Chapter Six

18 5 2
                                    

Six



After nung lunch namin ay hindi naman ako tinantanan ni Chelsea katatanong habang gumagawa kami ng lab manuals dito sa kiosk.




"Ano na mamsh, papayagan mo ba?," sasagot na sana ako nang bigla na naman siyang nagsalita.




"Payagan mo na! Ito naman! Papayag akong maging thirdweel niyo! Promise!," dagdag pa niya na talagang kilig na kilig! Hindi man lang talaga ako pinasagot.




"Akala ko tinatanong mo ako, ikaw rin naman pala yung sumasagot," saad ko na siyang tinawanan naman nito.




"Sorry na! O my gosh! I am so excited!," she even pushed me slightly out of glee.




"Hoy gaga, para kang timang. Ikaw pa 'tong mas kinikilig. Kung sabihin ko kaya na ikaw na lang ligawan jan?," matapos ko iyong sambitin ay hinila niya naman ang buhok ko.




"Gaga! Kung may kasabihan ang mga lalake na 'bros over girls', may kasabihan din para satin! 'Sisters over guys'!," she said with her heads up.




"Sino naman nagsabi niyan?"




"Ako, naisip ko lang kanina," sabay halakhak niya. "Pero seryoso na, papayagan mo ba?," ulit niya. Napatigil naman ako sa pagsagot at tumingin sakanya.




"Ewan ko, pero, he seems to be a nice guy kaya, siguro? Tingnan natin kapag tinanong niya ulit ako, or kapag napatunayan niyang seryoso siya, baka kasi mamaya magtext sya ng 'It's a prank!'," tugon ko.




After that conversation, we went to our next class. The usual lecture, it's already 4:30 PM when she gave us quiz. When the hour clock hit 5, Prof. dismissed us. Napagdesisyunan naman naming magkaka-grupo na umuwi muna para magpalit. Magkikita-kita nalang daw kami sa mall by 7 PM.




"Sumipot kayong lahat a! Walang a-absent!," paalala pa ni Marco.




"Yes leader!," energetic na sagot naman namin. Sumabay naman si Chelsea sakin umuwi. Madalas rin kasi siya sa bahay kaya may mga ilang gamit at damit na rin siya doon.




Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan kong nanonood si Koreen sa sala. Bumeso naman kami sakanya at pinaalam ko nalang din na aalis kami ulit mamaya para mag dinner sa labas. Tinext ko na rin si Papa baka kasi magalit na naman.




Naligo at gumayak naman kami agad ni Chelsea pagkarating namin sa kuwarto. Bandang 6:45 ay natapos na kami, nagpahatid nalang din kami kay Kuya Roco sa mall.




"Kuya, text ko nalang po kayo pag magpapasundo na kami. Ingat po kayo," paalam ko kay Kuya at siya namang tinanguan niya.




"Ingat din po Ma'am." Pagkapasok namin ng mall ay chinat naman ni Chelsea ang mga kagrupo namin. Agad namang nagreply si Marco, naghihintay na raw sila sa loob ng kakainan namin.




"Georgina! Chelsea!," tawag ni Ara nang makita niya kami, dumiretso naman kami agad sa pwesto nila.




"Order na tayo," Marco stated. Sinabi naman namin yung order namin at nag kuwentuhan habang naghihintay.




"Boss Marco, sobrang galing mo talaga! Thank you, dahil sa leadership mo may mataas na akong grades ngayong midterms!," ani Peter habang pumapalakpak pa. Natawa naman ang grupo dahil sa tinuran niya.




"Peter is right, you are great in any ways Marco, you're perfect," dagdag naman ni Cristy.




"Wow, thank you so much sa mga compliments niyo guys but telling that I'm perfect? That's too much," natawa pa siya. "But, thank you anyways, Cristy," Marco sincerely smiled at Cristy. Nakita ko naman na nag-blush siya.




Between Odds [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon