Kumayod ako ng kumayod para may pera akong pangtustos sa magiging anak ko. May pera akong pambili ng pagkain niya sa tuwing magugutom siya. May pera akong pambili ng damit na maisusuot niya sa tuwing nilalamig siya. May pera akong pambili ng gamot niya pag nagkasakit siya. May pera akong pambili ng laruan niya. Kailangan kong magtrabaho para mapunan ang mga pangangailangan niya.
Sa oras na maisilang ko siya ipaparamdam ko sa kanya ang kalinga at pagmamahal na nararapat sa kaniya. Titiisin ko ang lahat para sa kanya. Sasabihin ko na siya ang bitwing nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.
Aalagaan at poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. Kapag siya ay sumigaw at humingi ng tulong dadating ako palagi para iparamdam sa kanya na ligtas siya hangga't nandito ako sa tabi niya.
Kailanman hindi ko ipapaalam sa kanya ang bangungot na nangyari sa kanyang ina. Gagawin ko ang lahat para hindi niya maranasan ang mga naranasan ko.
Ilang buwan pa ang lumipas at kabuwanan ko na. Konting panahon na lang at isisilang ko na ang batang ito sa mundong ito. Pagdating ng araw na iyon hindi ko na alam kung paano ko siya poprotektahan sa mundong sasaktan lang siya pagdating ng panahon.
BINABASA MO ANG
THE DOWNFALL OF MARIA CLARA
Short StoryLahat ng nasa kanya noon ay nawala... ...mga taong inaasahan niyang magiging karamay niya ay tinalikuran din siya. Isang pangyayari na kahit siya ay... ...hindi ninais na mangyari. Paano niya haharapin ngayon ang mundo... ...kung...