Naglalakad ako sa kawalan na tila ba wala ng patutunguhan. Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay ang pagbuhos ng ulan na para bang nakikiramay ang kalangitan sa aking nararamdaman ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito sa gilid ng tulay halos hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ang dumaan.
Tumila na ang ulan ngunit ang pagpatak ng aking luha ay patuloy pa rin na tila ba wala ng katapusan pa. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumayo pabalik at harapin ang mga taong nanakit sa akin. Gusto ko na lang mamatay para matapos na ang paghihirap ko na ito.
Mahirap pero kailangan kong maging matatag dahil hindi na lang ito tungkol sa akin. Ito ay tungkol din sa batang nasa sinapupunan ko ngayon. Kailangan kong maging malakas para sa aming dalawa.
Yes I am pregnant
And I am a rape victim.Inayos ko ang sarili ko at naghanap ng trabaho para may pang tustos ako sa bawat araw na darating. Kailangan kong mabuhay para sa batang nasa sinapupunan ko.
Nagsumikap akong makatayo ulit sa sarili kong paa na walang tulong galing sa iba. Kahit pagod na pagod na ako nagsumikap akong magtrabaho para magkaroon kami ng maayos na tahanan ng magiging anak ko. Ngayon dahil sa pagsusumikap ko meron na kaming pera kahit mangupahan lang para lang may masilungan kami sa tuwing umuulan. Bahay kung saan kahit sa mga pag-ulan man lang ay maproteksyonan kami.
Lumayo man ako sa lugar na nanakit sa akin hindi naman ako tinigilan ng mga bangungot na gabi gabi akong dinadalaw.
BINABASA MO ANG
THE DOWNFALL OF MARIA CLARA
Short StoryLahat ng nasa kanya noon ay nawala... ...mga taong inaasahan niyang magiging karamay niya ay tinalikuran din siya. Isang pangyayari na kahit siya ay... ...hindi ninais na mangyari. Paano niya haharapin ngayon ang mundo... ...kung...