Chapter Three

24 7 1
                                    

Three




Kahit wala akong morning class sa sumunod na araw ay maaga akong gumising para asikasuhin ang kapatid ko. Gusto ko kasing bumawi dahil ayaw kong isipin niya na busy kami pareho ni Papa at walang nag-aalaga sa kanya.



Bandang alas-singko ng umaga ay nasa kitchen na ako. Naghanda ako ng fried rice, itlog, spam at hotdog. Inaayos ko na ang hapag nang sumulpot si Koreen sa harap ko.



"Good morning Ate!," inikot naman niya ang tingin niya sa mesa.



"Wow! You prepared breakfast!," she exclaimed with glee.



"Yes, for you babysis, so, umupo ka na at kumain," umupo na siya at kumuha naman ako ng gatas at ibinigay sa kanya.



"You don't have class, Ate?"



"I have class at 1 PM but I'll be going as early as 10 AM kasi may gagawin pa kami," sagot ko.



Before 7 ay natapos na rin kaming kumain, dahil nga sa 7:30 ang pasok ng kapatid ko. Pinahatid ko na siya kay Kuya Roco at nung bumalik ako sa hapag, nadatnan kong inaayos na ni Ate Rose ito.



"Ate, kumain na po ba kayo? Ako na po jan," at pinilit kong ako na lang ang mag-ayos.



"Naku be, huwag na. Pumunta ka na sa kuwarto mo at mag-aral na lang. Ako na rito, kumain na rin ako kanina," sabi niya kasabay ng pagpapaalis niya sakin. Wala na rin naman akong nagawa dahil patapos na siya kaya hinayaan ko na lang.



"Sige ate, salamat po."



Pumunta naman ako sa kuwarto at nagtungo sa desk para kunin ang phone ko, tiningnan ko kung may updates sa GC.



Lung Cancer Reporters

Marco: Guys, huwag niyong kalimutan yung meet up natin mamaya. We'll also be doing our dry run.

Sheila: Yes, leader. Public Lib 'di ba?

Marco: Yep, dun tayo sa 3rd floor.

Peter: Okay boss.

Ara: 👍

Cristy: See u all, walang malelate ha! 10 AM.



Napansin ko namang hindi pa nasi-seen ni Chelsea yung nasa GC mula kagabi kaya I decided na tawagan siya. Pero naalala ko na naman yung kagagahang ginawa niya kaya paniguradong sisingilin ko siya.



After 2 tries of calling her, she finally answered the call.



"Hello, Georgina? Hehe", she sounded like a puppy scared of her owner!



"Anong hehe ka jan? Bakit mo binigay number ko don sa lalaking 'yon?!," singhal ko.



"To help you get a boyfriend?," sagot niya na may kasama pang bungisngis. Inamin niya rin agad, e.



"You betrayed me, Chelsea," I dramatically said, acting like hurt.



"Huwag kang maarte, pasasalamatan mo pa ako soon," and I can imagine her eyeballs rolling.



"Whatever, check our GC. Don't be late later," paalala ko at binaba na ang tawag.



After the call, naligo na ako at gumayak para sa lakad ko mamaya. Nag-ayos na rin ako ng gamit at umalis na. Sa biyahe ay nag chat na lang din ako sa gc na on the way na ako.



Between Odds [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon