang makita na niya ako. Ngumiti ito sa akin at saka tumingin ng matalim. Pagewang-gewang siyang lumapit sa akin at saka ako hinila patalon sa swimming pool. Shit!
BINABASA MO ANG
Mr. Super Pervert
RomanceSa lahat ng pwedeng ipamana saakin ni Papa ay bakit pa ang allergy na kagaya nang sa kanya ang nakuha ko? Allergy na kapag nakakain ako ng mansanas ay maglilibog ako. Ang saklap! Kung sino sino nalang tuloy ang nakakatikim sa akin.