Chapter 4 ( Leah Winter POV)

3 1 0
                                    

Gumising ako ng maaga para ipaghanda ang kapatid ko.

Time check 7:36 am.

Ang pasok ng kapatid ko ay 12-6 pm.

Matagal ko na ding hindi napagluluto ang kapatid ko.

Once na nakapag ipon ako magtatapos ako ng kolehiyo.

Naglinis muna ako ng bahay bago magluto.

Nilutuan ko ang kapatid ko ng sinangag at longganisa.

Ngayon ko lang ito napagluto dahil tinapay lagi ang ulam nito noon.

Pagkatapos kong magluto at maglinis ng bahay naligo na ako.

Hinanda ko na lahat ng susuutin ni nix at ginising na ito.

"Good morning ate" saad ni nix at niyakap ako.

"Good morning din nix, nakahanda na lahat" saad ko dito at pinisil ang ilong.

"Maaga ang pasok ko nix, gagawa ulit ako ng paraan para kumita tayo" saad ko dito at patungo na sa pinto.

"Ate, maraming maraming salamat sa lahat" saad ni nix at yumakap ulit saakin.

"Sige na nix, mag iingat ka lagi ha" saad ko dito at ginulo ang buhok.

After 30 minutes nasa harap na ako ng Astro bar.

Bukas na ito ngunit iilan lamang ang tao.

Makalat kaya't pumunta ako sa backstage at nilagay roon ang mga gamit.

Pagkabalik ko sa stage ay nakita ko yung lalake na nagngangalang Liam Sevillino.

Umiinom ito kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagwalis na ako at pinunasan ang mga lamesa at upuan.

Nagtama ang aming mata kaya parang nagslowmotion lahat ng nasa paligid ko.

Ang tangi ko lang nakita ang kanyang nag iigtigang mga panga at maamong mukha.

I love the way he smile.

Matangos na ilong, mapupulang labi, ang sarap—

"Besh!" Potaena natigil ako sa pag papantasya ng biglang sumigaw si sam.

"Bakit nanaman!" Sigaw ko dito.

"Pinagpapantasyahan mo pala si sir Liam ha" lokong sabi nito at kinirot ang aking bewang.

"Hoy, hindi kaya anlayo ng agwat namin" saad ko sa kaniya.

Habang nagtatawanan kami ni sam tinawag ako ni sir Liam.

Naagaw ko ata ang atensyon niya.

"Bakit po sir? May malilingkod po ba ako aa inyo?" Tanong ko dito.

"Ang aga mo naman mamaya pa time mo ah?" Saad ni Sir saakin.

"Wala lang sir gusto ko lang po tumulong dito sa bar" nahihiyang saad ko dito.

"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko ulit.

"Wala na, sige pagpatuloy mo na ang ginagawa mo" saad ni sir Liam saakin.

Nang makabalik na ako sa pagpupunas ay hindi pa rin naghihiwalay ang pagtitigan namin.

Im The Queen Of The PoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon