Votes and comments are highly appreciated. Thank you.
Drafted: June 23, 2020
Published: June 29, 2020
Edited ✔***
Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto at ilang araw na rin akong isang beses kumakain sa isang araw.
"Choi Yeonjun! Lumabas ka dyan ngayon na!" Dinig kong utos saakin ni Mama galing sa labas ng kwarto 'ko.
Hindi 'ko sya sinagot at mas nilakasan 'ko pa ang pagpapatugtog 'ko sa phone.
Alam kong pipilitin nya lang ako ulit na mag-aral kayla Kuya Hwijun.
Ilang segundo palang simula nang lakasan 'ko ang volume ng pinapatugtog 'ko nang bigla itong malowbat. Sakto pa.
Wala akong nagawa kung hindi ihagis ang phone 'ko sa kama at buksan ang kumakalabog na pinto dahil sa mga mabibigat na katok ni Mama. Halatang nauubusan na rin ito ng pasensya saakin.
"Yeonjun ha, umayos ka! Ilang araw ka nang tambay dito sa kwarto mo kahit pagkain sa baba ni hindi mo magawa eh ano bang balak mo? Magpapakamatay ka ba sa gutom?" She ranted.
Ginulo 'ko ang buhok 'ko at napa upo nalang sa kama dahil sa inis. Pareho kaming nagkakainitan ng ulo ni Mama sa isa't isa.
"Ano, dahil pa rin ba 'to sa pagpapadala 'ko sa'yo sa kuya mo? Eh ano bang masama roon? Kuya mo naman iyon ah! Hindi ka abala doon sa halip nga ay makakatulong ka pa kasi maaalagaan mo si Richi. Alam mo namang mahirap ang buhay ngayon bakit dumadagdag ka pa, Yeonjun? Ano ba? Gusto mo na bang tumigil? Aba eh magsabi ka nang hindi na ako nagsasayang ng oras pilitin ka. Ano? Tatawagan 'ko na ba ang kuya mo para sabihing ayaw mo na mag-aral? Pasalamat ka nga at may paraan pa para makapag patuloy ka sa senior high school,"
"Oo nga ma makakapag patuloy nga ako pero hindi 'ko naman matatake yung course na gusto 'ko. I told you I wanted to study music and arts pero pinupwersa nyo ako sa aircraft and engineering," Maktol 'ko. Pilit kong pinapakalma ang boses 'ko.
"Eh mas malaki nga ang kita doon, Yeonjun. Hindi mo ba naiintindihan? Kapag nag music music ka nakadepende ka sa pagsikat eh kung hindi ka naman sumikat? Kapag nag engineering ka hindi mo kailangan sumikat! May trabaho ka na agad! Marami agad ang kukuha sa'yo para magtrabaho,"
Napasabunot nalang ako sa sarili 'ko. Hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko para pigilan si Mama sa gusto nya.
Sana pala ay hindi na ako pumunta pa dito. I should have stayed in Korea. Doon magagawa 'ko pa ang gusto 'ko at matatake 'ko pa ang gusto kong course.
"Bakit ba kasi biglang bumagsak yung business nyo," Pabulong kong reklamo pero alam kong narinig yun ni Mama.
"Tigil-tigilan mo 'ko Yeonjun ha. Hindi porket nasanay ka sa marangyang pamumuhay palagi nalang ganon. Hindi namin kasalanan na bumagsak ang business ng Papa mo kaya magpasalamat ka nalang at may narating na ang kuya mo sa pagpipiloto kaya may mahihingian tayo ng tulong para sa pang senior high school mo. Buti nga at elementary palang si Richi kaya hindi pa ganoon kagastos sa pag-aaral,"
Si Richi ang anak ni kuya Hwijun na babae.
"Mag-empake ka na. Papunta na rito ang kuya mo. Nailakad na rin namin ang mga kailangan para sa papasukan mo roon,"
Gulat ako napatingin kay Mama. "WHAT?"
"Aalis na ako mamaya? What the heck ma? You didn't even told me about this. Marami pa akong aayusin," Reklamo 'ko.
"Ano pa ba ang aayusin mo eh bakasyon na?"
"Ma, I have a band in Korea. Hindi 'ko pwedeng iwan 'yun,"
"Sino namang may sabi? Iiwan mo 'yun ngayong araw dahil mamayang tanghali na ang alis mo papuntang Manila," At umalis na ito.
Wala sa sarili akong napasabunot ulit sa sarili kong buhok. How can she just do this to me? Ilang beses na kami nag-away tungkol dito at talagang pinipilit pa ni Mama na ipadala ako sa Manila. Si Papa naman ay walang magawa para pigilan si Mama dahil mas may control ito saamin. It's like she knows everything. Parang wala syang maling desisyon sa buhay and I hope she does. Sana nga tama ang gagawin kong pag-alis dito at pagtira kay kuya.
