Meron na ako ng lahat na hilingin niyo.
Masayang pamilya
Mga kaibigan
Mapagmahal na mga kapatid
Wala na akong hihilingin pa sapat na sa akin lahat ng yan.Kilala ako ng lahat sa pangalang Maria Clara. Bagay na bagay raw sa akin ang pangalan ko. Tila ba ako daw ang tinaguriang Maria Clara sa panahon namin ngayon. Kung magdamit ako ay hindi tulad ng iba na halos ipakita na ang katawan. Kung titignan mo ako ay wala kang makikita na kahit na anong kapintasan.
Mabait akong anak na kahit sinong magulang ay hihilingin na magkaroon ng anak na katulad ko. Sinusunod ko ang lahat ng utos nila. Nag papaalam kapag may pupuntahan man para gumawa ng proyekto o kaya ay praktis.
Totoo akong kaibigan. Marami akong kaibigan at lahat sila ay tinuturing kong parang kapatid na rin. Nandyan ako sa tabi nila sa tuwing may problema sila. Nandoon ako sa tuwing kailangan nila ng karamay. Nasa tabi nila ako sa mga panahon ng tuwa, lungkot at kahit anong oras pa iyan nandyan lang ako sa tabi nila.
Maaasahan akong kapatid. Tutulungan kita sa mga bagay na nahihirapan ka. Kapatid na parang kaibigan mo na rin na pwede mong pag sabihan ng mga sikreto mo na hindi ibubunyag kanino man.
Wala na akong hinihiling pa dahil sapat na sa akin ang lahat ng meron ako ngayon. Masaya akong sa lahat ng bagay na natatamasa ko ngayon.
Pero
Bakit?
Bakit kailangan pang mangyari sa akin niyon?
BINABASA MO ANG
THE DOWNFALL OF MARIA CLARA
Short StoryLahat ng nasa kanya noon ay nawala... ...mga taong inaasahan niyang magiging karamay niya ay tinalikuran din siya. Isang pangyayari na kahit siya ay... ...hindi ninais na mangyari. Paano niya haharapin ngayon ang mundo... ...kung...