Chapter One

41 8 15
                                    

One


Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Sino naman kaya to? Ang aga-aga! Gusto ko pa matulog e, puyat ako kagabi!


"Hello!," bulyaw ko agad nang hindi tinitingnan kung sinuman yung caller.


"Georgina! Kagigising mo lang ba?! Bumangon ka na! May pasok tayo ng alas otso! Binawi ni Professor Cruz yung cancellation ng classes niya! Dali na!," sunod-sunod na sabi ni Chelsea.


"Shit," I uttered when I saw that it's already 7:12 in the morning.


Ang sakit pa naman ng ulo ko! I really hate sudden situations! I ended the call and agad akong pumunta sa CR to take my bath. Good thing I already fixed my things early in the morning after ko mag-aral kaya medyo bawas sa kakaining oras.


Nag-aatubili naman akong bumaba after ko maligo nang mabilisan at mag-ayos. I hurriedly went to the kitchen to grab some food to eat dahil gutom na gutom na rin ako.


"Ate, why are you like panicking?," Koreen, my 14 year-old sister asked.


"I'm sorry baby, I cannot eat with you today. I'm in a hurry. Tell Papa, okay? I have class and I'm late already! Bye!," paliwanag ko sabay halik sa pisngi ng kapatid ko.


"Okay, bye ate! Do well! Take care! Love you!," rinig ko pang sigaw niya.


"Love you too!," sigaw kong tugon sa kanya habang lumalabas na ako ng bahay.


"Kuya Roco, pakibilisan naman po. Late na ako."


"Yes Ma'am," at agad ngang pinaharurot ni Kuya Roco ang sasakyan.


I took out my phone and messaged Chelsea, habang naghihintay sa reply niya, kinain ko na ang binaon kong breakfast at sinilip ang oras.


7:45 na at medyo malayo pa ako sa school! Shems!


"Kuya Roco, pakibilisan po," paalala ko ulit.


Nakatingin na lang ako sa labas ngayon habang sobra ang kabang nararamdaman. Terror pa naman si Professor Cruz and to think na major pa namin siya. Kung bakit ba naman kasi na-cancel ang lakad niya.


After a couple of minutes, a beep on my phone came.


From: Chelsea
Girl, I bought something a while a go. And ngayon, kasabay ko na si Prof. Cruz umakyat! Pero mukhang medyo busy siya, not so sure. Anyways, wer are u na ba?


To: Chelsea
I think I'll be late for 20 minutes. Medyo traffic dito sa isang univ, dami naming kasabay na estudyanteng pumapasok.


From: Chelsea
I think you should cut class nalang, you want? I can join you. Char!


To: Chelsea
Gaga! E mamaya mag pa-quiz or practicals yan, alam mo naman na yan, bipolar. Update me.


Napabuntong-hininga na lang ako at tumitig ulit sa bintana kasabay ng pagpra-practice ng sasabhin ko mamaya.


Sir, good morning, I'm sorry, I'm late, sarap kasi ng tulog ko kasi alam kong wala tayong klase ngayon tapos susulpot ka! Traydor! Paasa ka po Sir!


Charot, baka ibagsak niya pa ako.


"Ma'am, nandito na po tayo," ani Kuya Roco.



Between Odds [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon