Two
"Seryoso ka ba? Baka naman di nya nilagay yan, baka pinagtripan lang siya ng barkada niya?" ani Chelsea nung kinuwento ko sakanya yung tungkol dun sa contacts na binigay nung Aldryx na 'yon.
"Aba, malay ko ba don. Hayaan mo na, baka nga tama ka, siguro scam lang 'yon tapos titignan niya kung easy to get ako, duh? No way!," sabi ko naman habang naglalakad kami sa may hallway.
"Pero saan na ba yung papel?," Chelsea curiously asked.
"Nasa wallet ko," sagot ko naman habang nag-aayos ng gamit.
5 PM na at kalalabas lang namin ng room.
"Uy Georgina, Chelsea! Ano kasi, may meeting tayo tungkol sa report natin para sa susunod na araw. Dun tayo sa kiosk, sunod na lang kayo," tawag naman sa amin ni Marco, blockmate namin ni Chelsea, yung pinagpala ng brain cells at kasipagan mag-aral.
"Ah, sige, sunod kami."
"Ano ba yan, akala ko pa naman makakapunta akong mall para bumili ng pang skin care at yung bagong labas na lip tint!," irap ni gaga nang makatalikod si Marco, kinurot ko naman siya sa tagiliran at hinila na lang papunta sa kiosk.
"Oh sige, basta yung part niyo ha, huwag niyo kalimutan. Aralin niyo na lang mabuti tapos pag may tanong kayo, chat lang kayo sa GC," habilin ni Marco nang mapagpasyahan naming umuwi na matapos naming mag meeting.
Nag-aayos na ako ng gamit nang magpaalam na yung iba naming mga ka-grupo. Including Chelsea na wala namang ibang ginawa kanina sa meeting kung hindi magmaktol sakin nang pabulong dahil gusto na raw nya talagang mag mall, kumuha pa nga ng bente sa wallet ko dahil wala raw siyang barya pang pamasahe.
Ako naman ay hinihintay si Kuya Roco kasi mahirap na ang sakayan ng ganitong oras, alas otso pa lang naman pero choosy kasi ang drivers. Ewan ko ba kung bakit.
"Georgina," tawag naman sakin Marco, kasama ko rin pala siyang naghihintay. Hihintayin niya raw pinsan niya e.
"Yes?"
"Pag nahirapan ka sa topic mo, magtanong ka lang sakin ha? I'm very much willing to help," sabi niya sabay ngiti nang malaki.
"Ah, okay, Leader. Salamat kung ganon," awkward kong sagot kasi feeling ko sinabi niya 'yon kasi ayaw niya akong maging pabigat pero ewan, feeling lang naman. Mabait naman tong si Gonzales.
"Sige, I have to go. Pag hindi mo naintindihan agad ha, don't hesitate to message me if you need help," kumaway na siya at naglakad palayo.
Pero bakit nga ganon? Parang pinagmukha niya naman akong hirap umintindi? Charot! Lol, pero true naman, hirap talaga ako umintindi, minsan, ay madalas pala.
Maya-maya ay nag text na si Kuya Roco kaya pumunta na ako sa gate.
Naabutan kong nasa dining area na sila Papa at Koreen, kaya dumiretso na ako roon para makisalo sa kanila. Matapos kong bumeso at magmano ay umupo na ako para kumain.
"I thought you're busy, Pa?, I asked to start a conversation.
"Yes, I am. I just got here also to get some documents. I was about to go when I saw your sister eating alone that's why I decided to share a meal with her because you're not yet a round."
"I'm sorry Pa, nag meeting lang kami for a report the day after tomorrow. I texted Koreen that I'll be late," paliwanag ko.
"But you didn't text me," I can sense that he's a bit mad. Ang pinaka ayaw niya kasi ay hindi siya ini-inform sa whereabouts namin.
"Papa, enough na po. Okay lang naman po ako. Eat na po tayo," Koreen interrupted.
Nang patapos na kumain si Papa ay pinaalalahanan pa ako nito.
"Do well, Georgina Dale, I am counting on you. Don't you dare disappoint me," he sternly said.
"Yes, Pa."
Nang umakyat na si Papa para gumayak ay kinalabit naman ako ng kapatid ko.
"Ate, don't mind Papa too much. Just do well na lang po sa school pero not too much ha?, baka you know, you might go crazy," bulong pa niya. I smiled and pinched her cheeks.
"Don't worry baby, Ate is fine. Ikaw, ang bata bata mo pa pero kung makapagsalita ka akala mo 30 ka na," and she laughed.
"Ate, let's finish our food then can we shower together?, please?," she pleaded.
At yun nga ang ginawa namin. Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa comfort room ng kuwarto ko para mag toothbrush at mag-shower ng sabay. She enjoyed it so much that's why it also made my heart flutter.
After our night bonding, she already went to her room to sleep. She asked if she could sleep beside me but I said na mag-aaral pa ako kaya hindi ako makakasabay sa kanya.
It's already 2 AM in the morning. Katatapos ko lang magbasa and I decided to go to bed. I turned off the lights and dove to my bed. Napagdesisyunan ko namang silipin muna ang social media accounts ko, but, nothing interesting tho, buhay single. Mga GC lang naman laman ng messenger ko, nagtatanungan sila about sa report.
Suddenly, may biglang nag-text sakin. Unregistered number.
From: 0908 1234 0689
Hi. I know you're still up. Nakita kong online ka kanina. I hate to say this pero kapag di ka nagreply, di ka papasa ngayong sem :((Walangya! Ang creepy! Hindi ako marupok pero takot ako bumagsak kaya nag-reply ako. Pasalamat siya at may load pa ako!
To: +63908 1234 0689
Alam mo, di pa kita kilala pero buwisit ka! Ayaw ko bumagsak kaya nagreply ako, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Sino ka ba, ha?!From: +63908 1234 0689
Rage :))To: +63908 1234 0689
Rage, who?!From: +63908 1234 0689
Yung asawa ni Ogie Alcasid, RAGE-ine Velasquez ;--)Ampota.
To: +63908 1234 0689
Korni, amp.From: +63908 1234 0689
Okay lang, at least nag reply ka. Congrats, papasa ka na this sem. Hahaha. Anyways, alam kong matutulog ka na dapat. So, good night. Dream of me! ;)Dream of me raw pero hindi ko naman kilala. Infairness medyo may sense of humor 'yung Rage na yon ha. Pero parang the name sounds familiar.
Rage.
Inisip kong mabuti kung saan ko ba nabasa or narinig yung pangalan na 'yon.
Shit.
Kinuha ko yung bag sa desk ko at hinalungkat ko rin agad yung wallet ko and to my surprise, nakita ko na nandun pa yung kaisa-isang bente na akala ko kinuha na ni Chelsea!
At tama nga ang hinala ko, yung papel na may contacts nung Rage ang nawala!
Ibinenta ni Chelsea ang number ko!
-tbc-
BINABASA MO ANG
Between Odds [ON HOLD]
RomanceGeorgina Dale Velasquez finds herself in love with a guy named Aldryx Rage Mendoza. Despite the conflicts that they have, especially on their interests, and with all the problems that the universe gave them, will they be able to keep growing as one?