Eight
Ngayon ay nakatulala ako sa kawalan matapos kong maglabas ng reviewers at notes dito sa public library, bukod sa kulang ako sa tulog ay iniisip ko rin yung narinig kong usapan ni Papa kasama nung kaibigan niyang investigator.
Kahapon kasi ay after namin magsimba ni Koreen ay inutusan ako ni Papa na pumunta ng hospital para idala ang documents na kinakailangan niya.
Upon entering the hospital, some people there noticed me that's why I bowed and greeted them politely. Madalas kasi ako rito kapag may free time ako noon dahil gustong-gusto kong makita ang takbo ng trabaho rito, at yun rin naman ang gusto ni Papa dahil umaasa siyang balang araw, I will be the one who's going to handle this hospital.
Hinanap ko agad ang office ni Papa rito sa 5th floor paglabas ko sa elevator. Upon entering his office, I accidentally heard their conversation.
"Napabisita ka? Anyway, is there any update about the work that I asked as a favor on you, amigo?" Papa asked while sipping on his cup.
"That's why I am here amigo, dahil may nakalap na akong balita, ang batang pinapahanap mo ay buhay at nasa maayos na kondisyon. Actually," natigil si Tito Ben nang marinig nito ang tawag sakin ng secretary ni Papa.
"Miss Georgina, I am sorry, kanina ka pa po ba diyan?" tanong nito.
"Ay hindi po, kararating ko lang," pagsisinungaling ko at pumasok naman na ako sa office. "Papa, Tito," bati ko sa kanilang dalawa kasabay ng pagbeso ko.
"Kanina ka pa ba?," bungad na tanong ni Papa. Umiling naman ako as I distance myself after greeting them. "I am sorry that I sent you here, anak. I hope you are not busy."
I glanced and smiled at him, "Hindi naman po masyado Papa, I just finished reading kanina po. Sige po, mauna na po ako, Tito, alis na po ako."
"Okay, anak, ingat."
"Ingat, hija," tugon naman ni Tito Ben.
"Hoy! Bakit ka ba nakatulala diyan?!" pabulong na sigaw ni Chelsea sa harap ko kasabay ng pagpitik niya sa noo ko, napasigaw naman ako kaya nasuway ako ng isa sa library staff. Hindi ko namalayan na nakarating na pala 'to sa harap ko, pinandilatan ko nga pero balewala naman sakanya.
"Alam mo mamsh, kung kulang ka sa tulog, itulog mo muna. May oras pa naman tayo at may aral ka naman kagabi, gisingin kita after 30 minutes," kumbinsi naman nito sakin na siyang sinunod ko dahil hindi ko rin naman ma-a-absorb ang babasahin ko kapag pinilit ko pa.
"Ssob."
"Uy, ssob. Georgina," paulit ulit na boses ang nagsasalita kanina pa kasabay ng mahinang pagtampal nito sa braso ko.
"Gising ka na uy, mag-aaral ka pa," As I open my eyes, nagulat ako dahil si Rage ang nakita ko hindi si Chelsea.
"Nasaan si Chelsea?," tanong ko naman.
"Nasa labas, bumili ng breakfast niyong dalawa. Nakiusap sakin na bantayan muna kita, syempre, gustong gusto ko, hindi nga ako makareview eh kasi sarap sa pakiramdam na titigan ka," tuloy-tuloy na sabi nito na tinanguan ko lang, wala kasi ako sa mood makipagbiruan.
Agad kong inayos ang gamit ko at nagsimula ng magbasa at magmemorize.
"Uy, no pansin, galit ka ba? Sorry, joke lang yung sinabi ko kanina," bawi nito.
BINABASA MO ANG
Between Odds [ON HOLD]
RomantizmGeorgina Dale Velasquez finds herself in love with a guy named Aldryx Rage Mendoza. Despite the conflicts that they have, especially on their interests, and with all the problems that the universe gave them, will they be able to keep growing as one?