Pagkatapos kong sumayaw pumunta na ako sa backstage at tutungo ako sa Liam na binabanggit ni boss.
Gawin ko daw lahat ng gusto nito upang malaki ang kita.
"Sir" saad ko kay Liam nakausap niya mga kaibigan nito.
"Ang galing ko kanina" saad nito at niyaya akong umupo sa kanyang tabi.
"Damn, bakit mo ako binabaliw babae" bulong nito hindi nalang ako kumibo.
"Napag isipan mo na ba? Kakausapin ko si Gerald na taasan ang sweldo mo" saad nito sakin.
Kinuha niya ang wallet niya at kumuha ng pera.
"Tanggapin mo ito Leah" saad nito sakin at kinuha ang aking kamay at nilagay sa aking palad ang pera.
"Sir ayoko po" saad ko dito.
"Mas marami kang kailangan gawin sa perang ito Leah alam kong marami kang pangangailangan" mahabang linya nito.
"Sir ayoko tala—
"Pag di mo tinanggap yan hahalikan kita" saad nito at ngumiti ng nakakaloko.
Natikom ko ang aking bibig sa sinabi nito.
Kinuha ko ang selpon kong keypad at tinignan ang oras 11:38 pm na.
Damn hindi pa kumakain kapatid ko.
"Sir maraming maraming salamat po kailangan ko na pong umalis" saad ko dito.
"Teka lang Leah" saad nito ngunit hindi ko na ito pinakinggan.
Pumunta na agad ako sa back stage at nagbihis na.
"Besh kailangan ko ng umuwi ikaw na bahala magpaliwanag sa boss natin, si Nix hindi pa kumakain" saad ko dito at nagmamadaling umalis sa bar na iyon.
May nakita akong kalinderya buti nalang at may isa pang ulam doon binili ko ito para kau Nix.
Habang naglalakad ako parang may sumusunod sa akin.
Mas dinalian ko nalang maglakad.
Pagkapunta ko sa inuupahan namin binayaran ko na yung utang namin babawi pa ako dahil apat buwan na kami hindi nakakabayad.
Ang binayad ko ay 3,000 sa inuupahan namin kasama na doon yung kuryente at tubig, at 3,000 din para sa mahabang listahan namin kay aling josie.
Sampong libo pa at bayad na kami sa lahat ng utang namin.
Bale may apat na libo pa iipunin ko yung dalawang libo, at yung 1,500 para sa skwelahan ni Nix.
Pagkapasok ko sa bahay tulog na si nix ginising ko ito upang magkaroon man lang ang kanyang tiyan.
"Nix onti nalang kulang mababayaran din natin yung mga utang natin dito" saad ko dito.
"Ibayad mo na ito para sa skwelahan mo" saad ko at binigay ang 1,500.
"Ate pano ka nakagawa ng paraan?" Pag aalilangang tanong nito saakin.
"Basta nix ang mahalaga unti unti nating nababayaran ang pagkabaon natin sa utang, sige na nix matulog kana ako na bahala sa mga ligpitin maaga ka pa bukas" mahabang saad ko kay nix at hinalikan ang noo.
Pumasok na ito sa kwarto.
Bale may limang daan pang natira, bibilhin ko nalang ay mga pagkain dito sa bahay.
Kinuha ko ang call number nung Liam Sevillino.
At inalala ang mga binanggit nito.
Tinabi ko nalang ito sa wallet ko.
Naglinis na ako ng konting kalat hindi naman kami burara daw dadalawa lang kami.
Pagkatapos non nagbihis na ako at natulog na.
BINABASA MO ANG
Im The Queen Of The Pole
Teen FictionBata pa lamang ay wala ng mga magulang si Leah at Phoenix pinagpasapasahan ito ng kanilang mga kamag anak hnggang sa sila na mismo ang gumawa ng kahit na anong paraan upang pakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Si Leah ay hindi nakapagtapos...