Inabot kami ng hapon bago kami makarating ng Manila. I can't deny na sobrang ganda ng bahay ni Kuya Hwijun. Malaki na kasi siguro ang sahod nya at hindi pa malaki ang pamilya nya.
"Yeonjun!" Salubong saakin ni Ate Maeji, asawa ni Kuya.
Niyakap ako nito kaya tinapik 'ko ito sa likod. Mukhang masaya syang nandito ako. Maswerte ako na pumayag si Ate Maeji na dito ako tumira.
"Asan po si Richi?" Tanong 'ko agad nang mapansing tahimik ang bahay. Tinulungan ako ni Kuya magbitbit ng mga gamit 'ko. Sya rin ang nagsundo saakin sa bahay.
"May piano class, Yeonjun. Gusto mo bang sumama sa pagsundo mamaya?" Masayang aya saakin ni Ate Maeji.
"Nako, mabuti pa nga para naman makaikot 'yan dito. Iwas ligaw rin, bro," Gatong ni Kuya habang umaakbay sa asawa nya.
"Kuya, I have a good sense of direction. Hindi ako maliligaw,"
"Oo nga pala, nagddrive ka na nga pala ano. Sad to say you can only use the old car," Sabi nito na may halong pang-aasar.
"Hon' naman. Let him live his youthful days. Bata pa si Yeonjun and he should live life to the fullest. You can use my car Yeonie besides, I don't really use it. Palagi namang ang kuya mo ang naghahatid sundo kay Richi kaya naiiwan lang ako dito sa bahay,"
"Salamat Ate Maeji,"
"Ikaw hon' ha baka masanay nanaman 'yan si Yeonjun ako nanaman sisisihin ni Mama,"
"Hayaan mo na, hon'. Let's go Yeonie, I prepared some merienda. Nagbake ako ng sushi. Paborito mo yun diba?"
Sabay kaming pumunta ng dining area at doon kumain ng baked sushi ni Ate Maeji. She's a great cook and a great mom to Richi. Napaka alaga nya at napaka maasikasong asawa kaya halatang alagang-alaga ang kuya 'ko.
"Oo nga pala, nakwento sa'kin ni Mama na ayaw mo daw dito? Why? Welcome ka naman dito eh. Nahihiya ka ba?" Biglang open ni Kuya.
Nahiya naman ako dahil baka isipin ni Ate Maeji ay hindi ako komportable kasama sya o ang pamilya nila.
"Hindi kuya, it's just that Mom wants me to take up engineering or aircraft stuff instead of music eh alam mo namang wala akong passion doon. I prefer music, arts, and dancing. Mas okay pa nga kung papayagan nya akong maging painter nalang. I can't see myself working on an airport,"
"Well, I do agree with Mom though. Sorry to say bro pero mas may mararating ka sa engineering and aircraft than painting and music. Mahirap ang industry na 'yun and knowing you? You're the introverted type. Pa'no ka makakagain ng friends and connections eh yun pa naman ang mahalaga sa music and arts industry?"
"Hon', don't pressure Yeonie. He already knows what he wants but we're sorry dear. Your Mom didn't allow us to let you take the strand that you want. Gusto nya talagang i-enroll ka namin sa STEM,"
"But you are not yet fully enrolled. Kailangan mo pa magtake ng entrance exam. We'll go there tomorrow," Paalala saakin ni Kuya. Nabanggit nya na rin ito sa sasakyan kanina nung papunta kami dito.
Tumango ako. "Fine. Oh, and it's okay Ate Maeji. Wala naman akong magagawa kung ito talaga ang gusto ni Mama para sa'kin. Alam naman nating walang makakapigil kay Mom sa gusto nya but I appreciate your concern and consideration. Thank you for helping me,"
"Nako, wala yun. Oh, kumain ka pa," Nilagyan nya pa ako ng sushi sa plato 'ko.
"Ako ba walang thank you?" Reklamo ni Kuya na inilingan 'ko at tinawanan.
"Whatever kuya,"
Ginulo nya ang buhok 'ko bago kami tumuloy sa pagkain. Pinagkwentuhan rin namin si Richi. And to me, it sounds like she's doing amazing.
BINABASA MO ANG
Achiever
FanfictionYeonjun was forced to move in Manila where his front neighbour is Yeji. They were never in good terms until incidents happen to Yeji's friends and Yeonjun was the only one who was with her all the time. Nasa kanya ang lahat ng bigat, lahat ng sakit...