Maaga akong namulat sa hinaharap. Bata pa lamang ako ay naghahanap ako ng maraming paraan upang makabili ako ng makakain namin ng kapatid ko.
Im Leah Winter and im 17 years old. Tinaguyod ko at humanap ako ng paraan upang may makakain kami ng kapatid ko naglalako ako ng kung ano ano. Kahit hindi ako tapos sa pag aaral.
Ang pangalan ng kapatid ko ay Phoenix Winter. 11 years old na ito. Wala na kaming mga magulang dahil ang alam namin ay may mga bago na itong mga pamilya.
Pinagpasa-pasahan kami ng mga kamag anak namin hanggang sa kami na mismo ang umalis. Wala naman na daw kasi silang maipapakain sa amin.
"Nix! (Phoenix) aalis nako maghahanap ako ng trabaho para mabayaran din natin lahat ng utang sa tindahan pati sa inuupahan natin dito.
"Wag kang lalabas dito pagbutihin mo ang pag aaral mo tawagan mo ako pag kailangan mo ng tulong pupuntahan agad kita" mahabang linya ko rito at hinalikan ang noo nito.
~ Minutes past ~
Nakahanap na rin ako ng masasakyan.
May nakita akong isang building pumasok ako dahil nag hahire sila ng sekritarya.
Pumasok ako at mag aapply ng trabaho.
"Miss base sa detalye mo hindi ka matatanggap dahil hindu ka nakapagtapos ng pag aaral" saad ng babae.
"Maam kailangan na kailangan ko po talaga ng trabaho para may makain kami ng kapatid ko" pagmamakaawa ko dito sa babae.
"Sorry miss kailangan kasi dito ay yung nakapagtapos ng kolehiyo hindi ka matatanggap" saad nito at ibinalik sakin lahat ng detalye ko.
Umalis ako doon at naghanap pa ako ng maari kong pasukan.
Pero hindi ako tanggap dahil hindi ako nakapagtapos ng pag aaral.
Bago ako umuwi kumain muna ako ng street foods para magkaroon man ng laman ang aking tiyan.
BINABASA MO ANG
Im The Queen Of The Pole
Teen FictionBata pa lamang ay wala ng mga magulang si Leah at Phoenix pinagpasapasahan ito ng kanilang mga kamag anak hnggang sa sila na mismo ang gumawa ng kahit na anong paraan upang pakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Si Leah ay hindi nakapagtapos...