Epilogue

25 2 0
                                    

Kailanman ay hindi nabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.

Ang mga taong inaasahan niyang maniniwala sa kanya ay hindi naniniwala kahit na alam naman nilang nagsasabi siya ng totoo.

Ang mga taong minsang naging sandalan siya ay nagbingibingihan sa tulong na hinihingi niya ngayon mula sa kanila. Ang mga taong inaasahan niyang makikinig sa kanya ay tinalikuran lamang siya.

Ngunit ang hindi niya alam ay meron isang testigo na hanggang ngayon ay kinakain ng kosensya dahil hindi niya man lang natulungan ang babaeng mahal niya. Hindi man lang niya natulungan ang nag iisang taong nakinig sa kanya. Hindi niya natulungan si Maria Clara na minsang ipinagtanggol siya sa mga taong nanghusga sa kanya. Ang babaeng tumabi sa kanya noong akala niya tinalikuran na siya ng lahat.

Hindi mo kailanman naging kasalanan Maria Clara ang nangyari sa iyo.
Kasalanan ng mundo dahil hindi ito nakinig sa iyo. Kasalanan nila na hindi ka nila tinulangan noong humihingi ka ng tulong. Kasalanan nila dahil naging duwag sila. Maling mali na tiniis nila na makita kang nasasaktan. Hindi mangyayari iyon kung naging matapang lang sila.

Patawad, Maria Clara.

THE DOWNFALL OF MARIA CLARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon